ABANGAN ANG LAST 6 CHAPTERS NG STORY!
VISIT NIYO SI aljjuuur18 PAKIBASA DAW STORY NIYA 😗
HI SA MGA HINDI BUMITAW HANGGANG DULO!😙
SAGAD NA. VOTE AND COMMENTS!!!!!
+++++++
Halos di na ako nakatulog nung pumasok ako sa panaginip ni TB.
Malalim na naman yung gabi, at tulog na tulog na silang lahat dito, pati si Matteo.
Magkatabi kami ngayon at dahan dahan akong bumangon.
Mukhang naramdaman ni Matteo pagbangon ko at nagising din siya.
"Okay ka lang ba talaga Ju?" Tanong ni Matteo saken.
"Ahh... oo"
"Ano ba talaga kasi yung napanaginipan mo? Bakit ayaw mo sabihin?"
Ayoko kasing sabihin sakanila, parang feeling ko dapat sarilihin ko lang, kaso involve din kasi yung kuya ni Matteo.
"Alam mo Ju, paano tayo magsisimula niyan kung hindi mo saken sinasabi problema mo?" Tanong niya pa.
Sa mga oras na 'to, parang gusto kong maramdaman yung yakap ni Matteo.
So kinwento ko sakanya lahat hanggang sa maliwanagan siya.
"So.... totoo yung panaginip na yun?" Tanong niya.
"Oo. Diba, may gift nga ako na kaya kong pumasok sa panaginip ng ibang tao. Nagkausap kami ni TB 'don"
"Ganun pala ginawa niya kay Kuya. Di ko alam" mukhang nalungkot si Matteo sa nakwento ko sakanya.
"Uy.. okay ka lang?"
"Hindi ko alam Ju eh. Parang ang bigat naman nun, kasi diba ganun yung nangyari sateng tatlo nila Laurence? I mean, halos kaparehas lang."
"Eh bakit ka nag aalala?"
"Eh paano kasi kung hindi naman pala nasa Illusion si Laurence? At saka paano kung mahal ka talaga niya? Paano kung kayo talaga sa isa't isa?"
"Hala seryoso ka ba diyan?"
"Oo Ju. Parang parati ko kasing pinapakita sa'yo kung gaano kita kamahal pero ikaw nagdadalawang isip ka pa rin"
Hindi naman totoo yun. Si Matteo naman na talaga mahal ko, pero si Laurence, parang special lang kasi siya yung una kong nakarelasyon. Pero si Matteo talaga mahal ko.
"Sana kaya kong bumalik sa oras, tapos di na ako matatakot na sabihin sa'yo na mahal na kita noon pa"
Nakakaiyak naman tong sinasabi ni Matteo.
"Ano ba, wag ka ngang mag isip ng ganyan. Ikaw naman talaga mahal ko. Sinabi ko naman sa'yo yan diba? Wag ka mag alala. Matapos lang 'tong event na'to, babalik tayo sa normal ha?"
Ngumiti naman siya ng kaunti.
"Promise mo yan?" Sabi niya.
"Promise po."
"Sabihin mo na kasi saken. Para nababawasan yung lungkot ko"
"Seryoso ka ba?"
"Oo nga Ju. Dali na, bulong mo na lang muna saken kung nahihiya ka"
"Pagkatapos...."
"Hindi ngayon na.... ay nalungkot ako bigla"
Bigla siyang nag inarte na nalulungkot. Nababaliw na naman siya pero natatawa ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/65397964-288-k722819.jpg)
BINABASA MO ANG
Julian's Gift
FantasiHighest Achievement: #4 Fantasy themed Sundan ang magulong mundo ni Julian matapos makatanggap ng isang kakaibang regalo. Warning: this is an M2M Story. Kung di open minded, wag na basahin :)) Cover made by: @mr_bluex