HAPPY 12K VOTES! Salamat GUYS! 😊
VOTE AND COMMENTS!!!!
++++++
Inakbayan ako ni Matteo habang naglalakad kami, Although wala akong maramdaman, iniisip ko na lang na nararamdaman ko.
"Ju, alam mo ba kanina, nakakainlove ka lalo nung nakikipaglaban ka" bulong saken ni Matteo.
Tumingin siya bigla sa nilalakaran namen pero nakangiti siya. Alam kong ganito siya magpa cute.
"Salamat!" Sabi ko sabay ngiti.
"Nakakatakot ka galitin, mamaya ako itapon mo kapag magkaaway tayo haha"
"Bakit? Aawayin mo ba ako?"
"Hindi, syempre kapag mag asawa hindi naman maiiwasan yun. Lalo na't maraming nagkakagusto sa'yo!"
"Hala asawa kaagad?" Tanong ko.
"Ayaw mo ba?" Sabay kindat saken.
Di naman ako nakasagot.
"Anong asa-asawa narrinig ko diyan. Mag tigil kayo, naiinis ako!" Sabi ni Lucas pero deep inside natatawa siya sameng dalawa.
Lumapit naman si Lucas saken, hindi pa rin tinatanggal ni Matteo pagkakaakbay saken.
"Ganyan din kami ni Laurence dati, Julian. Alam kong alam mo kasi ganun din siya sa'yo"
Iba talaga hugot ni Lucas lalo na kapag si Laurence pinag uusapan.
"Teka, Lucas, matanong ko lang, paano mo pala nalaman yung tungkol kay Gab? I mean, diba kayo pa nga tumalo samen ni Blue non?" Sabi ko.
"Si Kennard nagsabi saken."
"Kennard?"
"Oo pagkatapos namen kayo matalo, nagkita kami ni Kennard. Sinabi niya saken kung gaano siya kagalit kay Gab sa ginawa niya kay Laurence"
"Bakit ba kasi tayo.... kami ni Laurence yung ginamit ni Gab?"
"Sorry Julian, pero di ko rin talaga alam. Ang alam ko lang, kinontrol ni Gab si Laurence at nilagay sa isang Illusion na inlove na inlove sa'yo si Laurence. Ayun lang alam ko"
"Sino nagsabi kay Kennard nun?" Tanong ko pa.
"Di ko kasi alam kung kilala mo eh... pero, G nagsisimula yung pangalan eh"
"Greco?"
"Oo! Greco! Greco yung name!"Paano naman nalaman ni Greco?! Paano niya nalaman yung about kay Gab?
O magkakampi silang dalawa?
Naalala ko yung sinabi saken ni Tracy "huwag mong pagkatiwalaan si Greco!"So eto yun? Eto ba yung tinutukoy niya?
"Bakit Julian? Ano naiisip mo?" Tanong ni Lucas.
"Ahh... wala... wala.... oo, kilala ko yung Greco na yun. Parehas kami ng gift eh"
"Woah, so kaya niya rin gawin yung ginagawa mo?!""Oo."
"Kailangan pala nating mag ingat sakanya"
"Bakit ba parang bilib na bilib kayo saken? Ni hindi ko nga kayo mapantayan sa kung anong kaya niyong gawin eh!" Sabi ko.

BINABASA MO ANG
Julian's Gift
FantasiaHighest Achievement: #4 Fantasy themed Sundan ang magulong mundo ni Julian matapos makatanggap ng isang kakaibang regalo. Warning: this is an M2M Story. Kung di open minded, wag na basahin :)) Cover made by: @mr_bluex