Part 62

16.6K 726 106
                                        

Saglit lang yung pag idlip ko at nagising uli ako. Pagdilat ng mga mata ko, nakayakap pa rin si Matteo saken.

Mestiso talaga si Matteo, pati katawan ang puti puti, ang kinis, hanggang mukha, actually pati sa ano niya.

Ang laki ng dibdib niya, tapos ang pula pula pa ng labi. Physically talaga maiinlove ka sakanya, lalo na kapag makikilala mo siya.

Ang bango bango pa niya, amoy lalaki na talagang nakaka adik. Inamoy ko ng pahapyaw yung leeg niya at mukhang nakiliti siya ng tumama yung labi ko.

"Uhm.... kung may balak ka ng round 5 sabihin mo lang" sabi niya pero nakapikit pa rin siya at nakangiti.

Medyo nahiya ako. Oo nga pala, naalala ko kagabi.

Bumangon ako pero hinila niya ako pabalik at niyakap ng maigi kasama ng hita niya.

"Dito ka lang" bulong niya sa tenga ko.

Ramdam ko. Oo nararamdaman ko yung ano niya.

"Magdamit ka muna!"

"Ehhhh, enjoy na enjoy ka nga diyan kagabi eh"

Medyo namula ako at tinulak ko siya sa sahig.

Bumangon naman ako para magbihis.

Tumayo siya at lalo ko siyang nakita ng buo at by buo, yung buo mismo.

"Ano ba!" Sigaw ko.

Pero tumatawa siya.

"Ano kaya yun? Akala mo naman..,"

"Magdamit ka na!!" Sigaw ko pa. Habang nagsusuot ako ng underwear ko.

Bigla namang bumukas yung pinto at pumasok si Sarah!

"Dito lang ba kayong dalawa...." di niya natuloy yung sinasabi niya at napasigaw siya ng malakas at nagmadaling tumakbo palabas.

++

"Baliw ka kasi eh!" Sabi ko kay Matteo habang palabas kami ng kwarto.

Magulo talaga yung building, yung kama lang yung maayos, ang daming babasagin at sirang gamit.

Nakita ko si Sarah na nakayakap kay Kennard habang nasa dulo ng hallway.

"Uy, sorry talaga..," paliwanag ko sakanila.

Pero tumatawa lang si Matteo, at sa gulat ko, pati si Kennard tumatawa.

"Kasalanan mo kasi by, di ka kumakatok eh! Haha" sabi ni Kennard.

May inabot naman si Sarah samen pero di pa rin niya kami hinaharap.

Sun balls.

Tapos hinila niya si Kennard at umalis na sa harapan namen.

Hawak ni Matteo yung sunball.

"Di na naman kita mararamdaman" sabi niya saken.

"Konting tiis na lang, pagkatapos natin dito, di na tayo titigil" sabi ko.

"Promise? Araw araw talaga? Oras oras? Gusto ko yan!"

"Baliw ka, ayun na naman nasa isip mo!"

"Ehh, sa'yo lang ako pinaka nag enjoy, tsaka...." bumulong siya "...ang sarap mo kaya"

Nahihiya talaga ako sa sinasabi niya, kaya kinuha ko na yung sun balls at sisirain na pero pinigilan niya ako.

Tinignan niya muna akong mabuti sa mata ko sabay halik sa labi ko ng madiin.

Nababasa ko na naman naiisip niya, at ang sinabi niya eh...

"Papakasalan kita Ju. Maniwala ka sakin. Tayo magsasamang dalawa"

Julian's GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon