The Missing Heir Epilogue

42 5 0
                                    

"Mahal na mahal mo talaga siya, anak." ani Ama habang pinanonood kong mag-ensayo si Matteo at halos hindi siyang makapaniwala kung paano niya nagagawa ang mga elemento. Tinignan ko ang Ama sa aking tabi at nakita kong nakatingin din siya sa akin. Ngumiti ako at tumango.

"Lubusan." tugon ko. Tumingin muli ako sa aking mahal at tumingin siya sa akin. Tinapunan niya ako ng napakatamis na ngiti bago muling ituon ang atensyon sa pag-eensayo sa kanya ni Dende.

Naramdaman ko ang paghawak ni Ama sa aking balikat kaya naman napatingin ako sa kanya, "Ganyan din ako no'ng unang beses kong nakilala ang iyong Papa. Ganyan din akong makangiti, ganyan din ako makatawa, at ganyan din ang pagtitig ko sa kanya. Ang ning ning ng iyong mata ang simbolo ng iyong pagmamahal. At nakasisigurado akong hindi na ito maglalaho pa." marahan niyang tinapik ang aking braso. Ngumiti ako sa kanyang sinabi, tila ba'y nararamdaman ko ang kanyang pagmamahal sa akin.

Nang maubos ko ang lahi ng mga Itim, nagsimula nang magbago ang Chromia. Naging mas maayos at malayo sa sakuna, nalaman ko ring plano ng mga itim na sila ang mamahala sa aming lahi. Sisirain ang kalikasan, at hahayang maubos ang kagandahan.

Nadiskobre ko rin ang kapangyarihan na hatid ng aking dugo. Nang aksidente kong mahiwa ang aking sarili, tumulo ito sa isang patay na puno, nagulat na lamang ako nang biglang umusbong ito at lumago.

At dahil doon, sinubukan kong gamitin rin ang aking dugo sa iba't ibang bagay; panghilom sa mga sugatan na salamangkero, buhayin ang mga patay na kalikasan, at ang pinaka nakakatuwa sa lahat ay ang pagbuo ng suplling sa pamamagitan nito.

Naligtas ko rin ang aking Ama nang dahil dito.

Nagulat rin ako nang mabuntis si Cristopher na siyang pinaka una naming sinubukan. Hindi na siya tumanggi pa para naman daw sa aming lahi.

Mayroon ding pagkakataon na iwas pa rin sa akin si Eduardo, iniiwasan niyan makasalamuha ako marahil galit pa rin siya sa akin. Ngunit, nakahingi naman ako ng tawad sa kanya na matagal pa nago niya tanggapin.

Sa una, hindi payag ang mga Council at iba pa naming kalahi na isama ko si Matteo sa aking lugar. Ilang beses ding pag-uusap, bangayan, na kaagad ko namang ikinapanalo nang umayon sa akin ang aking Ama.

Dahil walang ideya, maraming beses din naming ginawa ni Matteo ang aking pag-siping. Bilog ang buwan, kahit walang buwan, at marahil dahil sa paghahanap, inaaraw araw rin namin ito.

Katatapos nga lang rin namin kanina. May nagsasabi na dumikit na daw ang amoy namin sa isa't isa. Ang tawag daw dito ay bond. Kumbaga, ito ang produkto ng aming pagmamahalan. Ito daw ang unang beses na namgyari ito sa aming lahi. Sa tuwing nasasaktan ang isa sa amin, nararamdaman namin ito. Para na kaming naging iisa. Hindi rin kami mapakale sa tuwing wala kami sa tabi ng isa't isa. Ganyan yata talaga kapag mahal mo ang isang tao.

Si Matteo ang unang taong minahal ko. Puro man kalandian lang ang mga nakaraan at dumating na babae noon, iba parin si Matteo sa akin. Siya lang ang minamahal ko at mamahalin ko.

Ang pagdiskubre ko rin na siya ang nawawalang Heir, na si Lucas, hindi ko alam kung paano nga ba nakakaapekto ito sa aming sitwasyon. Pareho kaming Breeder. Papaano ito?

Ngunit hindi namin inalintana ito, pinagpatuloy lamang namin ang aming pagmamahalan, mapapisikal man o emosyonal. Parati niya akong nahuhuli na nakatingin sa kanya, parati niya akong inaasar na mahal na mahal ko daw siya. Bumalik na talaga ang Matteo-ng nakasama ko sa paglaki. Ang Matteo na kaibigan ko, ang Matteo na mahal ko.

"Tara na, Quinn. Magsisimula na ang seremonya." bumalik ako sa aking ulirat nang marinig ko ang sinabi ni Ama. Napatingin ako sa kanya, tumayo siya mula sa pagkakaupo bago tumingin sa akin. "Halina kayo! Magsisimula na ang pagkorona kay Quinn." pagtawag niya sa mga salamangkerong nag-eensayo.

Ngayon na ang pangkorona sa akin bilang Pinuno ng aming lahi, kinakabahan man, alam ko namang makakaya ko ito dahil kasama ko ang aking Ama, Matteo, at iba naming kalahi.

Ilang araw na ang hinintay namin ni Matteo tungkol dito, tinanong rin naman namin si Matteo kung nais niya bang maging Pinuno, handa akong ibigay sa kanya ito. Ngunit, kinumbinse niya akong ako ma daw ang mamuno. Hindi na akong tumanggi pa, at tinanggap na lamang ito kasama ang pagpala ng aking Ama.

Naramdaman ko ang kamay na humawak sa aking kanang kamay. Napatingin kaagad ako sa taong minamahal ko. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin. Kaya naman ngumiti rin ako sa kanya. Hinalikan niya ako sa pisngi bago kaming tuluyang tumungo sa Puno.

Nahhihintay sa amin ang mga Council, nakalutang ang korona sa ere at kumpleto na ang mga salamangkero sa kapaligiran. Handa na upang makilala ang papalit sa Pinuno, biglang bumilis ang kabog ng aking dibdib. Nagpipintig ang puso.

Naramdaman ko ang pagpisil ni Matteo sa aking kamay. Napatingin ako sa kanya, nakangiti siya at tila ba'y hinhikayat ako. "Kaya mo yan Mahal." aniya.

Hinalikan ko siya sa labi at hinalikan ang likuran ng kanyang palad, "Alam ko, basta nandyan ka sa tabi ko." nakangiti kong tugon.

Napansin kong papungay-pungay ang kanyang mata. Namumutla rin ang kanyang mukha. Hinimas ko ang kanyang pisngi at nakipagtitigan sa kanyang mata.

"Ayos ka lang ba?"

Magsasalita pa sana siya ngunit bigla siyang hinimatay. Nagulat rin ako sa pangyayari kaya mabilis ko siyang inakay. "Matteo! Gumising ka! Mahal!" tinapik tapik ko ang kanyang pisngi.

-

Ilang minuto ko nang hinihintay ang aking mahal, pinalayo muna ako ng aking Ama, at pinaghintay sa labas ng infirmary.

Kaya nang makita kong lumabas na mula sa silid ang aking Mahal ay kaagad ko naman siyang pinuntahan, niyakap at hinagkan.

"Pinag-alala mo ako, sobra sobra." aniko habang hinihinmas ang kanyang ulo.

"Wag ka nang mag-alala." rinig kong sabi niya, "may balita ako," dagdag niya.

"Ano?" NIlayo ko ang aming pagkayakap at tumingin sa kanyang mata, hinawakan ko siya sa aking pisngi.

"Buntis ako."

CHROMIA SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon