Trending kanina yung "Go Julian" haaha. Akala ko kasi dahil nagsimula na yung battle hahaha.
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!
++++
Nagkatinginan lang kaming dalawa. Hindi ko alam kung anong mangyayari samen.
Habang palapit siya saken, unti unti naman akong umuurong sakanya.
"Same rules apply okay?" Sabi nung babae.
Ang arte kasi ayaw sabihin ng pangalan niya eh.
Pero di kami nagsalita ni Matteo, nakatayo lang kami sa loob ng kwarto hanggang sa lumabas yung babae.
Nagkatinginan lang kaming dalawa. Nakatayo lang kami pareho sa pwesto namen.
"Matteo? Sabihin mo kung stop na" sabi uli dun sa speaker sa loob ng kwarto.
"Stop" sabi niya.
Hinintay ko kung anong klaseng field ang paglalabanan nameng dalawa.
Mahirap.
Hindi ko alam kung ano pa gift niya.
Number 2 siya so malakas siya, si Sarah pang 3 eh. Hindi kaya siya talaga yung Illusionist?
Maya maya, nagbabago na uli yung kwarto.
Nasa isang bridge kaming dalawa. Tapos dagat yung nasa ilalim.
Mukhang abandoned bridge din to, maraming sasakyan ng sira sira sa daanan. Makulimlim pa at mukhang uulan.
Walang ibang tao, maliban sameng dalawa.
"Ano pa hinihintay mo? Gamitin mo na gift mo saken!" Sigaw ko sakanya.
Pero hindi pa rin siya umaatake. Nakatingin lang siya saken.
Medyo mahangin pa naman nung oras na yun.
"Matteo ano ba!" Sinigawan ko pa siya.
Pero nakatayo pa rin siya.
Sa inis ko, sinubukan kong pagalawi yung sasakyan sa tabi niya.
Akala ko hindi ko kaya pero unti unti siyang umuuga at gumagalaw.
Napatingin siya sa sasakyan.
Hinawakan niya yun, tapos biglang huminto yung pag uga.
Sht!
Paano niya nagawa yun?!
Anong gift ni Matteo?
Naglakad siya palapit saken, hindi niya inaalis yung tingin niya.
Di ako mapakali. Punyemas, Julian!!mag isip ka! Wag ka mabother sa itsura niyang maamo, tapos nakatingin sa'yo na parang hahalikan ka.
Wag Julian! Tama na ang landi, unahin mo ang battle!
Pero palapit na siya ng palapit saken.
Hanggang sa nasa harapan ko na siya.
"Hindi kita kayang labanan" sabi niya saken.
Hahawakan sana niya ako sa balikat ko pero hindi niya nagawa. Di kasi tumatama yung hawak namen sa isa't isa. Parang holographic image lang kami.
"Anong ginagawa mo?!" Sabi ko.
Pero unti unti niya lang nilalapit yung labi niya saken hanggang sa halikan niya ako!
Di ko maramdaman labi niya pero yung facial expression niya, nakapikit lang siya at mukhang ninanmnam yung pangyayari.
"Mahal na Mahal Kita Ju." Sabi niya pa.
Fvck. Ano ba Matteo! Nasa battle tayo tapos gaganyanin mo ko!
BINABASA MO ANG
Julian's Gift
FantasyHighest Achievement: #4 Fantasy themed Sundan ang magulong mundo ni Julian matapos makatanggap ng isang kakaibang regalo. Warning: this is an M2M Story. Kung di open minded, wag na basahin :)) Cover made by: @mr_bluex