Part 51

15K 743 161
                                    

Sa mga nagtatanong po, hanggang 60 lang po yung Julian's Gift.

Wala na pong Book 2. Haha hirap gumawa ng battle scene eh lol!

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!

++++++

Nakangiti lang kami ni Sarah habang magkatitigan.

Si Blue naman at yung kapartner ni Sarah na lalaki, mukhang di mapakali.

"Julian, magkakilala kayo?" Bulong saken ni Blue.

"Hehe oo, siya yung Illustrator" sabi ko naman.

"Wow! Makakalaban natin siya! Baka di natin kayanin"

"Ano ka ba, kaya natin yan"

Di ko na papakielamanan yung dice ko, ayoko na kasi gamitin. Gusto ko sa final stage ko na siya magagamit.

"Julian! Ready ka na ba?" Tanong ni Sarah.

"Kanina pa, ikaw na bahala kung gusto mo na magsimula" sagot ko.

Ngumiti siya.

"Walang personalan ah. Tropa, tropa lang" sabi ni Sarah.

"Haha, oo ba!"

"Sigee......STOP!" sabi ni Sarah.

At unti unti na uli silang nawawala sa paningin namen, kasama na rin yung pagkawala ng image ng kwarto. Nagbabago na at para kaming nasa isang barkong napakalaki.

Gabi na yun kaya medyo madilim.

Yung ilaw lang ng buwan yung tanging ilaw namen.

Hindi naman umaalon yung barko kaya naman alam kong wala kami sa dagat.

Nasa dulo kami ni Blue tapos nasa kabilang dulo naman sila Sarah.

Siguro yung pagitan namen eh mga 50 meters.

May mga boxes dun, at maraming mga gamit.

Parang abandoned ship din to.

Kahit malaki yung barkong to, masyado namang maliit para sameng dalawa.

"Okay lang kayo diyan Julian?!" Sigaw ni Sarah samen.

"Oo kayo ba?!"sigaw ko rin.

"Oo naman!"

Wala pa silang balak umatake. Habang si Blue naman, tinitignan yung buong barko, baka sakaling makahanap siya ng tamang strategy.

Sumilip bahagya si Blue sa ilalim.

"Anong meron diyan Blue?" Tanong ko.

"Wala, masyadong madilim eh"

"May idea ka ba kung paano to?" Tanong ko.

"Di ko pa sure, di ko alam yung gift nung kasama niyang lalaki eh"

"Di ka kilala ni Sarah, kaya di niya masyadong magagamit yung gift niya sa'yo. Kailangan ka niyang idrawing talaga bago mapagana sa'yo. Unlike saken, alam niya pangalan ko at ibang information, kaya kahit stick lang picture ko sakanya, eepekto yung gift niya saken"

"Ganun ba? Salamat sa info"

Napansin ko naman na may lumilipad na ibon sa itaas sa itaas ng barko,

Sumenyas ako kay Blue non tungkol sa ibon at alam na niya yung tinutukoy ko.

Naupo ako saglit hanggang sa mapasok ko yung ibon.

+++

Nasa loob na naman ako ng ibon!

Julian's GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon