Part 40

14.7K 728 161
                                    

Happy 500K reads sa story ni Anjo, OMG, First time ko yun huhu. Thank you! Sana ganito rin kay Julian haha.

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!

++++++++

Tinignan ko kaagad si Matteo pero nakikipag usap pa rin siya kay Angelica.

Dali dali ko namang kinausap sa isip niya si Sarah.

"Sarah!!!" Halos sigawan ko siya,

Mukha naman siyang nagulat at mukhang hinahanap niya ako sa mga nag iinuman.

Nagkita mga mata namen at biglang nanlaki yung mata niya.

"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ko pa rin sa isip niya.

Nagkakamustahan pa si JayR pati sila Kennard, Lucas at Laurence, kaya lumapit muna saken si Sarah.

"Anong ginagawa mo rito Julian?" Tanong ni Sarah, pero this time, mukhang masaya na siya.

"Sumama lang ako kay Matteo!" Sabi ko.

"Ahhh talaga, nasaan naman siya?"

Tinuro ko siya sa pwesto niya kanina pero wala na siya! Wala na silang dalawa ni Angelica!

"Baka umalis lang sila ni Angelica" sabi ko na lang.

"Buti na lang kasama ka, nako, sobrang close pala talaga ng tatlong yan! Di mo aakalain na naging mag jowa yung dalawa" kwento ni Sarah.

Tinutukoy niyang tatlo ay sina Laurence, Kennard at Lucas.

Nung mukhang tapos na magkwentuhan yung apat, pinaupo na sila nj JayR sa may inuman at kita kong nagbago yung mga reaksyon nila.

Si Kennard, nagulat.

Si Lucas, nabwisit.

Si Laurence, natuwa.

"Julian! Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Kennard.

"Ahhh... kasi tropa ni Matteo si JayR, eh sinama niya ako..."

"Kita mo nga naman, ang liit ng mundo ano?" Sagot ni Kennard.

"Hehe, super."

"Well, nabored kami sa birthday ni tito eh, buti na lang nagyaya tong si JayR at may inuman dito haha" sabi uli ni Kennard.

Si Lucas naman, nakatingin lang saken.

Si Laurence, parang gusto magsalita pero di siya makasingit.

"Ano ba, tropa ko na rin tong si Julian!" Singit naman ni JayR sabay akbay saken.

Okay na rin pala na wala si Matteo, di na ako masyadong OP pero nasaan ba sila ni Angelica?

"Julian." Narinig ko na yung boses ni Laurence.

Kahit medyo maingay yung lahat, narinig ko pa rin yung pagtawag saken ni Laurence.

"Oy?" Sagot ko.

"Kumain ka na?"

"Uhm. Oo, hehe."

"Ahhh. Okay okay, umiinom ka?"

"Hmmm. Oo, konti. Pinilit lang ako ni JayR hehe"

"Hehe, wag ka uminom ng madami ah?" Sabi niya pa.

Napangiti ako kasi naalala ko yung uminom kami sakanila at sobrang lasing niya.

"Sabihin mo sa sarili mo yan, baka makatulog ka na naman haha" sabi ko.

Nagtawanan kami ni Laurence.

"Lau, samahan mo ko, kain tayo sa loob" biglang singit ni Lucas samen ni Laurence.

Julian's GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon