ALAM NA KAPAG TALO ATENEO MAMAYA, WALA ULIT UPDATE AH HAHAHAHAHAJK ✌
VOTE AND COMMENTS NA!!! 😄
++++
Ngayon ko lang napansin na ilang araw na lang, Christmas vacation na.
Okay na rin yun para di ko makita mga tao sa school at ng maka move on na silang lahat sa nangyari.
Di ko alam kung bakit hinahayaan kong samahan ako ni Matteo palagi, eh ang sabi ko pa naman, pag iisipan ko kung sino pipiliin ko.
+
Pagkatapos kong magbihis at mag asikaso, bumaba na ako para pumasok.
Di na sana ako kakain kaso nakita kong may bisita pala ako.
Si Laurence.
Nasa sofa siya at mukhang hinihintay ako.
"Laurence." Tawag ko sakanya.
Pagkatingin niya saken, bigla siyang ngumiti. Eto yung smile ni Laurence na masaya at mukhang okay na.
Tumayo siya at hahalikan sana ako sa pisngi pero huminto siya at hinawakan na lang ako sa braso.
"Ku...kumusta ka?" Tanong ko.
"Hmm. Okay naman hehe, pwede ba kita ihatid ngayon sa school?" Sabi niya.
Hinanap ko sila mama at papa, at nakita ko silang kumakain sa lamesa.
"Kain muna tayo, gusto mo?" Tanong ko.
"Hmmm. Yayain sana kitang kumain sa labas eh, kung okay lang sa'yo"
Mukhang narinig nila mama yung sinabi ni Laurence at sumenyas sila na sumama na ako.
Ngumiti lang ako kay Laurence at saka pumayag na sumama.
++
Asusual, sa mall na naman kami nag almusal. 7 pa naman, kaya sa Jollibee muna kami.
Parehas kaming nakauniform.
"Balita ko di ka daw pumasok nung isang araw tapos umalis lang kayo ni Matteo ah?" Tanong niya.
Casual na usapan lang kaming dalawa.
"Ahh, eh... oo"sagot ko.
Ngumiti lang siya ng konti.
"Pwede bang magtanong?" Sabi ko.
"Sure! Ano yun??"
"Alam mo nung una kaming nagkita ni Lucas, ang sabi niya saken palagi daw kayong magkausap. Pero.... bakit wala kang nabanggit saken?" Sabi ko.
"Di totoo yun" mabilis niyang sagot.
Naghihintay naman ako ng paliwanag.
"Tumawag siya isang beses, akala ko si daddy kasi international call, pero nung narinig ko yung boses, alam kong siya yun, kaya binaba ko kaagad. Ikaw kasi naalala ko bigla, ayoko kasing makipag usap sa ex ko."
Wow. Bigla akong nahiya sa ginawa ko sakanya.
"Tumawag naman uli siya pero local number na, ang bungad niya "Nasa Pilipinas na ako", again, boses niya uli yun kaya binaba ko kaagad,"
Siya, tawag lang ng ex niya, di niya pinapansin. Ako naman, bumigay kaagad kay Matteo.
At, nagsisinungaling pala si Lucas. Medyo nagalit pa naman ako kay Laurence nun.
"Ohh, anong iniisip mo ngayon?" Sabi niya saken.
"Hehe, wala... parang ang sama lang talaga ng ginawa ko sa'yo"
BINABASA MO ANG
Julian's Gift
FantasyHighest Achievement: #4 Fantasy themed Sundan ang magulong mundo ni Julian matapos makatanggap ng isang kakaibang regalo. Warning: this is an M2M Story. Kung di open minded, wag na basahin :)) Cover made by: @mr_bluex