The Child of Lightning 1

313 8 0
                                    

Sampung taon ang makalipas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sampung taon ang makalipas...

PIKA

Sumasayaw sa hangin ang kaniyang hanggang balikat na buhok na mamula-mula. Ang kaniyang kanang mata ay natatakpan upang itago ang sikreto ng tunay niyang pinanggalingan habang ang kaliwa ay kalmadong asul ang makikita. Ang kaniyang taas ay tama lamang at ang magandang katawan na maihahalintulad sa isang babae ay natatakpan ng pulang roba na may balahibo sa kwelyo. Ang mga puno at halaman sa paligid ay nagsasayawan sa ihip ng hangin at ang makukulay na pakpak ng mga paru-paro na nagliliparan sa paligid niya ay nagbibigay ng kakaibang liwanag sa paligid.

Oo, bawat nilalang sa isla ay kakaiba. Ang mga Paru-paro doon ay nagliliwanag ang mga pakpak. Ang bawat insekto ay may kani-kaniyang katangian tulad ng isang bersyon ng lamok. Sa mga normal na mga tao ay nakamamatay ang insekto na iyon ngunit sa isla ay iba. Naamoy nila ang sakit o lason na dumadaloy sa dugo ng isang nilalang at iyon ay ang pagkain nila. May mga uri ng hayop na may anyong tao tulad ng mga lobo at mayroon din naman na mga tinatawag na Hunyango, mga nilalang na kayang gayahin ang iba't ibang anyo. Walang naka-aalam ng tunay na itsura nila maliban sa iilan na sinasabing ang tunay nilang itsura ay may ulo ng tao, katawan ng butiki at buntot ng ahas na ang dulo ay ginto. Bukod doon ay iba't ibang uri din ang mga Puno, halaman at mga bulaklak. May mga bulaklak na nagtataglay ng lason, mayro'n naman na nakagagamot, humihimig at kumakain ng buhay na nilalang, bulaklak na tumutulong sa pagdadalantao.

Ngunit ang kakaiba at nasa ituktok ng lahat ay ang Puno ni Horus. Sa tagal ng panahon ay hindi na matanto kung ano ang tunay na pangalan ng malaking puno na nasa gitna at mataas na bahagi ng isla ngunit sa ilan ay Puno ni Horus, ng kanilang diyos ng kalangitan. Ang punong iyon ay iba-iba ang bunga at bawat bunga ay sumisimbolo sa bawat lahi sa mundo. Iba-ibang uri, iba-ibang hugis, depende sa lahi.

Walong ikot ng mundo kay Ra lamang ang edad niya nang huling dalawin niya ang Puno na buhay pa ang kaniyang angkan at masdan ang simbolo ng kanilang lahi, ng kanilang Tribu, ang Tribu Elementa. Ang tribung nanganganib na mabura sa kasaysayan ng isla. Noon ay napakaliwanag ng perpektong bilog na bunga na iyon at maaaninag ang iba-ibang kulay na sumisimbolo sa kanilang mga mata na nag-iiba ng kulay depende sa kanilang emosyon.

Ngunit ngayon, ang liwanag niyon ay naglaho na. Parang lamparilya na nauupos na at naubusan ng pampaningas. Dahil siya na lamang ang nag-iisa ay napakalabo na ng liwanag niyon at ang mga kulay ay hindi na maaninag.

"Sinasabi ko na nga ba't nandito ka nanaman Pika."

Napabuntong hininga siya at humarap sa nagsalita. Si Alexius iyon, ang kaniyang kapatid, matalik na kaibigan at kung ano-ano pang rolyo na binansag niya rito.

"Alam mo naman na dito lamang ako nakakahinga ng maluwag at nakakapag-alis ng pagod." Sagot niya sa bagong dating. Lumapit ito at naupo sa isang malaking ugat na naka-usli at tinapik ang tabi niya at sinasabing maupo siya sa tabi nito. Bagay na kaniya naman ginawa. Isinandig niya ang kaniyang ulo sa balikat nito saka pumikit.

CHROMIA SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon