Chapter 10:
"Nandito na ba ang lahat?" Tanong ng anak ng Alpha ng mga Uktera na si Viktor sa mga kawal ng kanilang hukbo.
"Ngayon ay ating pag-usapan ang ating paglusob sa mga Fianna. Si ama sana ang magpupulong sa ating ngunit masama ang kanyang pakiramdam kaya ako ang kanyang pinadala." Panimula niya.
Lingid sa kaalaman ng lahat ng nasa harapan ni Viktor, walang sinabi at walang alam ang kanilang Alpha kung ano man ang sasabihin ni Viktor. Lahat ng ito ay mga plano lamang niya para sa pansariling kagustuhan.
Nagsimula ang kanilang pagpupulong. Lahat ay nakiayon sa lahat ng sinabi ni Viktor tungkol sa kanilang gagawin sa kanilang paglusob.
Naging magaan at maayos ang pagpupulong na naisagawa kaya tudo ang ngiti sa mga mga labi ni Viktor. Sa kanyang isip, ito na ang simula para sa kanyang nalalapit na pamumuno sa mga Uktera o sa buong angkan ng mga Lycans.
"Sa susunod na kabilugan ng buwan tayo ay sasalakay. Para sigurado tayong tayo ang mananalo." Guling sambit ni Viktor sa mga ito.
Ang mga Lycans ay kaya nilang magpalit ng anyo kung gugustuhin nila pero kapag kabilugan ng buwan, mas malakas ang mga ito. Mas nagiging mabangis sila at mas madaling maghilom ang kanilang sugat.
Pagkatapos ng pagpupulong nila, naglakad si Viktor palabas sa bulwagan at nagpunta sa isang silid ng kanilang kaharian.
Sa silid na ito nakatago ang Elixer ng buhay na siyang kinuha nila sa mga Fianna. Kakaunti na lamang ang natira sa Elixer ng buhay dahil sa panggagamot sa mga sugatan at kuntiminado ng epidemya noon pero sapat na ang natira para sa kanyang plano.
.......
Sa kahiraan ng mga Fianna, naging maayos naman ang kanilang pagbangon. Halos kalahati na ng kanilang teretoryo ang naaayos. Tulong tulong ang lahat sa pagkukumpuni sa mga nasirang kabahayan at mga gusali pero hindi pa nila nasusulusyonan ang sa taniman. May mga naglakas ng loob para maghanap sa kagubatan ng pwede nilang itanim pero kakaunti lamang ang kanilang nakuha. Ngayon ay nagpaparami na sila ng punla para sa kanilang sakahan.
"Laxius, wala pa ring nakikita ang ating mga Alchemists na pwedeng gamitin sa pagpapagana sa mga Goleniod. Ano ang magiging plano kung biglang sasalakay ang mga Uktera?" Balita ng dating heneral kay Laxius.
Nasa kanilang kwarto ngayon si Laxius dahil hindi maganda ang pakiramdam ni Lyden. Ilang araw na siyang nakahiga sa kanilang kama. Nilalagnat,sumasakit ang tiyan, nahihilo at nagsusuka. Hindi nila alam kung ano ang gagawin. Wala ring magawa ang mga manggagamot sa kalagayan ni Lyden. Ginawa na nila lahat ng pwedeng panggamot sa kanya ngunit wala pa rin. Minsan naisip ni Laxius na gamitin ang hawak niyang isang patak ng Elixer ng buhay na ibinigay ng kanyang ama pero pinipigilan siya ni Lyden. Ayun kay Lyden, gagamitin lamang nila ang natitirang patak nito sa oras ng kagipitan. Kaya pa naman ni Lyden ang tiisin ang sakit na kanyang nararamdaman.
"Mahal, maiwan muna kita sandali. Pupunta lamang ako sa laboratoryo." Paalam ni Laxius sa nakahigan si Lyden.
Pilit na ngumiti si Lyden kay Laxius bilang sagot.
Lumabas si Laxius kasama ang dating heneral papunta sa Laboratoryo. Pagdating nila dito, nakita niya ang ilang mga Alchemists na nakaligtas sa pagsalakay ng mga Uktera noon na kumukuha ng mga datos sa mga kapsulang kinalalagyan ng mga Goleniod.
Nilibot ni Laxius ang buong laboratoryo at nagtanong sa mga Alchemists kung may bago ba silang natuklasan ngunit walang napala si Laxius. Napailing na lamang si Laxius sa mga ito. Wala naman siyang magagawa dahil pati siya ay wala siyang alam.
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
RandomChromia Series A pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Adamant sasuke21uzumaki BookSwaggin eiramslove FrustratedAtheist gingerbreadmans ...