The Missing Heir 7

44 4 0
                                    

Chapter 7 - Playing with Fire

Quinn

"Alam mo pre," panimula ni Cristopher, isa sa mga kaibigan kong salamangkero. "Kahit pa anong isipin nila, patuloy pa rin kaming susuporta sa'yo. Alam mo naman yang mga council na yan. Mga matatanda na kasi kaya hindi nila maintindihan na nagbabago na ang mundo, kahit pa dito sa Chromia."

Tumango ako ngunit hindi tumugon, nagpangalong baba ako sa lamesa at tumingin sa kalayuan. Iniisip ko pa rin kung ano ba nangyari kay Lucas at kung bakit siya namatay.

"Tama, mabilis na rin kasi tayong naka-adapt sa buhay ng mga mortal." Dagdag naman ni Scarlet, "katulad ng mga mortal na matatanda. Mahirap ipaintindi sa kanila na hindi katulad ng henerasyon nila ang henerasyon natin ngayon."

Nakinig ako sa pag-uusap nilang dalawa, gayun din ang satsat ni Eduardo na isa ring salamangkero sa kanilang usapan. Apat lamang kaming magkakaedaran. Ang iba ay mas nakakatanda na. Bilang lamang sa kamay ang nabubuhay na salamangkero. Ineensayo na rin ang ibang salamangkero kung paano ang tamang pangangalaga sa Puno sa Chromia.

Nag-usap sila patungkol sa mga karanasan nipa noong nasa mundo pa sila ng mga mortal namamalagi. Katulad ko, may kasangga rin silang Duwende na tagapangalaga nila. Narinig ko rin na tinatanong nila ang bawat isa kung napapansin daw ba ng ibang tao ang kulay ng kanilang balat. Ang sabi naman ni Scarlet, malaking tulong daw ang 'mist' na nagkukubli sa tunay nilang kaanyuan. Nakaramdam ako ng selos nang nalaman kong marami silang alam tungkol sa aming pinaggalingan. Kesyo marami pang ibang nilalang ang nabubuhay sa loob ng Isla. Ang mga haka-haka daw ay totoo at hindi kahibangan.

Nagalit ako kay Dende dahil wala man lang siyang nabanggit ni isa sa mga ito. Ngunit naalala ko ang sinabi niya.

'Itinago sa iyo ng iyong Lola ang lahat ng ito dahil mas makukuha mo ang atensyon ng nga Itim at mabilis ka nilang matutunton kung may ideya ka sa Isla ng Chromia.'

At nang dahil doon, bigla kong naalala ang patungkol sa mga Itom.

"Ano ba ang meron sa mga itim kung bakit galit na galit sila sa mga Lunti?" Tinanong ko sila. Lumingon sila sa aking gawi at pinagmasdan ako ng maigi.

"Ang sabi nila, nais daw ng mga itim na sila ang mamuno sa ating Lahi," nag-aalanganing tugon ni Scarlet. Tumingin siya sa mga ulap na tila ba'y nag-iisip. "Ang sabi ng aking tagapangalaga, nagkaroon daw ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang lahi. Kaya nagkaroon ng sigalot. Gusto ng mga itim na manguna at sila ang mangalaga." Paliwanag niya.

"At, hindi syempre pumayag ang mga Lunti. Dahil sila ang nauna, ang mga itim ay nabuo dahil lamang sa bangungot ng mga mortal, at sa kasukdulan ng kanilang pagkagahaman sa likas na yaman ng mundo." Dagdag ni Eduardo.

"Nabuo rin sila nang dahil sa hindi pangangalaga ng mga mortal sa mga kagubatan. Naging sanhi ito upang mabuo ang panibagong lahi, na kabaliktaran ng ating lahi." Dugtong ni Cristopher.

"Hindi naman daw talaga magkatunggali ang Itim at Lunti, nagsimula lamang ito nang dahil sa anak ng Pinuno at nang isa sa mga Itim na Carrier. Nais nang pinuno na mamuhay ang Breeder na anak niya sa mga Lunti ngunit labag sa kalooban ng mga Itim ang kasunduan na ito. Kaya nagising na lamang sila isang araw, patay na ang supling." Pagtatapos ni Scarlet. Nagimbal ako sa mga sinasabi nilang rebelasyon. Ngayon ko lamang narining ang mga ito at ngayon ko lang napagtanto na ang pinag-uusapan naming supling ay ang sinasabi ni Dende na si Lucas.

"Si Lucas ba ang tinutukoy ninyo?" Gulat kong tanong. Tumango sila ng sabay-sabay kaya naman napasinghap ako sa aking inuupuan at hindi makapaniwala. Nanlalaki ang mga mata habang pinagmamasdan ang kawalan.

Kung gayunman ang nangyari, walang karapatan ang mga Itim na magalit sa aming Lahi dahil sila ang pumatay. Ngunit, wala namang binanggit na sila ang pumatay pero ito na ang dumating sa aking mensahe.

-

Maraming araw pa ang nakalipas, parati akong nanonood ng mga ensayo at kung minsan nakikihalubilo ako. Pumupuntay rin ako sa silid kung saan nagpapahinga ang aking Amang Pinuno at pinagmamasdan siya roon. Marami ring dumadalaw at umiiyak sa kanyang kalagayan. Magaling at mapagmahal daw ang Pinuno, lahat sila ay nakitaan ang aming Ama bilang isang  tamang modelo para sa lahat. Mabilis malapitan, mapagkumbaba, at mabait.

Kaya naman mas lalo kong inidolo ang aking Ama. Naintindihan ko na rin kung bakit nila ako inilayo dito sa Chromia.

Ang sabi ni Dende, papatayin daw ako ng mga Council kung sakaling malaman nilang buhay ako. Kaya idinala ako ng aking tagapangalaga sa mundo ng mga mortal kasabay ng mga supling na Carrier.

Speaking of Council, buo na ang kanilang desisyon na hindi ako patawan ng parusa. Napagtanto siguro nila na ako ang natatanging Breeder na nabubuhay sa kanilang lahi, kung meron man ay kakailanganin ko paring makipag siping upang makabuo ng panibagong supling.

Lubos na natuwa ang aking mga kaibigan ng marinig ang mga ito, kasama na rin si Dende na halos hindi na matanggal ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Bigkasin mo ang sinabi ko sayo upang makagawa ka ng panibagong salamangka ng hangin." Utos ni Dende sa akin habang pinanonood ako kung paano ko iangat ang armas na pinagkaloob sa akin ng aking ama. Inikot ko ang staff at binigkas ang spell at mabiilis akong nakagawa ng buhawi na kaagad din namang nawala.

Umihip ng malakas ang hangin na nagpatindig ng balahibo sa aking likuran, pinagmasdan ko rin ang aking mga kaibigan na todo ang atensyon sa kanilang pag eensayo. Si Eduardo ay sinusubukang gumawa ng ulap upang paulanan ang tuyo na bahagi ng lawa. Si Scarlet naman ay gayundin ang ginagawa. Habang si Cristopher ay gumagawa ng patuloy sa pagbabasa ng iba't ibang aklat na natitiyak kong patungkol sa iba pa naming kailangang gawin.

Napailing si Dende habang pinagmamasdan ang buhawi na mabilis din namang nawala. Bakas sa kanyang itsura ang hindi pagkatuwa marahil ilang linggo na kaming nag eensayo ng iba't ibang elemento at ni isa sa mga ito ay hindi ko magawa ng matiwasay.

Tumagaktak ang pawis sa aking noo at pinilit na bigkasin muli ang spell upang matiwasay kong magawa. Ngunit, nabigo ako ng pang-ilang beses na at nawala ako sa aking konsentrasyon at marahas na pumaupo sa sahig.

"Walang pag-asa, ni isa sa mga nabanggit mo ay hindi ko magawa ng maayos." Nakabusangot kong reklamo. Tinitigan niya lamang ako habang pinanonood kung paano ko iangat ang armas na kumikinang sa dulo ang dyamante na nakadikit dito.

"Naalala mo ba ang inabot sayo ni Alfonsa?" Tanong niya sa akin ng biglaan. Bigla akong napatingin sa kanya at napasingkit.

"Ang apoy?" Tumango siya sa aking katanungan. Bigla kong naramdaman ang pagkabigat ng bote na may nakapaloob na apoy sa aking bulsa. Hindi ko inalis ito sa aking katawan, kahit saang bahagi basta naka dikit s a akin. Ayaw kong hindi ito madama dahil ito na lamang ang natatanging alala ng aking Lola Alfonsa.

Nilabas ko ang bote sa aking bulsa at inangat ito upang ipakita sa kanya. Sinuri niya ito ng lubusan bago kunin sa aking kamay. Sinubukan niyang buksan ngunit hindi niya ito makaya.

"Akin na nga hindi talaga ganyan buksan yan." wika ko, kinuha ko sa kanyang kamay ang bote at akmang bubuksan na sana ngunit pinigilan niya ako. 

"Nabubuksan mo ang bote na yan?" Tanong niya. Tumango ako bilang tugon, maraming beses ko na itong nabuksan. At tuwing nabubuksan ko ito ay gusto kong hawakan ang apoy sa loob, ngunit nagdadating ang sinabi sa akin ni Lola Alfonsa na isang beses ko lamang ito magagamit.

"Ilang beses na nga eh, kaso hindi ko hinahawakan ang apoy." Tugon ko. Inikot ko ang silyadong takip ng bote at pinakita sa kanya kung paano ko buksan ng walang hirap ang bote.

"Wag mong hahawakan ang apoy," pagtigil niya. Sinuri niya ang aking mata bago ituon muli ito sa bote na aking hawak-hawak. "Isang beses mo lamang iyang magagamit, at kapag alam mong wala ka nang pag-asa tsaka mo lamang iyon gamitin." Pagpapaalala niya.

Pinagmasdan ko siya ng nagtataka, ano kaya ang ibig niyang sabihin? Tsaka, ano ang mangyayari kung sakaling hawakan ko ang apoy? Maaari ba akong maging apoy din?

"Tumayo ka na diyan at mukhang alam ko na kung anong elemento ang dapat mong gamitin," wika niya.

"Ano?"

"Elemento ng Apoy."

===

CHROMIA SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon