The Vengeful Past

146 8 0
                                    

PROLOGO

Noong panahon na hindi pa magkahiwalay ang mundo ng tao at ng mga mahihiwagang nilalang, ang panahon kung saan payapa at matiwasay na nagsasama ang bawat lahi sa mundo, may isang bahagi ng mundo sa gawing silangan kung saan matatagpuan ang isang mahiwaga at misteryosong isla na kilala sa tawag na Chromia, ang islang ito ay namumukod tangi sa lahat dahil sa taglay nitong kapangyarihan at kasagaanan sa lahat ng uri ng mineral, likas na yaman, at buhay ilang.

Noong mga panahon na iyon ang isla ay nagsisilbing tirahan sa dalawang lahi lamang ng Elpa, ang lahi ng mga Luneria, lahi ng Elpa na ang kapangyarihan ay nagmumula sa buwan, ang kanilang anyo ay labis na nakakaakit, nagtataglay sila ng maaamong mga mukha, kulay pilak na mga mata at buhok na kasing puti ng niyebe sa panahon ng taglamig,labis na masiyahin at taglay nila ang kapangyarihan ng pagpapagaling at paglikha ng mga ilusyon.

Ang isa pang lahi ng Elpa na naninirahan sa isla ng Chromia noong panahong iyon ay ang lahi ng mga Chronoan, sila ang lahi ng mga Elpa na nagtataglay ng kakayahang manipulahin ang oras at makita ang hinaharap, ang mga Chronoan ay nagtataglay ng makikisig at magandang mukha ngunit hindi tulad ng mga Luneria ay seryoso ang mga Chronoan dahil ang lahing ito ng mga Elpa ay ibinubuhos ang halos lahat ng kanilang buhay at oras sa pag-aaral, pananaliksik, at pagtuklas, ang kanilang mga mata ay kulay ginto, habang ang kanilang buhok ay kasing dilim ng kadiliman na bumabalot sa gabing walang liwanag.

Bagama't malaki ang kanilang pagkakaiba ay mapayapang nagsasama at naninirahan ang Luneria at Chronoa sa islang iyon ng Chromia, maganda din ang relasyon ng mga ito sa mga lahi sa ibang lupain at kaharian sa labas ng isla, kung may isa mang pagkakahalintulad ang mga Luneria at Chronoa iyon ay ang restriksiyon sa kanilang kapangyarihan sa paggamit nito sa pagbuhay ng mga yumao na o ang pagpigil sa kamatayan na nakatakda na.

Sa gitna ng kagubatan ng isla ng Chromia ay matatagpuan ang isang napakalaki at napakatandang puno na tinatawag na Suprema, ang punong ito ang siyang pinagmumulan ng buhay at kapangyarihan ng buong isla, ang mga bunga nito ay magkakaiba sa anyo, lasa, at kulay, dahil ang bawat bunga nito ay sumisimbulo sa bawat lahi sa mundo, ito ang nagsisilbing batayan ng lahat kung gaano ba tatagal ang lahi ng bawat isa.

Isang gabi na maliwanag ang buwan, sa ilalim ng puno ng suprema ay may isang babaeng Luneria at lalaking Chronoa na tila magkasintahan ang magkayakap habang pinagmamasdan ang mayabong at hitik sa bunga na puno, pinagmamasdan nila ang mga bunga na sumisimbulo sa kanilang lahi.

"Sa tingin mo Horum, gaano pa katagal magtatagal ang ating lahi sa mundong ito?" ang tanong ng babaeng Luneria sa kasintahan nitong Chronoa na tinawag niya sa pangalang Horum.

"Hindi ko din alam Lucena, ang sabi ng mga nakakatanda sa aming kaharian ay hindi nila masabi ang nakatakdang oras ngunit nakita na nila na nakatakda na din na maglaho sa mundong ito an gating lahi sa ayaw man natin at sa gusto." Ang seryoso na sabi ni Horum bilang sagot sa tanong ng babaeng Luneria na tinawag niya sa pangalang Lucen.

Muli silang binalot ng katahimikan, habang si Lucena ay malungkot na nakatingin sa bunga ng kanilang lahi, noong mga sandaling iyon ay tila ba nais niyang gumawa ng paraan upang hindi mangyari ang nakatakda, at pagkatapos noon ay napabuntong hininga ito na agad na pinansin ni Horum.

"Ayos ka lamang ba? Huwag ka nang malungkot pa, iyon ang itinakda ng dakilang lumikha, wala na tayong magagawa pa kundi ang namnamin ang bawat sandali na ating ilalagi pa rito sa mundong ito." Ang sabi ni Horum at kanyang hinalikan sa noo ang kasintahan na tahimik pa din noong mga sandaling iyon.

"Pigilan natin ang pagkawala ng ating lahi Horum, pigilan natin ang kamatayan." Ang sabi ni Lucena, nang marinig iyon ni Horum ay napabitiw siya sa pagkakayakap sa kasintahan at tinignan niya ng diretso ang mga pilak nitong mata, kasabay noon ang pag-ihip ng malakas at malamig na hangin na siyang nagpasayaw at nagpaingay sa mga dahon sa kagubatang iyon.

CHROMIA SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon