Naiiyak na naman ako ngayon, siguro dahil nag iisa na naman ako. May 10 na naman natalo sa event, at paunti na kami ng paunti.
At siguro, mas naiiyak ako sa nalaman ko about kay Leia.
Paano nalaman ni TB yung tungkol kay Leia? Bakit gusto niyang mahanap ko siya? Alam na kaya niya simula pa lang na may kapatid ako?
Imposible, kasi kung alam niya, sinabi na niya saken yun ng matagal na. Gusto kong malaman kung sino yung kapatid ko.
Masyado na akong nababaliw.
Kinakain na ako ng sistema sa event na 'to. Masyadong maraming nangyayari. Hindi lang 'to basta event lang sa gifted, parang ako ang pinaka affected sa lahat.
Nag aadjust pa yung mata ko sa bagong lugar. Medyo madilim pa kasi at mukhang bago na naman talaga tong stage na 'to.
Tinignan ko yung sahig kung nasaan yung lugar at naramdaman ko yung aligasgas ng buhangin.
Medyo mahangin din.
May mga napapansin din akong matataas na bagay, siguro building yun, di ko pa sure kasi gabi.
Naglakad ako ng kaunti at dun ko napansin na nasa isang disyerto ako!
Oo, katulad nung sa stage 1 kaso this time, mukhang mas malaki yung lugar.
Pinagpatuloy ko yung paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa parang building na nakita ko kanina, hindi nga ako nagkamali, building yun.
Pumasok muna ako dun at ginamit ko gift ko kung may tao dun sa loob, kaso wala akong na detect kaya dun muna ako nagpalipas ng gabi.
Sure akong sira yung building na 'to at abandunado, pero may sofa dun at dun muna ako nagpahinga.
Nahiga ako dun habang iniisip yung nangyayari saken.
+++
Nagising ako dahil narinig kong may pumasok sa building.
Umaga na at maaraw, saka ko napansin yung loob ng building, sobrang dumi at kalat, kahit yung sofa na hinihigaan ko eh sira sira, pero di ko na napansin sa sobrang lungkot ko.
Sinilip ko kung sino yun.
"Sarah!!!" Sigaw ko.
Napatingin siya saken at dali dali siyang tumakbo at niyakap ako.
"Julian!!!!! Gosh! Ang tagal kitang di nakita!!"
"Alam ko! Nag aalala ako mamaya wala ka na."
"Duh, ako pa ba?"
"Hehe sabagay. Ikaw lang mag isa?"
"Oo, may nakalaban pa ako nung pag punta ko rito, buti natalo ko hehe"
"Nako, ang lakas talaga hehe."
"Umiyak ka ba? Bakit namamaga yang mata mo?" Sabay lapit ng mukha ni Sarah saken.
"Huy, wala 'to hehe"
"Nako Julian, wag ako. Sabihin mo na yan, may nawala ba na dapat kong malaman, si Matteo okay lang ba?"
"Oo, okay naman siya. Kaso..., hindi yun yung problema ko"
Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko kay Sarah lahat pero kaibigan ko naman siya at may tiwala ako sakanya, kaya sinabi ko rin lahat.
"Woah. Seryoso?! May kapatid ka?!"
"Di ko rin alam kung sino, kaya nga nag iisip ako ngayong mabuti eh"

BINABASA MO ANG
Julian's Gift
FantasiaHighest Achievement: #4 Fantasy themed Sundan ang magulong mundo ni Julian matapos makatanggap ng isang kakaibang regalo. Warning: this is an M2M Story. Kung di open minded, wag na basahin :)) Cover made by: @mr_bluex