First of all, Maraming Salamat sa Vote and Comments!
#7 na yung Julian's Gift sa FANTASY THEMED story sa wattpad. Gosh. Super thank you! Goal ko lang hanggang 10 ehhh pero super duper thank you talaga! 😁
VOTE AND COMMENTS PA DIN AHHH?!
+++++
As much as gusto ko makasama si Matteo ng matagal sa pwesto namen, pumunta kami rito para makatulong at maging volunteers kaya bumalik na kami sa kwarto nun para makapagpahinga.
Kinabukasan, parang ang ganda ganda ng gising ko. Di ko pa naranasan to ever.
Nakangiti ako habang bumabangon.
And naalala ko si Matteo kagabi. Grabe, may kilig akong nararamdaman to the point na para talaga akong baliw na ngumingiti mag isa.
Naramdaman ko na lang bigla na may tumabi saken.
Si Matteo.
Inabutan niya ako ng tinapay at juice.
"Oh, breakfast in bed. Hehe"
Fvck, ang cutie niya ngayon. Nakaligo na siya at nakabihis at ang bango bango pa.
"Hehe, salamat" bwisit, ang pabebe ng boses ko nun.
"Sus. Ikaw pa!" Sagot niya.
Gising na rin yung dalawang kasama namen sa kwarto at nag aasikaso na.
"Bakit ang aga mo naman magising?" Tanong ko.
"Paano naman ako makakatulog kung kinikilig ako ng sobra" sabay ngiti saken.
Fvck, ang gwapo!! Super gwapo! Tapos nagpapakilig pa!!
"Maligo ka na nga dun. Amoy lupa ka na ehhh" sabi niya.
Inamoy ko tuloy sarili ko, pero di naman.
"Baka iba yun, di ako yun!" Sagot ko.
"We? Paamoy nga?" Nagulat ako ng bigla siyang lumapit saken at inamoy ako sa leeg papunta sa katawan ko, paakyat sa leeg ko uli.
"Ang bango mo naman" bulong niya sa tenga ko.
Grabe goosebumps ko sa pagbulong niya saken.
"Hmmmmm. Alam na alam ko talaga yang amoy mo eh"bulong niya pa uli.
Bahagya akong lumayo baka kasi makita ako ng mga nasa kwarto nun.
"Baliw ka talaga" sabi ko.
"Hehe, sorry Ju. Kumain ka na diyan tapos mag asikaso ka na. Dami na naman mga bubuhatin dun, alam ko naman di mo kaya yun kaya ako na gagawa para sayo"
"Ano akala mo saken? Lampa?"
"Di naman. LAMPAke ka nga saken ehhh" bigla siyang nalungkot na parang nag iinarte.
Pero sa paningin ko, sobrang cute niya talaga.
"Hala, tigilan mo nga yan!"
"Haha. Sige na Ju, kilos na. Labas ka na kaagad ah?" Di na niya ako hinintay sumagot, basta lumabas na siya kaagad.
Nag asikaso naman na ako kaagad.
++
Pagkatapos ko maligo, parang ngayon lang nag sink in saken yung mga pinag gagagawa ko.
Mali to, alam ko. Si Laurence, nasa Manila, naghihintay saken.
Pero yung bestfriend ko, na matagal ko ng mahal, nag confess na gusto niya ako.
BINABASA MO ANG
Julian's Gift
FantasyHighest Achievement: #4 Fantasy themed Sundan ang magulong mundo ni Julian matapos makatanggap ng isang kakaibang regalo. Warning: this is an M2M Story. Kung di open minded, wag na basahin :)) Cover made by: @mr_bluex