First, Maraming Salamat sa pagtutok sa story ni Julian, simula sa simula hanggang dulo. Eto na ang last chapter bago mag finale kaya salamat ng Marami.
VOTE AND COMMENTS!!!!
++++
Back to school na at syempre parang ang daming nagbago. Ang tagal ko rin sa event kaya medyo nawala focus ko rito sa school.
Ewan ko rin kung paano, pero feeling ko ang dami ring nagbago sa buhay ko simula ng nakuha ko yung gift na yun. Nasanay na akong nababasa ko isip ng mga taong nakakasalubong ko, yung kahit tapos na yung event, tumutulong pa rin ako.
One time, may nakasalubong ako namomroblema at di niya masabi kaya lumapit ako para makipag usap. Mga maliliit na bagay na alam kong makakagaan ng loob ng ibang tao.
Ang mantra pa naman palagi kapag New Year eh "New Year, New Me", taon taon na lang, pero sa unang linggo lang naman nagbabago then back to normal na naman sila.
Di ko rin alam buti na lang at nakalimutan na ng mga tao yung issue samen ni Laurence at di na nila ako pinag uusapan.
Pagpasok ko sa room, una kong napansin si Greco, ngumiti rin siya nung nakita niya ako.
"Hi Julian" sabi niya sa isip ko.
"Hi!" Sagot ko rin sa isip niya.
Tumabi ako sakanya at nagkwentuhan kami.
"Parang nakakapanibago no? Ang tagal tagal nating nagbakasyon" sabi niya pa.
"Hehe, tapos yung mga nangyari pa sa events. Grabe, parang ang sarap ikwento sa iba no?"
"Bawal Julian. Masasayang lahat ng pinaghirapan natin kung mawawala lang yun hehe"
"Oo nga eh, buti nandito ka!"
"Nasaan naman si Matteo?"
"Ewan ko dun late na naman!"
"Edi sabay kayo pupunta mamaya? Diba ngayon natin malalaman kung sino yung top sa batch natin?"
"Ngayon ba 'yon?"
"Hay nako, di ka talaga marunong tumingin sa libro mo no?"
Bakit kasi di ko nakasanayan yun eh.
"Pero ang lakas mo nung nagkaharap tayo ah? Sayang, limited lang yung gift ko eh"
"Oo nga, paano pala mamamaximize yang gift mo?" Tanong ko pa.
"Hay nako, siguro talaga sumali ka lang sa events without even knowing what you'll get before, during and after no?"
"Haha sorry na. Dali, paano mo ba makukuha yung pagkamaximize ng gift mo?"
"Kapag nalamangan kita sa event. Kapag mas mataas yung ranking ko sa'yo"
Medyo natahimik ako, kasi natalo ako nung stage 1 sa pangalawang laban lang, tapos natalo ako nung stage 2, pero ako naman panalo sa stage 3 kaya sa tingin ko mas may laban ako.
"Di purkit ikaw ang nanalo eh ikaw na ang top 1. May instances lang talaga na kaya nanalo yung nagbigay ng gift sa'yo kasi talagang maganda yung pinakita niya sa event"
Shocks. Oo nga pala, nakita ko kung paano lumaban si TB sa event, sobrang nakakamangha. Gamay na gamay niya yung gift niya. Pero ako, kailangan ko pa ng katulong para lang magamit ko yung gift ko, pero si Greco mukhang maganda yung naging performance niya.
"May balak ka bang kunin yung gift ko?" Tanong ko.
"Hala siya oh... syempre, ipapasa natin yung gift, ayoko naman na limited lang yung ipapasa ko diba?"
BINABASA MO ANG
Julian's Gift
FantasyHighest Achievement: #4 Fantasy themed Sundan ang magulong mundo ni Julian matapos makatanggap ng isang kakaibang regalo. Warning: this is an M2M Story. Kung di open minded, wag na basahin :)) Cover made by: @mr_bluex