Tatlong linggo ang inilagi ni Pika at ang kanyang mga kasama para gamutin ang mga sugatan at kontiminado ng epedemyang mga Fianna. Matapos ang gamotan ay agad silang nagpaalam para ipagpatuloy ang kanilang paglalakbay.
Ngayon nga ay nagpatawag ng pagpupulong si Laxius. Lahat ng Fiannang nasa kweba pati na ang mga kagagamot lamang ay nakisali sa pagpupulong.
Nasa gitna sila ng kweba kung saang malawak at kasya silang lahat. Nakatayo sina Laxius, Lyden at ang dating heneral ng hukbo ng mga Fianna sa isang mataas na lugar.
Kitang kita nila nag lahat ng Fianna na nakadungaw sa kanila. Nag-aabang kung ano ang sasabihin ni Laxius sa kanila.
"Maraming salamat at pinaunlakan niyo ang tinawag kong pagpupulong." Panimula ni Laxius sa lahat ng Fianna na nasa kanyang harapan.
"Pinatawag ko kayong lahat dito upang malaman kung papayag ba kayong sumapi sa bubuohin kong pangkat para sa paglusob sa mga walang puso at kaluluwang Uktera!" Malakas ang boses ni Laxius nang sabihin niya ang mga katagang binitawan niya.
Napuno ng bulungan sa loob ng kweba dahil sa mga sinabi ni Laxius. Marami ang naguluhan sa kanyang mga sinabi. Ilan sa mga Fianna ay pumapayag sa paglusob pero karamihan sa kanila ay nagdadalawang isip dahil alam nilang wala silang panalo sa mga Uktera pagdating sa mga labanan.
"Paano nating gagawin yang sinasabi mo kung alam mo namang wala tayong laban sa mga Uktera at ilan sa atin ay walang kaalaman sa pakikidigma?" Tanong ng isa niyang kalahi na nasa harapan lamang niya.
"Alam ko ang inyong pagdadalawang-isip sa aking sinabi pero kaya nating pabagsakin ang mga Uktera kung tayo ay magtutulungan, gagamitin natin ang ating kagustuhang maghiganti sa mga ito para sa ating mahal sa buhay na nagbuwis ng buhay para tayo ay mailigtas." Sagot ni Laxius sa naging katanungan sa kanya kanina.
Napatango ang ilan sa mga kalahi dahil pati sila ay gutom para sa katarungan ng mga nagbuwis ng buhay para sa kanilang kaligtasan pero, paano nila gagawin ang paghihiganti nila kung alam nilang wala silang kaalaman sa pakikidigma?
"Sa usaping kaalaman sa pakikidigma, matutulongan tayo ng dating heneral ng hukbo ng Fianna na nasa aking tabi. Itituro niya sa atin kung paano gumamit ng mga Renkin at ituturo niya rin sa atin ang pangunahing kaalaman sa pakikidigma." Pahayag ni Laxius.
Nagkausap na silang dalawa ng dating heneral tungkol sa bagay na yan. May mga ilan namang mga hukbo na nakaligtas kaya mas mapadali ang kanilang pagsasanay. Pero nakita ng mga Fianna ang kanilang kahinahan at ito nga ang kakulangan ng kanilang bilang.
"Sabihin na nating magsasanay tayo sa pakikidigma pero sa tingin ko ay wala pa rin tayong panama sa mga Uktera dahil kulang tayo sa bilang."
Tama ang kanilang sinabi pero napag-isipan na ni Laxius angbtungkol diyan.
"Hindi lang tayo ang lalaban sa mga Uktera. Meron tayong malaking hukbo na hihintayin." Sagot ni Laxius sa mga ito.
Muli na namang napuno ng bulungan ang kweba. Nagtataka kung saan siya makakahanap ng malaking hukbo kung karamihan sa mga mandirigma nila ay namatay sa paglusob ng mga Uktera.
"Kung sa inaakala niyong walang iniwan ang ating Alpha o ang aking ama ay nagkakamali kayo." Ani niya at ipinaliwanag niya sa lahat ng kanyang kalahi kung ano ang kanyangng nadiskobre.
Isinalaysay ni Laxius ang kanilang pagkakadiskobre sa mga Goleniod mula sa simula.
Noong mabasa ni Laxius ang tungkol sa tagong laboratoryo na nasa likod ng palasyo ay agad silang nagpunta kasama niya si Lyden.
Pagdating nila doon ay agad nilang hinanap ang pwedeng magbigay ng lagusan papasok dito. Dahil ayun sa kwaderno ng Alpha, ang lagusan papunta roon ay ang malaking puno. Hindi sila nahirapang hanapin ang malaking puno ngunit nahirapan sila sa paghahanap ng pwedeng magbukas ng lagisan papasok.
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
RandomChromia Series A pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Adamant sasuke21uzumaki BookSwaggin eiramslove FrustratedAtheist gingerbreadmans ...