VOTE FOR THE RIGHT CANDIDATE,
AND VOTE FOR MY STORY NOW. HAHA PLUS ADD COMMENTS 😉
HAPPY 100K READS SA JULIAN'S GIFT!!!!!! THANK YOU SO MUCH!!!!!!
+++++++
Pagka gising ko, napansin kong wala na si Laurence sa sahig at nakatiklop na rin yung higaan niya.
Nandito pa naman yung phone niya at gamit niya kaya siguradong di pa siya umaalis.
Napansin ko namang umilaw yung phone niya, siguro may nagtext sakanya, pero nakita ko yung wallpaper niya.
Picture ko.
Alam ko picture ko to nung nasa Zambales kaming dalawa.
Candid shot ko yun. Feeling ko nga ang cute cute ko sa picture na yun eh. Pero ayun pa rin yung wallpaper niya. Hindi nabago.
Kukunin ko sana phone niya kaso biglang bumukas yung pinto ng CR at nakita ko siyang naka brief lang.
Napalunok ako ng laway sa nakita ko. Di pa rin nagbabago si Laurence, hot at macho pa rin.
Nakakainis, ang laki talaga ng ano niya eh. Bakat na bakat.
Napatakip tuloy siya nung nakita niya akong gising.
"Sorry Julian. Akala ko tulog ka pa. Ang sarap kasi ng tulog mo... sorry... sorry" sabi niya habang nagmamadaling magbihis.
Natatawa naman ako sakanya habang nagbibihis.
"Okay na. Pwede ka ng tumingin" sabi niya pa. Pero nakatingin talaga ako althroughout sa pagbihis niya.
"Okay. Bakit ka kasi naligo?" Tanong ko.
"Haha ganun talaga. Kapag Bagong taon, maliligo ka kapag bagong gising para new start yung buong taon mo" paliwanag niya.
"Ay iba paniniwala ko, dapat kapag New Year, di ka maliligo para di maalis yung swerte sa katawan mo ng isang linggo."
"Ay, parang kadiri naman yun"
Ewan ko pero natawa ako sa pagkakasabi niya nun. Ang cute kasi ng expression ng mukha niya, ang taba taba ng pisngi tapos parang gulat na gulat.
"Haha pero syempre kapag ikaw, okay lang." Pahabol pa niya
"Sus. Hehe"
Bahagya kong nakalimutan yung problema ko kay Matteo dahil katabi ko si Laurence. Siya yung nagpapasaya saken ngayon.
"Julian, gusto mo bang umalis bukas? Alam ko bawal umalis ngayon eh."
"Bakit? Kasi isang taon kang aalis ganun?"
"Haha, mga pamahiin eh no?"
"Oo nga eh. Pero baka di ako pwede bukas" sabi ko.
Event na kasi bukas! Hindi talaga ako pwede.
"Ay ganun ba. Sa isang araw kaya, o sa susunod? Kailan ka ba pwede?"
"Hmmm. Di ko pa kasi talaga sure. Pero kapag pwede, sige, alis tayo" sabi ko.
Ngumiti na lang siya. Siguro iniisip niya na ayaw ko pa siyang kasama sa ngayon, kaso ang totoo, naiisip ko yung sa event.
Paano kaya yung schooling ko nun kung sakali? Hindi ako papasok para umattend sa event?
Paano ko magpapaalam kina mama neto?
"Julian, Julian, Julian" biglang sabi ni Laurence.
"Huh?"
"May knock knock ako sa pangalan mo" sabi niya.
"Hala? Kailan ka pa natutong mag joke?"
"Hahaha. Syempre pinapasaya ko lang sarili ko nung naghiwalay tayo. Haha."
BINABASA MO ANG
Julian's Gift
FantasyHighest Achievement: #4 Fantasy themed Sundan ang magulong mundo ni Julian matapos makatanggap ng isang kakaibang regalo. Warning: this is an M2M Story. Kung di open minded, wag na basahin :)) Cover made by: @mr_bluex