"Ju, sino bang hinahanap mo? Bakit hindi ka mapakali?"
"Wag ka ngang magulo diyan Matty, hanapin mo na lang si Greco"
"Paano mo siya mahahanap sa ganitong lugar aber? Ang y ibaba, nagkukumpulan kasi may event. Dami rin kasing freebies kaya ganun.
"Bakit mo ba kasi siya hinahanap? Alam mo minsan nagseselos nako, palagi na nga kayong magkasama tapos hinahanap hanap mo pa siya!"
"Hala, baliw ka na naman. Syempre, sa tuwing iniiwan mo ko kapag kasama mo si Maddie, siya kasama ko!"
"Hoy grabe ka, ikaw kaya lumalayo kapag kasama ko si Maddie, okay lang naman na kasama ka eh"
Okay lang naman talaga kay Matteo pero kay Maddie hindi, ang dami kong nababasa sa isip niya na negative.
"Ano ba tong baklang to, nakasunod na naman samen ni Matteo."
"Walang Matteo kapag walang Julian, kairita"
"Di marunong makiramdam tong Julian na to nakakainis"
Ganyan sinasabi ni Maddie sa isip niya. Nakakairita, maganda naman siya pero nakakairita.
"Basta ramdam ko ayaw niya akong kasama" sabi ko na lang.
"Sus, nag iinarte ka lang eh. "
"Ako pa ah, baka yang girlfriend mo!"
"Haha, hindi ko pa girlfriend si Maddie, medyo pakipot pa siya eh"
"Pakipot pa, eh nagchurvahan na kayo!!"
"Hahhaa grabe ka magsalita,"
"Totoo naman ehhh!" Sabi ko.
Tumawa lang siya ng tumawa. Grabe, ang gwapo talaga ni Matteo. Sa kada ngiti niya, gustong gusto kong basahin kung anong nasa isip niya, kaso di ko talaga magawa.
Ang sarap pa niya pagmasdan, kasi yung tipo niya yung suplado look pero baliw, tapos ang bango bango niya, ang laki pa ng braso kasi adik sa gym.
"Nako Ju, ayan na si Laurence mo" sabi ni Matteo.
Nakita kong palapit siya samen, isa pa tong si Laurence, ang gwapo gwapo rin. May killer smile na talagang mapapangiti ka.
Kapag dadaan din siya, talagang pinagtitinginan din siya, ang gwapo kasi talaga at adik din sa gym.
"Walang klase! Haha, nakakatuwa," sabi niya paglapit samen.
"Oo nga pre eh hehe. Tara gym?" Yaya ni Matteo.
"Tara tara! Di ako nakapagbuhat kanina eh" sabi ni Laurence.
"Ngayon na talaga?" Sabi ko sakanila.
"Oo, ganyan talaga. Wala ka namang pupumtahan eh kaya sumama ka na lang" sabi ni Matteo.
Medyo gusto ko rin kasi atleast makikita ko silang nagbabanat ng katawan habang pawisan. Medyo malandi yung intention ko pero minsan lang naman yun.
+++++++
May hawak din akong barbel, pero 2kgs lang, di ko kasi feel mag gym masyado. Pero yung dalawa, grabe sa gym. Mga beastmode.
Nakahiga si Matteo, nagbubuhat, habang si Laurence, naka alalay sa binubuhat niya.
"Kumusta kayo ng pinsan ko pre?" Tanong ni Laurence kay Matteo.
"Okay... naman... pre..." nagbubuhat kasi siya kaya di siya makasagot ng maayos.
"Nanliligaw ka na ba? Nako pre, mamaya paasahin mo lang yun ah hahaha. Lagot ka saken!" Biro ni Laurence.
Binaba na ni Matteo yung binubuhat niya at naupo sa bench, sht, ang hot niya lalo. Naka sando lang at pawis na pawis, namumula pa mga braso niya.
BINABASA MO ANG
Julian's Gift
FantasyHighest Achievement: #4 Fantasy themed Sundan ang magulong mundo ni Julian matapos makatanggap ng isang kakaibang regalo. Warning: this is an M2M Story. Kung di open minded, wag na basahin :)) Cover made by: @mr_bluex