The Vengeful Past 9

42 3 0
                                    

CHAPTER IX: Hunt Down

Nakahanda na noon sila Hathos na salubungin ang pagsugod ng leviathan sa kanila, ang totoo'y alam nila na dehado sila sa labanang iyon sa kadahilanang limitado lamang ang kanilang gagalawan ngunit di nila hahayaan na iyon ang maging dahilan para hindi sila lumaban, sa isip ni Hathos ay marami siyang dahilan upang lumaban, dahilan upang naisin na talunin ang isang halimaw tulad ng leviathan, dahilan upang makapagpatuloy sila sa kanilang pagpunta sa isla.

"Ihanda niyo na ang mga sarili niyo, paparating na siya." Ang sabi ni Hathos nang makita ang papasugod nang leviathan, inihanda ng lahat ang kanilang sarili, habang papalapit ang malaking ulo ng leviathan sa kanila ay lumalakas din ang alon ng dagat dahilan upang bahagyang mahirapan silang lahat na magbalanse, papalapit na nang papalapit ang leviathan sa kanila nang biglang may tumama dito na tila isang malaking bola ng itim na ulap na sa pagdikit sa leviathan ay sumabog ito.

"Ang atakeng iyon." Ang sabi ni Nimbus at lahat sila ay napatingin sa kalangitan, namangha sila sa kanilang nakita, ang mga kalahi ni Nimbus na Clotona ang gumawa ng malakas na pag-atake na iyon, nakasakay ang mga ito sa mga Pegasus, kasama din nila ang mga silpa na handa na ding atakihin ang leviathan.

Ilang sandali pa ay nakabawi na ang leviathan at muli sana itong aatake nang isang malaking alon naman ang humampas dito kasabay noon ay ang sunod-sunod na pagpapaulan ng maraming sibat na gawa sa tubig ang tumarak dito, at mula sa ilalim ng tubig ay naglabasan ang mga mermpeople sakay ng mga hippocampus, sireno't sirena, oceaninds, at mga undine.

"Kamahalan! Mahal na prinsipe Nimbus!" ang tawag ng isang heneral na Clotona habang papalapit sa bangkang sinasakyan nila Hathos.

"Heneral Mulos, ano ang nangyayari? Anong ginagawa niyo rito?" ang tanong ni Nimbus sa heneral na lumapit sa kanila.

"Narito kami upang tulungan kayo na makarating sa isla ng Chromia kamahalan, hindi man namin maipaliwanag ngunit isang tinig ang aming narinig sa aming isip at sinabi sa amin ang lahat, alam na din namin ang sinapit ng mahal na haring Hok, ngunit magkaganon man ay narito kami upang patuloy na lumaban kasama ninyo." Ang sabi ni heneral Mulos.

"Ganoon rin kami mahal na prinsesa." Ang mahinhin na sabi ng isang tinig na nagmula sa ilalim ng tubig, at ilang sandali pa ay lumabas ang isang magandang babaeng merpeople na siyang kalahi ni Lorelei.

"Hyan, maging kayo din ba ay nakarinig nang tinig kaya kayo naparito?" ang sabi ni Lorelei at pagtatanong sa kanyang kalahi na tinawag niya sa pangalang Hyan.

"Opo mahal na prinsesa, kaya't narito kami upang tulungan din kayo." Ang sabi ni Hyan.

Noong sandaling iyon ay hinaharap na din nila pinunong Auron at Lyka kasama ang mga pangkat nito ang Earth giant na winasak na ang kanilang tirahan, dahil sa lakas ng halimaw na iyon ay halos maubos na din ang lakas nila Lyka at pinunong Auron, gamit ang malakas nitong kamao ay gagawa na sana ng isang pag-atake muli ang Earth giant ngunit bago pa man ito magawa ng halimaw ay mga naglalakihang bolang apoy ang sa muka nito'y sunod-sunod na tumama, tumingin sila Lyka sa pinagmulan ng pag-atake at nakita nila ang mga lahi ng Draco, kasama ang mga Candelus, ibang Shintogami na nagmula sa ibang pangkat, kasabay din ng pagdating nila ay ang paglabas ng libo-libong pixies sa kakahuyan ng gabi, ang mga ito ay halos balutin sila kasabay nito ang pagsaboy ng mga pixie ng mahiwagang pulbos na sa kanilang pakiramdam ay mas nadagdagan pa sila ng lakas, pagkatapos noon ay tinahak ng mga pixies ang direksiyon nila Hathos.

"Lyka, anak, mga kasama, ibigay natin ang lahat ipakita natin kung gaano kalakas ang pangkat ng Pulang Buwan!" ang sabi ni pinunong Auron, at nabuhayan ang lahat ng kanyang mga kasama at kasabay noon ay ang sabay-sabay na pagsugod nila sa Earth giant.

CHROMIA SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon