Pinag uusapan sa room yung ginawa saken ni Laurence. Medyo nakakailang lang kasi lahat sila nakatingin saken. Di naman masasama yung sinasabi nila, pero ayoko lang sa feeling ng pinag uusapan.
"Masaya ka ba Ju?" Tanong ni Matteo saken pag pasok sa room.
"Oo, grabe. Nakakainis, ganito pala pakiramdam, parang nasa heaven ka" sabi ko.
"Aba buti naman masaya ka hehe. Hindi na kita pwedeng asarin, kasi taken ka na"
"Sus, ikaw pa ba, kahit naman anong gawin mo aasarin at aasarin mo ko eh"
"Haha, buti naman alam mo" sabi niya.
Di ko na pinansin masyado si Matteo kasi busy siya sa paglalaro niya sa phone. Di naman sumasama saken si Greco, di ko rin alam kung bakit pero mabuti na rin yun.
Pagkatapos ng klase, di ko na nakita si Matteo, si Greco na uli kasa kasama ko.
"Wow, sikat ka na sa school. Alam mo ba ikaw pinag uusapan ng lahat" sabi ni Greco habang naglalakad kami palabas.
"Oo nga eh, tignan mo halos pinagtitinginan ako ng lahat"
"Hehe, baka wala na akong makasama niyan palagi!"
"Haha adik, syempre hindi naman"
Napansin ko naman na palapit si Jerick samen ni Greco. Alam kong inis si Greco kay Jerick kaya umalis muna siya at iniwan niya kaming dalawa.
"Hoy Julian!" Tawag niya saken.
"Please, kung makikipag tarayan ka, wala ako sa mood...."
Pero bigla niya akong niyakap na talagang kinagulat ko.
"Ahh, anong problema mo?" Tanong ko.
"Duh, kaya lang naman ako galit sayo kasi feeling ko may gusto ka kay Matteo, pero iba pala yung gusto mo, di na ako galit sayo!"
"Ganun lang yun?"
"Hindi naman talaga ako galit sayo eh, galit lang ako kapag kasama mo si Matteo, kaya peace peace na tayo. Nakaka stress kaya kapag may kaaway" sabi niya pa.
Hinawakan niya ako sa braso at sinamahang maglakad.
"Teka, seryoso ka ba?" Tanong ko.
Oh wait, kaya ko palang basahin isip niya.
"Buti nalang talaga hindi si Matteo. Gosh, thank you." Sabi niya sa isip niya.
"Oo, at isa pa, tayo lang naman yung open na bakla sa klase, sino sino pa ba magiging magkaibigan kundi ang kapwa bakla diba?"
Di ko alam pero natawa ako sa sinabi niya.
"So, anong tawagan niyo ni Laurence?" bigla niyang tanong.
"Anong tawagan?"
"Endearment, gosh, Julian, ano ka ba? First timer?"
"Ah ehh oo eh."
Tinignan niya lang ako na parang gulat na gulat.
"OMG, first relationship mo to?!"
"Ah, oo. Bakit parang gulat na gulat ka?"
"Wala naman. Hmmm, so you're telling me na virgin ka pa?"
"Oo naman!"
"Holy fvck! Ikaw lang kilala kong baklang virgin"
"Hoy tigilan mo na nga yang ganyang tanong mo!"
"Ay ehehe sorry. Di lang ako makapaniwala" sabi niya.
Medyo weird pa rin na kinakausap ako ni Jerick na parang wala kaming rivalry noon.
"Eh bakit ba tuwang tuwa kang di si Matteo gusto ko? Eh straight naman si Matteo"

BINABASA MO ANG
Julian's Gift
FantasyHighest Achievement: #4 Fantasy themed Sundan ang magulong mundo ni Julian matapos makatanggap ng isang kakaibang regalo. Warning: this is an M2M Story. Kung di open minded, wag na basahin :)) Cover made by: @mr_bluex