Dapat sa thursday pa daily updates diba pero nag uupdate nako, hahahha ganyan ko kayo kamahal hahhaa.
Kaya sana tadtarin niyo VOTES at syempre COMMENTS din! Hehe.
+++++++++
Bago kami naging magkaibigan ni
Matteo, nagsimula kami as magkaaway.First day sa school nun, dapat quiet muna ako at saka na ako mag bibida bida kapag tumagal. Naniniwala kasi ako sa "first impression, lasts"
Sa Mendiola ako pumasok, Business Ad course ko. Para 4years lang at maka graduate at makapag abroad. Gusto ko kasing yumaman ng todo tsaka gusto nila mama at papa sa ibang bansa manirahan.
Pagpasok ko ng classroom, una kong napansin yung isa kong kaklase kasi gwapo siya. As in gwapo! Well, sa paningin ko kasi gwapo siya.
Kaya nung magpapakilala na kami sa harap, talagang inabangan ko na siya para malaman ko yung pangalan niya.
Nung siya na yung tumayo, nakinig akong mabuti.
"Good Morning...." sht, ang hot pa ng boses niya!
"I'm Matteo Acosta, 17 years old."
Umupo na siya kaagad at wala ng sinabi pa.
Nakatitig lang ako sakanya. Nasa 4th row siya sa bungad tapos ako naman nasa 3rd row sa may bandang gitna.
Maya maya, napalihis yung tingin niya saken na siya naman kinataranta ko!
Buti na lang ako na yung susunod na magpapaliwanag.
"Uhm. Hello, Good Morning, I'm Julian James Valdez, 16 years old." Paupo na sana ako ng may itanong pa yung teacher namen.
"Hobbies? Favorites?" Tanong saken.
"Ahm, I love surfing the net, and just sitting inside our house watching TV. Uhm"
"Movies? Books???"
Bakit ako lang tinanong ng ganito ng teacher namen. Nakakainis naman.
"I love ROM COM and Sci Fi movies hmmm. Books, Hunger Games, Percy Jackson, I am number four, Divergent, Fifty Shades of Grey"
Bigla silang tumawa sa FSOG, bakit ko pa kasi sinabi yun eh.
Umupo na lang ako, buti naman di na nagtanong yung teacher ko.
+++++
"Oy pre!" Bati saken ng lalaki sa likod.
Sht, si Matteo Acosta to!
"Oy" sabi ko na lang.
"Anong next klase mo? Classmate ba kita?" Tanong niya.
Nilabas ko schedule ko, magkaklase nga kami sa lahat.
"Uy, ako pala si Matteo" pakilala niya.
"Julian" sabi ko. Sht talaga, bakit siya nagpakilala saken.
"Sorry ha, ikaw lang kasi yung trip ko kasama, ikaw lang kasi mahilig magbasa ng libro sa mga nagpakilala kanina" sabi niya.
"Ohh, book lover ka rin?" Tanong ko.
"Yeap, hehe, nabasa ko na rin lahat ng nabanggit mo, hehe, Harry Potter, ayaw mo???" Tanong niya.
"Harry Potter makes you gay hahahahah" expression ko kasi yun, nabanggit kasi yun sa Friends with Benefits.
Nagulat na lang ako ng bigla niya akong tinulak, di naman ako natumba pero mukhang nagalit siya sa sinabi ko.
Lumipas yung mga araw na di niya ako pinapansin. Nagalit ata sa mga sinabi ko sakanya about Harry Potter.
BINABASA MO ANG
Julian's Gift
FantasyHighest Achievement: #4 Fantasy themed Sundan ang magulong mundo ni Julian matapos makatanggap ng isang kakaibang regalo. Warning: this is an M2M Story. Kung di open minded, wag na basahin :)) Cover made by: @mr_bluex