The Prince's Paramour 10

104 8 1
                                    


FINAL CHAPTER

Aedrien

Sa pagdaan ng maraming araw, naging mapayapa naman ang aking buhay sa piling ni Lucian at ng mga mabubuting kitsune. Nagsimula na rin ang unti-unting paglaki ng akin tyan senyales na nalalapit na aking pagluluwal sa aming supling ni Remus. Ngunit kahit maayos na ang aking pamumuhay, hindi katulad noong bagong balik ko lang dito sa Isla, naging malulungkutin ako sa paglaki ng aking sinapupunan. Mas lalo ko kasing ginusto na makita at makapiling si Remus. Gusto kong narito sya sa aking pagsilang ng aming anak. Gusto ko na sabihin na sa kanya ang katotohanan ng aking pagkatao. Nagkaroon ako ng takot para sa buhay namin ng aking anak. Maaari kasi akong bawian ng buhay kapag hindi naging maayos ang aking pagluluwal. Kaya halos gabi-gabi na ako ay nagdarasal kay Horus na sana ay gabayan nya ako pagdating ng oras na iyon.

At dumating na nga ang oras na pinakahihintay ko. Namamasyal ako noon sa hardin nang maramdaman ko ang nakakawala ng ulirat na sakit sa aking balakang. Napasigaw ako sa sakit.

"Luciaaaan!" Muli kong sigaw nang humilab ulit ang aking tyan. Napaluhod ako sa lupa nang manghina ang aking mga tuhod dahil sa sakit na aking dinaranas. Narinig ko ang pag-iingay ng mga bulaklak, ng mga halaman at ng mga puno. Ngunit kahit anong ingay o galaw ang kanila gawin, wala silang maitutulong sa akin.

Sa isang iglap ay naramdaman ko si Lucian sa aking tabi. Luhaan akong napatingala sa kanya. Naramdaman ko ang aura ng kanyang kapangyarihan na ginamit nya upang agad na makarating sa aking kinaroroonan.

"Aedrien! Ano ang nangyari? Bakit mo isinigaw ang aking pangalan?" Nag-aalalang tanong nya habang inayos nya ang aking pagkakaupo.

"M--magsi--silang...hah, hah... na ako!" Mahigpit akong napakapit sa kanyang mga braso. Kumagat ang aking mga kuko sa kanyang laman ng muling humilab ang sakit.

Hindi sya nag-aksaya ng oras. Agad nya akong binuhat at dinala sa kanyang bisig.

"Subukan mong kumapit, Aedrien. Dadalhin kita sa pagamutan ng mga kitsune para sa iyong pagsisilang." Kagat ang labi na tumango ako sa kanya.

Ilang saglit pa ay naramdaman ko na ang pagaspas ng hangin dahil sa mabilis na pagtakbo ni Lucian. Nang makarating kami sa pagamutan ng mga kitsune ay agad nila akong ipinasok sa isang silid.

"Isa syang Forestina. Hindi nya kailangan ang mangagamot dahil hindi katulad ng ibang nilalang ang kanyang pagsilang. Kailangan lang natin syang alalayan at bigyan ng lakas ng loob upang mailuwal nya nang matiwasay ang kanyang supling." Bilin ng manggagamot kay Lucian.

"Aedrien, narinig mo ang sinabi ng manggagamot ng mga kitsune. Kailangan mong lakasan ang iyong loob." Hinaplos nya ang aking mahaba at kulay puting buhok.

"Ka--kayanin... ko... Arggh!" Napakapit ako sa mga kamay ni Lucian. Namilipit ang aking katawan sa naramdaman kong matinding paghilab. Tumitibok ang aking tyan sa sakit. Sari-saring kirot ang sumalakay sa palibot ng aking tyan.

"Kaya mo yan, Aedrien! Kayanin mo para sa iyong anak!" Kinakabahan man ay pilit na pinapalakas ni Lucian ang aking loob.

"Lucian... ipangako mo... sa akin na kung... hindi ko... kakayanin... h-hanapin mo... si Remus... k-kailangan nyang ha---wakan ang bolang apoy... upang... upang magkaroon ng katawan... ang espiritu ng aming... supling." Paputul-putol na bilin ko kay Lucian.

"Huwag kang magsalita ng ganyan, Aedrien! Makakaya mo ito! Kailangan ka ng anak mo!" Malakas na sigaw ni Lucian.

"AHHH!"

"Aedrien!!!"

Umarko ang aking katawan nang maramdaman ko ang isang puwersa na lumalabas sa aking tyan. Unti-unting nagpakita ang bilugang apoy palabas sa aking sinapupunan. Napapikit kaming lahat sa dala nitong liwanag. Halong kulay ng araw, dugo at asul na apoy ang nagpaikot-ikot sa bola simbulona isang lalaking supling ang aking isinilang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CHROMIA SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon