Ilang araw na rin silang naglalakbay upang marating ang lugar kung saan naninirahan ang mga kitsune. Titigil lamang sila sa gabi upang matulog at magpahinga. Si Lucian ang bantay sa kanila habang sila ay namamahinga. Nararamdaman nilang nalalapit na sila sa lugar na hinahanap dahil sinabi ni Pika na binubulungan siya ng hangin na magpatuloy pa ng kaunti. Sa gitna ng paglalakbay ay bigla na lamang napaluhod si Pika at nakakapit sa kaniyang puson. Umuungol ito sa sakit sa hindi malamang dahilan. Agad itong nilapitan nina Lucian at Ila.
"Pika! Anong nangyayari sa'yo? Gumising ka!" Nag-aalalang tanong ni Ila.
"Ang.... Tiyan ko, ang buong katawan ko ay parang sinusunog." Hinihingal na sagot nito. Muli itong namilipit sa sakit at sumigaw bago ito nawalan ng malay. Agad na binuhat ito ni Ila bago mabilis na tumakbo upang hanapin kung saan man naninirahan ang mga Kitsune.
"Anong nangyayari?!" Galit na tanong ni Lucian. Buhat nito sa mga kamay si Aedrien upang hindi ito maiwan sa napakabilis na pagtakbo nila. Puno ng pag-aalala na tinatawag ni Ila ang pangalan ni Pika ng paulit-ulit. Malayo-layo na ang kanilang natatakbo ng bigla na lamang silang mapatigil. Napalilibutan sila ng mga nilalang na hindi nila nakikita.
"Magpakita kayo! Anong kailangan nyo?!" Galit na sigaw ni Ila.
Ilang sandali pa isa-isang naglitawan ang mga puting nilalang. May tenga sa ibabaw ng ulo at magkakaibang dami ng buntot sa likod. Ngunit ang nakamamangha ay ilan sa mga ito ay may siyam na buntot.
"Kitsune." Bigkas ni Ila. Bigla na lamang mga galit na inangilan sila ng mga ito at ang lahat ay nakatingin kay Lucian. Yumuko naman si Lucian bago umatras bilang pagbigay galang sa mga ito at katibayan na hindi niya balak manggulo.
"Pakiusap, kailangan namin ng tulong." Pagputol ni Ila sa namumuong panganib. Nang makalayo si Lucian ay saka lamang nawala ang nakatatakot na pakiramdam sa paligid na nagmumula sa mga Kitsune. Niyaya sila nito sa kanilang tahanan at agad na dinala sa isang magandang kwarto si Pika. Isang kitsune na may siyam na buntot ang lumapit upang suriin ito.
Inilapat nito ang kamay sa noo ni Pika bago pumikit. Ilang sandali pa ay nagmulat ito ng mata.
"Isa nga siyang Kitsune, kalahating kitsune, kalahating elementa... At buntis siya. Medyo lumalaki na ang kaniyang tiyan at sa ikalimang buwan ay isisilang niya ito." Pagbibigay alam ng matanda. Binigyan nito ng paunang lunas si Pika at hinayaan itong makapagpahinga. Buong magdamag ay naroon lamang si Ila upang bantayan ito.
Sa ikatlong gabi ay muling nagmulat ng kaniyang mata si Pika. Sumisigaw ito sa sakit. Agad silang pinuntahan ng mga manggagamot ng Kitsune at tinanong ang dahilan ng kaniyang pasigaw.
"Ano ang nararamdaman mo munting Kitsune?" Nag-aalalang tanong ng matandang gumagamot sa kaniya. Naroon lamang si Ila at handang umalalay kung sakaling may mangyaring hindi maganda.
"Ang pakiramdam ko.... Ay napakainit, parang... Sinusunog ang... buong katawan ko." Hirap na sagot ni Pika. Nagtataka na muling sinuri ng manggagamot si Pika upang malaman ang pinanggagalingan ng nararamdaman niya. Inilapat nito ang kamay sa puson ni Pika at ilang sandali ay parang napapaso na tinanggal nito iyon doon.
"Anong nangyayari sa kaniya?" Nag-aalalang tanong ni Ila.
"Nanggagaling sa sanggol ang kaniyang nararamdaman, ang kapangyarihan ng sanggol ay gising na." Nanlaki ang mata ni Ila dahil sa sagot nito. Tinitigan nitong mabuti si Pika sa mga mata bago dito sinabi ang bagay na nasa isip.
"Isang Lumos ang ama ng iyong dinadala tama ba?!" Nanlaki ang mata ni Pika dahil sa tanong na iyon. Sasagot sana siya ng hindi ngunit naalala niyang hindi niya alam ang pinanggalingan ni Ila. Kung saang lahi ito nabibilang.
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
RandomChromia Series A pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Adamant sasuke21uzumaki BookSwaggin eiramslove FrustratedAtheist gingerbreadmans ...