Part 39

15.6K 663 72
                                    

CONGRATS DLSU!!! 💚💚

VOTE AND COMMENTS!!!!!

+++++


Last Day ng klase bago may Christmas break.

At almost 2 weeks na lang para sa event.

Mas excited pa ako sa event kesa sa bakasyon, kasi feeling ko magiging isa sa highlights ng buhay ko yun.

To think na ang gawin ko lang, tumulong sa isang matanda na di ko inaakalang magbibigay saken ng kapangyarihan para makapagbasa ng isip ng ibang tao.

Ang gusto ko lang naman, mabasa iniisip ni Matteo para malaman ko kung ano yung iniisip niya tungkol saken. Pero may mga limit pala kapag may ganung power ka.

Ano kaya yung papel ni Matteo sa buhay ko at bakit hanggang ngayon, hindi ko mabasa iniisip niya?

Si Laurence din, hindi ko mabasa iniisip niya. Sigurado akong malaki din papel niya sa buhay ko.

Ngayon, eto ako, kasama ko si Sarah at tumutulong ng ibang tao. Pero sa pag tulong namen, kaakibat neto ang puntos para tumaas yung 'level' namen para mamaximize yung gift namen.

Minsan naisip kong pumunta sa korte tapos sabihin yung totoong nangyari sa krimen.

Gusto ko rin magtayo ng tent sa Quiapo tapos ang customer ko, mga magjowang sa tingin nila ay niloloko sila, para basahin ko iniisip nila at masabi ang totoo.

Pero sa totoo lang, simula ng nagka gift ako, naging maganda yung buhay ko.

Buti na lang talaga naging mabait ako nun sa matanda at binigyan ako ng ganitong gift.

"Julian! May nag aaway na magjowa!" Sabi saken ni Sarah.

Hilig namen tumambay sa Luneta kasi marami talaga kami ritong natutulungan.

Tinignan ko yung magjowang nag aaway at binasa ko nasa isip nila.

"Gusto ko lang mag sorry ka saken ng maayos!" Sabi nung babae sa isip niya.

Yung lalaki naman, umiiyak din.

"Ano bang dapat kong gawin!" Sabi naman nung lalaki.

"Ang easy naman neto Sarah" sabi ko.

Ngumiti lang si Sarah, saka kami lumapit sa magjowa.

Pero nag walk out na si ate. Kaya kinausap ko muna si Kuya sandali.

"Kuya, ang gusto niya lang mag sorry ka!" Sabi ko sa lalaki.

"Teka, sino ka?!" Inis niyang sabi.

Tinignan ko si Sarah at mukhang alam nan niya gagawin niya.

Bigla na lang natahimik si Kuya at umayos ng tayo.

"Hahabulin mo yung girlfriend mo, at magsosorry ka. Bibilhan mo pa siya ng bulaklak na binebenta ng bata. Ayos ba?" Sabi ko kay Kuya.

Pero alam kong nakuha na ni Sarah yung katawan ni Kuya sa drawing niya.

"Okay na ba Sarah?" Sabi ko.

"Wait.... wait.... okay na!" Sabi niya.

Pinakita saken ni Sarah yung drawing niya na nakaluhod si Kuya sa harap ni ate at humihingi ng tawad.

Ginawa na ni Kuya yung naka drawing at ako naman bahala sa sasabihin niya.

Kinontrol ko si Kuya para humingi ng tawad kay ate at in the end..., nagkabati na sila.

"Wooooh. Easy talaga kapag magjowa tinutulungan natin! Haha" sabi ni Sarah.

"Haha Oo nga eh. What if big time sindikato kaya ipahuli natin? Haha edi okay diba?"

Julian's GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon