Part 12

17.7K 725 52
                                    

Di ko masyadong pinansin yung sinabi ni Tracy saken kagabi, masaya naman akong natulog dahil nakapag usap kami ni Laurence. Mas lalo siyang nakakakilig, mas lalo niya akong napapasaya.

Di muna ako nag ayos ng itsura at bumaba na ako, alam ko kasi kumakain na sila mama sa baba.

Pero pagbaba ko, may naririnig akong boses, nagtatawanan. Di lang basta boses nila mama at papa, meron pang iba.

Pag tingin ko....


Si Matteo.

Naka uniform na siya at nakikipagtawanan kina mama at papa.

"Hahahaha, ay gising na pala siya!!" Biglang sabi ni Matteo pagkakita saken.

Tumingin lang din sila mama saken.

"Oh, sumabay ka na rito samen" sabi ni mama saken.

Anong ginagawa rito ni Matteo?

"Ju, ihiin ka pala nung bata ka eh! Haha" asar ni Matteo saken.

Nagtatawanan silang tatlo, at ako ang topic nila!

"Ma, ano ba yan bakit mo sinabi lahat kay Matteo!!" Sabi ko.

"Haha, ang tagal mo kasing magising eh, ikaw tuloy pinagkekwentuhan namen" sabi naman ni papa.

"Haha, halika na rito, kumain ka na!" Yaya naman ni Matteo.

Inis naman ako sakanilang lahat kaya umakyat uli ako sa kwarto ko at nahiga.

Maya maya, pumasok na lang si Matteo sa loob ng kwarto ko.

Lumapit siya saken at dumagan sa likod ko.

"Aray ko naman!!" Sabi ko.

"Haha, bakit ka ba nagiinarte diyan?"

Nakadapa ako tapos nakadapa rin siya saken. Nakahawak siya sa balikat ko.

Iba naman nararamdaman ko ng mga oras na yun, pero pinilit kong itago yun, palagi kong iniisip everytime na naiinlove ako sakanya, "bestfriend ka lang, bestfriend"

"Bumaba ka na, kumain at maligo!" Sabi niya.

"Dun ka na, mauna ka na, di na ako papasok. Wala naman klase eh" sabi ko.

"Ay, edi di na rin ako papasok"

Naupo na kaming dalawa sa kama ngayon.

"Baliw ka rin eh no?"

"Haha, wala ka naman dun Ju. Wala rin ako makakausap" sabi niya,

"Edi papasok na lang ako, nakakainis to"

"Haha, wag ka na mainis Ju hehe. Saten saten lang yun hehe"

Di ko naman matiis tong lalaking to kaya ngumiti ako para malaman niyang okay na ako.

"Ju" bigla niyang sabi.

"Oh?"

"Nililigawan ko na pala si Maddie, nagsabi na ako sakanya. Pumayag naman siya, syempre lugi pa ba siya? Matteo na to oh" sabi niya.

Di ko alam kung matatawa ako o maiinis sa sinabi niya, pero ngumiti lang uli ako para malaman niyang okay ako.

"Kinuha mo muna Virginity bago ka nanligaw, grabe ka!" Asar ko.

"Hoy, di na siya virgin nun no. Parehas lang kami, wag ka nga"

"Pero kahit na!"

"Sus, aminin mo na kasi sakeng may gusto ka kaya nagseselos ka lang"

Ayoko talagang nagbibiro siya ng ganito eh, di ko alam nararamdaman ko, parang naiiyak ako na ewan.

"Kapal mo tse, maliligo na nga ako!" Sabi ko na lang, tumayo na ako at kinuha yung tuwalya ko saka dumiretso sa banyo.


Julian's GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon