Part 63

14.4K 824 127
                                    

YAY. 14k VOTES. Thankie!!!! :) at ilang araw na sa #6 FANTASY category hihi.

BINALAAN KO NA KAYO NA WHOLESOME 'TO KAYA WAG NA KAYO UMASA SA DETAILED BED SCENE! HAHA

Well.... VOTE AND COMMENTS NA!!!!

+++++

Ang liit ng battlefield namen. Talagang kitang kita ko silang lahat kahit gabi. Mukhang ready na silang lahat makipaglaban, samantalang ako, hinahanda ko na rin sarili ko.

Sumigaw si Matteo sa gilid ko at mukhang gustong lumapit saken kaso di siya makagalaw. Dun ko lang din napansin na parang di rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Bigla naman kaming may narinig na parang announcement.

"Final Stage. Nasa loob kayo ng isang special arena ngayon. Lahat ng special na gamit na nakukuha niyo sa nakaraang mga stage o kahit anong special ng gamit na meron kayo ay hindi na maaaring gamitin sa stage na 'to.

Goodluck Gifteds!"

At biglang lumuwag yung paa ko at nakakagalaw na uli ako.

Saka ko naisip yung dice ko!!! Plano ko pa namang gamitin dito sa last stage yung dice na 'to, kaso wala na siyang silbi!

Nakita ko namang lumapit saken si Matteo.

"Last stage na, konti na lang Ju!" Sabi ni Matteo.

Pero di ko muna siya pinansin, tinignan ko si Sarah at Kennard. Tapos sa bandang dulo, meron pang iba, napansin ko dun yung babaeng nakalaban namen ni Blue sa stage 2, yung malakas na babae na kayang magbuhat ng napakabigat.

Tapos naalala ko si Blue. Sayang. Di ko siya natulungan nung huli, gusto pa naman niya na magkalaban kami.

Bigla ko namang naramdaman yung pag alog ng lupa at napansin kong may naglalaban na dun sa dulo.

"Kailan ba tayo maglalaban Julian?" Sabi bigla ni Gab na unti unting lumalapit saken.


Umuurong paa ko pero hinawakan ako ni Matteo.

"'Wag kang mag alala, nandito ako" sabi niya pa.

Nilakasan ko loob ko.

"Nice, alam mo kilala ko Kuya mo" sabi ni Gab habang nakatingin kay Matteo.

"Oh?" Maangas na sagot ni Matteo.

"Oo. Alam mo bang tinulungan niya ako sa lahat ng mga plano ko? Kuya mo yun pero nandiyan ka sa tabi..."

"Ano bang paki mo? Bwisit ka din eh no, ang laki laki mo na tapos ganyan ka pa umasta. Para kang tanga! Di ka marunong mag let go! Bobo mo, ganun lang gagawin mo, mag move on. Idadamay mo pa mga inosenteng tao diyan sa kabobohan mo. Para saan? Para manalo dito? Wala ka bang buhay sa labas at dito ka nag fofocus? Gago kang bwisit ka!!"

Nagulat ako sa sinabi ni Matteo, sobrang unexpected, kahit si Gab nagulat at di nakasagot.

"Kalalaki mo pang tao ganyan ka umasta, bakla ka bang hayop ka?!" Sabi pa niya.

"Wala kang alam sa storya...."

"Oh, may gusto nanay mo sa nanay ni Laurence. Parehas silang tibo, tapos nung naging miserbale buhay mo, sinisi mo nanay ni Laurence. Kaya nung namatay nanay mo, gumanti ka kay Julian. Kasi sa tingin mo, puno't dulo ng lahat neto tatay niya!"

Hinawakan ko si Matteo kasi totoong nanggigigil nga siya.

Di ko naman malaman yung expression ni Gab ngayon.

"Wala. Kang. Alam." Yun na lang nasabi ni Gab.

"Bakla ka pa ring hayop ka, tigilan mo ko sa ganyan mo!"

Julian's GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon