VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!
+++++
Di ako makasabay sa harutan ni Tracy at Greco, kaya umalis na lang ako at tumambay sa library maghapon ng wala akong kasama, inenjoy ko yung sarili ko sa tahimik na lugar na yun.
Pag uwi ko sa bahay, dumiretso ako sa kwarto at nanatiling mag isa.
Wala naman akong problema pero bakit parang feeling ko meron?
Gusto ko maghanap ng kausap.
Tatawagan ko sana si Matteo kaso baka magkasama sila ni Maddie, kaya si Laurence muna tinawagan ko.
Di naman niya sinasagot, si Greco sana kaso baka kasama rin si Tracy, kaya naman si Matteo na talaga tinawagan ko.
"Wow, bago to, tumatawag ka" sagot niya sa tawag ko.
"20mins lang to hehe"
"Ahhh, okay, bakit napatawag ka?" Tanong niya.
"Wala naman, parang maghapon lang akong mag isa tapos bigla akong nalungkot ngayon ng walang dahilan" sabi ko.
"Nako, di mo lang ako nakasama ganyan ka na, tsk tsk, sabi ko sayo dapat dumikit ka saken palagi eh."
"Hehe, siguro nga" sabi ko.
Narinig ko lang siyang tumawa.
"Kwento ka naman, about kay Maddie, bakit parang binabakuran ka ata?" Tanong ko.
"Oh, selos ka ba?" Tanong niya.
"Keme mo, bakit nga? Di ka na nagkekwento saken!!"
"Hehe, hmmmm. Wala naman, alam mo ba yung nangyari samen, di ko naman ginusto yun, parang bigla na lang nangyari"
"Eh bakit kasi di ka nakapagtimpi?" Sabi ko.
"Basta, biglang ganun eh. Wag ka ng matanong, baka mamaya ikwento ko pa sayo yung exact details ng ginawa namen eh!"
"Yak, kadiri ka!!!"
"Haha makakadiri ka, sigurado naman akong pinagpapantasyahan mo ko minsan!" Asar niya pa.
Ewan ko ba, kahit sobrang nakakaasar mang asar to, natatawa pa rin ako.
"Oh, may joke na lang ako!" Sabi niya.
"Siguraduhin mong matatawa ako ah?"
"Haha, sige, anong aso ang maagang nanganganak?"
Pagkasabi pa lang niyang ganun, natatawa na ako.
"Hahaha, sige ano?!"
"Edi tutang ina!"
Tinakpan ko muna yung phone ko para makatawa. Hahhahaha, ewan ko ba, bentang benta naman kasi talaga ni Matteo saken!
"Hahahaha, oh alam ko tumatawa ka diyan!!!"
"Nakakatawa kasi kakornyhan mo!" Sabi ko.
"Haha, meron pa akong tatlong joke!" Sabi niya.
"Sige sige, siguraduhin mong matatawa ako ah!!" Sabi ko.
"Joke. Joke, joke" sabi niya.
Natahimik ako bigla, di masyadong nag sink in sinabi niya saken.
"Ayun na yun, tatlong joke, joke, joke, joke!"
"Tama na, naglolokohan na tayo!" Sabi ko. Medyo nakakainis kasi yung joke niya, lalo na yung tono ng boses niya.
"Hahahahaha, sige sorry na!" Sabi niya.
Natahimik kami bigla, pero nakangiti ako, ewan ko kung bakit.
BINABASA MO ANG
Julian's Gift
FantasyHighest Achievement: #4 Fantasy themed Sundan ang magulong mundo ni Julian matapos makatanggap ng isang kakaibang regalo. Warning: this is an M2M Story. Kung di open minded, wag na basahin :)) Cover made by: @mr_bluex