Part 61

16.6K 787 165
                                    

VOTE AND COMMENTS NA KAAGAD!!!!!

+++

Kapatid ko yung una kong naging boyfriend.

Kapatid ko yung first romantic kiss ko.

Kapatid ko yung crush ko.

Kapatid ko yung pinagpapantasyahan ko.

Kapatid ko si Laurence.

Ayoko pa rin maniwala sa nalaman ko, hindi dahil kapatid ko siya, kundi dahil ang hirap paniwalaan.

Parang mababaw masyado yung pangyayari, to think na wala naman akong kasalanan. Wala naman akong ginawa para mangyari saken 'to.

Madilim pa rin, at mukhang hindi pa ako nakakalabas sa panaginip ko.

Bigla namang nagliwanag yung paligid at nakita ko si Laurence na palapit saken.

Nasa school kami ngayon, habang may hawak siya na bulaklak. Maraming mga tao sa paligid namen, habang may hawak ng gitara si Matteo.

Eto yung panahong hinarana ako ni Matteo kaso si Laurence yung lumabas. Eto yung araw na sinagot ko si Laurence.

Niyakap ako ni Laurence ng mahigpit at hinalikan sa noo.

"I love you Julian. I love you babe" sabi pa ni Laurence, at dahan dahan niyang nilapit yung mukha niya saken.

Alam ko na yung gagawin niya, hahalikan niya ako sa labi ko.

Napapikit ako ng todo, habang nagsisigawan yung mga estudyante sa paligid ko.

"JULIAN!" Biglang sigaw ng boses na babae.

At napadilat ako ng mata.

Puro buhangin na naman at isang gumuhong building yung bumungad saken.

Bumangon ako.

"Okay ka na ba?" Tanong ni Sarah saken.

Oo nga pala, kakatapos ko lang buhatin yung building.

"Grabe Julian! Building? Seryoso? Nakaya mo yun!"

Napakamot lang ako ng ulo.

"Siguro sobrang pagod ka na kaya ka nahimatay"

"Kanina pa ba ako natutulog?" Tanong ko.

"Hindi naman, mga 20mins lang"

20mins? Pero ang dami ko na kaagad nalaman.

Sumasakit na lalo yung ulo ko.

"Okay ka lang ba Julian?" Tanong pa ni Sarah.

"Ah, oo oo."

"Okay ka na maglakad? O gusto mo dito muna tayo?"

Pumayag na ako maglakad, para mahanap na rin namen yung iba at para di ako mabaliw kapag nakaupo lang ako sa isang tabi at nag iisip.

+++

"Hay nako Julian, may problema ka! Ano yun? Sabihin mo na!" Sabi ni Sarah habang naglalakad kaming dalawa sa disyerto.

Kanina ko pa iniisip yung panaginip ko about kay Gab.

Parang di kasi ako makapaniwala.

"Wala..."

"Tigilan mo ko Julian, kilala na kita. Miss mo na si Matteo?"

"Hindi yun..."

"Nako, miss mo na siya, ako na bahala sa'yo" nilabas niya yung pang drawing niya at mukhang may ginuguhit siya.

Julian's GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon