Amiel POV" Alpha, si Ayzen po ang may kasalanan, siya po ang nagsimula ng away sa pagitan ng dalawang pamilya. "
"Ayzen, totoo ba ang sinasabi niya ? "
" Patawad po Alpha, Di ko naman po ninais na mag away ang dalawang pamilya dahil sa akin, yung gusto ko lang ay malaman nila ang totoo ukol sa isat isa , hindi ko naman po inasahan na mag aaway sila. Patawad po. " giit ni Ayzen sa akin.
" Hindi isang mabigat na parusa ang ibibigay ko sa iyo sa kadahilanan na hindi mo pa masyadong alam kung ano ang tama o ang mali, pero isa lang ang masasabi ko sayo, Ayzen, kung anuman ang malaman mo o marinig mo na tsismis o mga sabi-sabi, wag mong imungkahi ang nalaman mo sa iba. Sa ngayon , ang parusa na matatanggap mo ay isang buong buwan na hindi ka sasama sa panglilikom natin ng pagkain, mananatili ka dito kasama ang mga omega at maghahanda ka ng pagkain natin. " mahinahon ko na sabi sa kanya.
Alam ko na mahirap iyon tanggapin sa kanyang panig kasi isa siyang binatilyo, at ang mga kabataan ng mga lycans ay may walang kakapusang enerhiya para makagalaw ng maayos at mas naeenganyo sila sa paglilikom ng mga pagkain. Kaya ang di pagsali ay isa ng parusa para sa kanila.
" Opo Alpha. " sahot niya habang nakayuko ng knyang ulo.
Hinawakan ko naan ang ibabaw ng kanyang ulo at sinabihan ko na lang na madali lang ang isang buwan.
Natapos ko ang pagaaway sa pagitan ng dalawang pamilya nung mga malapit nang mag hapon.
Kasalukuyang nakaupo ako sa aking higaan at nakatutok ako sa mga papel na kasalukuyang hawak ko. Ang mga papel na ito ay naglalaman ng detalye ukol sa pagpapakasal daw namin ni Vinna na hindi pa ako sumasang-ayon.
Sadyang mapilit lang talaga ang kanilang angkan na ipakasal ako kay Vinna. Ayoko naman na ipahiya sa sa harap ng konseho namin. Pero isa pang pagpupumilit nila, hindi na talaga ako magpipigil at ako na talaa ang haarp kay Vonna at harp-harapan ko siyang pagsasabihan na ayoko na siya ang matali sa akin.
Sinasabi nilang lahat na Mateless na daw ako at ipinanganak na ako na walang nakatakda para sa akin. Peri naniniwalaako na hindi ako napapabilang sa mateless na yan , kasi sa kaloob-looban ko alam ko n may nakatakda para sa akin, di ko pa lang siya nakikilala at nakikita kasi hindi siya isa sa mga taga isla.
Isa siya sa mga Taga-labas.
Pakikipag-usap sa akin ni Aliya ang aking Wolf.
Alam ko na iyon Aliya. Kaya nga sasama ako kanila haring --- at ni Aedrian sa kanilang pagbaybay palabas ng isla sa makalawa.
Sige iyan ang sabi mo. Irerespeto ko ang desisyon mo.
"Pinuno, may gustong pong makipag usap po sa inyo. " pagbibigay-alam sa akin ng isa sa aking mga guwardiya.
" Salamat, makakaalis ka na. " sabi ko. Nagmistula iyong hudyat upang padabog na magbukas ang pintuan ng aking opisina at iniluwa nito si Aedrian.
" Tito Amiel!! Aalis po kami ni papa patungo sa labas sa makalawa, balita ko po ay sasama ka daw? " ang matinis ngunit malambing na boses ni Aedrian ang bumungad sa akin. Agad ko naman siyang kinarga sa aking mga braso at niyakap ng napakahigpit. Para ko na rin siyang anak. Sa ilang taon na paghihintay ko sa aking itinakda, napalapit sa akin ang batang ito.
Itinuring na rin siya ni Aliya na kanyang anak kahit di sila magkadugo at magkapareho ng lahi.
" Gusto mo ba na sumama si Tito Amiel sa inyong paglalakbay? "
" Opo! Kasi kapag sumama po kayo sa amin, maari po akong makipaglaro sa inyo! " natutuwang giit niya sa akin.
"Ako ba talaga o si Aliya ang gusto mong makalaro ? " Bakas sa mukha ng bata ang pagkatuwa sa tanong ko. Malapit kasi silang dalawa, at lagi siyang pinapasakay ni Aliya sa kanyang likod na hindi ginagawa ng isang Alpha sa kahit sino mang bata, sa kanyang mga anak lang niya iyon ginagawa.
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
عشوائيChromia Series A pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Adamant sasuke21uzumaki BookSwaggin eiramslove FrustratedAtheist gingerbreadmans ...