Part 13

18.2K 775 70
                                        

"Akala ko tropa mo yun?" Nasa likod ko pala si Matteo, mukhang kanina pa siya. Napansin niya kasi na di ako kinausap ni Tracy.

"Oo nga eh, ang weird nga eh" sabi ko na lang.

"Baka di ka niya tinuring na tropa"

"Haha, eh kahit na hindi sana man lang kilala niya ako diba? Pero teka, kanina ka pa ba nandiyan?"

"Oo, sinusundan kasi kita eh haha"

"Bakit naman?"

"Wala lang, bawal ba?"

"Hmmm, hindi naman haha"

"Yun naman pala eh, gusto mo bang kumain muna?" Tanong niya,

"Hindi na, magkikita kasi kami ni Laurence eh"

"Laurence na naman! Paano naman ako?"

Nagsisimula na naman siya sa mga paasa moves niya.

"Edi kay Maddie ka."

"Eh, nakakainis kasi ang pabebe eh. Tapos palagi pang nagyayaya. Alam mo na, nakakainis din pala yung ganun"

"Eto, masyado kang kiss and tell!!" Sabi ko.

"Sayo ko lang naman sinasabi lahat eh, wala kaya akong sinisikreto sayo"

Di ko mawari kung saan papunta yung usapan namen.

"Sige, dun ka na kay Laurence mo. Siya lang naman gusto mo eh!"

"Haha, oo gusto ko siya. Tse!" Sabi ko sakanya.

Natahimik na lang siya sa sinabi ko at naglakad na kami papunta uli sa McDo.

++++++++

Kinabukasan....

Habang naghihintay ng klase, biglang lumapit saken si Jerick.

"Julian, pinapatawag ka ni Maam Suzy" mataray niyang sabi. Si Maam Suzy yung Department chair namen.

"Bakit daw?"

"Aba malay ko, puntahan mo na lang kaya"

"Eto naman, nagtatanong lang"

"Friends ba tayo?" Sabi niya.

Tumawa na lang ako sa kasupladahan niya kaya tumayo na ako at pumunta sa faculty room.

Napansin ako ni Maam Suzy kaya pinapasok niya na ako sa office niya.

"Pinapatawag niyo daw ako Maam?"

"Yes Julian, hmm. Mag eenroll ka naman next sem diba?"

"Ah, opo mam. Bakit po?"

"I want you to be one of the volunteers sa pagpapakain sa mga kababayan natin sa bundok."

"Hala maam, bakit po ako?" Tanong ko.

"Well, kailangan kasi namen ng volunteers and since active ka sa ibang school org, isa ka sa napili, at nagsabi na ako sa org niyo na isasama ka kaya walang problema sakanila"

Shocks, paano naman kaya yun.

"Saan naman po?" Tanong ko.

"Sa Ilocos"

"Ilocos? Ang layo naman po"

"Hmmm. Well, kung di ka pwede, it's okay." Sabi ni maam. Yung expression niya parang nangongonsensiya.

"Ayan sige Suzy, kunwari okay lang para mahiya si Julian sayo" sabi ni maam sa isip niya.

Natawa ako sa sinabi ni maam.

"May benefits po ba saken yung pagsama dito?" Bigla kong tanong.

"Ofcourse meron, sobrang dami!"

"Like what?"

Julian's GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon