Part 53

15K 671 86
                                    

Hanggang sa makarating kami sa kwarto, hindi pa rin ako makapaniwala na si Gab ang Illusionist.

Ang bait bait ni Gab saken eh. Siya pa tumulong sakeng ishare kung ano yung magiging gift ko kapag naglevel up ako.

Siya rin yung una kong nakausap na mataas ang level pero imbis na di ako pansinin, siya pa pumilit saken na magpa level.

Pero bakit sabi ni TB na masama daw yung Illusionist? Siguro dahil na rin sa nakaraan niya na masama yung Illusionist, pero si Gab? Anong kinalaman ni Gab saken para sabihin ni TB lahat ng mga yun?

Siguro mabait naman talaga si Gab. Pero kung mabait si Gab, ibig sabihin, nagsisinungaling saken si TB.

So si TB ba ang kalaban dito?

O si Gab?

Either way, sino yung nagsasabi ng totoo?

Gusto kong makausap si TB!ASAP.

Kaya lumabas ako ng kwarto ko at hinanap ko siya, kaso si Matteo ang nakasalubong ko. Ngumiti pa siya nung nakita niya ako.

"Ju, kumain ka na? Tara...."

"Busy ako Matteo" sabi ko.

"Ay ang taray mo naman"

"Sorry, may hinahanap lang kasi ako. Mamaya na lang tayo mag usap ah?"

"Hmmmm... sige," sabi niya.

Alam kong nagtatampo si Matteo, pero kailangan kong malaman lahat lahat kay TB ngayon.

Pumunta ako sa kwarto kung saan ko sila nakita ni Jai at swerte ngang nandun si TB.

"Julian!" Sigaw ni TB.

Gusto ko ng maniwala na eto talaga yung totoong itsura ni TB, gwapo at makinis. Kaso kailangan ko magfocus, wag ako magpalinlang sa kagwapuhan niya.

"Bawal ka rito Julian...."

"May gusto lang akong malaman. Pwede ba tayo mag usap?" Diretso yung pagkakasabi ko, ni hindi man lang ako ngumiti.

"Tungkol saan?"

"Tungkol kay Gab" sabi ko.

Tinigil niya yung ginagawa niya at tumayo siya saka lumapit saken at sinamahan ako palabas.

+++

Nasa isang kwarto kami ngayon, tahimik at mukhang walang ibang tao.

Isa lang kulay ng kwarto, kulay puti at sobrang linis. Naupo kaming dalawa habang magkatapat.

"Anong gusto mo malaman?"

"Bakit gustong gusto mong talunin ko si Gab? Ano bang ginawa niya sa'yo? Naging mabait naman siya saken, pero bakit parang gusto mong matalo ko siya?"

"Julian, sinasabi ko lang naman yung nakaraan ko sa'yo. Wala akong ibang ibig sabihin dun. Gusto ko lang manalo ka para ma keep mo yung gift mo" paliwanag ni TB.

Ayoko sanang mag isip ng kung ano, pero parang may tinatago si TB saken.

Sana lang talaga wala.

"Julian, ano bang naiisip mo?? Bakit parang... iba ka ngayon?" Tanong ni TB.

Medyo nagaalala yung itsura niya ngayon. Sana lang kasi hindi gift proof tong lugar na 'to para nababasa ko yung nasa isip niya.

"Wala naman, ang bait lang kasi ni Gab saken, tapos naalala kong, gusto mo pang talunin ko siya. Napapaisip lang ako."

Julian's GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon