Part 36

15.9K 748 180
                                    

CONGRATS ATENEO!!! 💙💙

VOTE AND COMMENTS!!!


++++++

Iniiwasan ko muna si Matteo at Laurence para di ako makasakit. Ang sabi ko, wala muna akong kakausapin sa kanilang dalawa.

Sa ngayon, si Sarah at Kennard muna yung kasama ko at kumakain kaming tatlo sa mall.

"Alam mo Julian, ayoko sa'yo para kay Laurence eh, kasi, gusto ko si Lucas para sakanya. Pero syempre, as bagong kaibigan at kaibigan ng labs ko, susuportahan ko pa rin magiging desisyon mo hehe" sabi ni Kennard saken.

Pare parehas kaming naka uniform, CEU, TIP at FEU.

"Labs naman, wag ka ng magsabi ng ganyan, pinapahirapan mo pa isip ni Julian eh haha. Hayaan mo na lang muna siya" sabi naman ni Sarah.

"Kapag tropa, tropa lang kasi. Walang taluhan, sabihan mo nga si Matteo niyan, Julian!" Sabi ni Kennard.

"Ano ba? Akala ko ba di natin sila pag uusapan?" Sabi ko sakanila.

"Hehe, sorry sorry."

Nasa McDo kasi kami ngayon, at nakikita ko lahat ng mga tao sa labas na dumadaan, at nakita ko ang familiar na mukha.

Si Spencer!

"Uy, naalala niyo siya?" Turo ko kay Spencer na nakapila sa counter.

"Ayyy oo. Yung weird na lalaki"sabi ni Sarah.

"Nako, isang pitik ko lang ng apoy diyan, siguradong sunog yan haha!" Sabi ni Kennard.

"Haha, edi ikaw na ang may gift of fire!" Sabi ni Sarah.

"Pero syempre, mas hot ka pa rin" bulong ni Kennard kay Sarah.

Infairness sa dalawang to, kinikilig ako sakanila.

Di naman nawala yung tingin ko kay Spencer at napansin kong may nilabas siya sa bag niya.

Sht!!!

Yung libro!

Katulad ng saken. Katulad ng samen. Pero sakanya, kulay Grey.

"Tignan niyo!" Sabi ko kaagad sakanilang dalawa.

Nagulat sila nung nakita nilang hawak ni Spencer yun.

So ibig sabihin....

May gift din si Spencer.

"Teka, eh bakit ibang kulay sakanya?" Tanong ko.

"Depende siguro sa gift mo" sagot ni Kennard.

Napansin ko rin na umiilaw yung libro ko sa bag ko.

"Ano yan Julian? May announcement ka?" Tanong ni Sarah.

"Hindi, hindi, naalala ko lang kasi na...." hindi ko natapos yung sasabihin ko.

Sasabihin ko sana na umilaw yung libro kong nung nakita ko sa beach si Sarah na parang..... tracker.... tracker yung libro ko.

Natulala lang sila sa sinabi ko.

Bakit di ko napansin yun? Oo! Pwedeng maging tracker yung libro ko kasi umilaw to nung nakita ko si Sarah.

Si Kennard naman, naiwan ko nun sa bahay yung libro ko habang nag iinuman kami sa bahay ni Laurence, kaya hindi ko alam kung umilaw yung libro ko.

Si Gab? Si Gab naka discover about sa gift ko kaya hindi talaga iilaw yung libro ko.

Si Greco? Si Greco, hindi ko naman dala palagi yung libro ko kaya nung pinahawak ko sakanya yung libro, hindi na siya nagsilbing tracker kasi meron na akong kutob na may gift siya.

Julian's GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon