The Missing Heir 10

39 3 0
                                    


Chapter 10 - Breakeven 

Quinn's POV

Habang binubugahan ng apoy, nakita kong gumawa ng madilim na apoy si Lucas at pinagharang sa kanyang harapan. Mas lalong kong binigyang pwersa ang pagbuga ngunit patuloy pa rin siya sa pagtulak rin ng kanyang kapangyarihan. Nagliwanag ang kapaligiran ng dahil sa pagtama ng aming mga kapangyarihan, kumulimlim at patuloy sa pagsigaw ang kalangitan.

"Graaaah~" nagtuloy ang aking pagbuga. Dumagingding ang aking nagawang tunog sa kapaligiran at nagsanhi upang takpan ng mga nilalang ang kanilang mga mata.

Ako ang dahilan kung bakit naubos ngayon ang mga Itim at tanging si Lucas na lamang ang natira.

Binigyan pwersa niyang muli ang itim na apoy, winasiwas niya ang kanyang libreng kamay at gumawa ng itim na ulap sa aking uluhan. May kidlat na tumama sa aking mata ng ilang beses hanggang sa tuluyan nang tinamaan ang aking mata. Sinubukan kong buksan muli ngunit nabigo ako.

Habang patuloy kami sa palitan ng lakas. Nakapikit ang isa kong mata na sinentro ang aking atensyon sa kamay ni Lucas. Pinalagpak ko ang aking pakpak at gumawa ng maliit na buhawi upang matigilan siya sa kanyang ginagawa. Nalaglag ang kanyang tungkod sa lapag na kinagulat niya.

"Hello, Quinn. Nagustuhan mo ba ang pasabog ko?" tinulak ni Lucas ang kanyang lakas na nagpahina sa aking pwersa. Dumagingding ang kakaibang boses niya sa kapaligiran; nakakatakot at nakakapangilabot.

Hindi ako nakapagsalita dahil mula sa aking bibig ang apoy na aking binubuga.

"Hindi ko rin inakala na ikaw pala ang simbolo ng Lakas. Hindi ko inaasahan na mauubos mo ang aking lahi sa isang iglap lamang. Ngunit, hindi ka bang natatakot na pati ang iyong kaibigan ay maglaho muli sa'yo?" mapanloko niyang sabi. Tila'y nanginig ang aking kalamnan sa aking narinig. Nagsumamo ang kanyang ekspresyon, gusto niyang paniwalaan ko siya.

Hindi ako magpapaapekto, mananalo ako.

Ngunit, handa nga ba akong isakripisyo ang aking kaibigan, kaibigan na minahal, para sa kapayapaan ng aming lahi? Para maubos ang mga katulad nilang itim?

Kung manalo man ako sa aming pagtutunggali, natitiyak kong isa sa amin ang masasawi. Isa sa amin ang kailangang mamuno sa mga salamangkero.

Ano ba ang pipiliin ko, ang kapakanan ng ibang inosente o ang sarili kong kaibigan? matutuwa nga ba ako kapag nalaman kong nasawi siya ng dahil sa akin?

Pinagmasdan ko siyang maigi, nakita ko ang pagbabago ng kanyang ekspresyon. Nakita kong bigla ang pagbago nito sa pagiging Matteo. Ngunit panandalian lamang at nadungisan muli ng Lucas na masalimuot at punong puno ng galit. Nakipagkita siya sa aking mga mata at ngumiti. Kuminang ng bahagya ang kanyang mata. "Quinn, tulungan mo ako." sambit niya. Ginamit niyang tono ang boses ni Matteo, nagbagong muli ang kanyang mukha at doon ko napansin ang paglaban ni Matteo sa itim na kapangyarihang bumabalot sa kanya. "Wag mo siyang pakinggan Quinn, talunin mo siya." bumulong ang hangin sa aking tainga at narinig ko ang boses ng aking minamahal.

Mas lalo kong tinulak ang aking pwersa na kaya naman lubusang nilamon ng aking kapangyarihan ang itim na apoy ni Lucas. Sinubukan niya pang sanggain ang aking kapangyarihan ngunit nabigo lamang siya at tuluyan nang tinupok ng apoy. Narinig ko ang malakas niyang pag-iyak. Pinanood ko ang bawat sandaling nakikita kong muli na nasusunog ang aking kaibigan. "Maraming salamat Quinn!" imbis na magalit sa akin si Matteo ay lubusang siyang nagpapasalamat sa aking nagawa.

Naramdaman ko na rin ang pagbago ng aking anyo ng paunti-unti.

At sa panahong lumapag ang aking paa sa lapag, tumingala ako upang makita ang aking tinutupok na kaibigan. Lumuhod siya at tumingin sa akin, umihip ng malakas ang hangin at nabasa ko sa pagbigkas niya sa kanyang mga labi ang katagang pananalamat sa akin.

CHROMIA SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon