The Mateless Alpha 4

52 6 0
                                    

Chapter 4: Init Ng Pagmamahalan

Amiel POV

Hindi mapakali si Aliya. Ilang beses niya akong pinipilit na pumasok sa loob. Nanganganib daw si Kairo. Hindi rin ako mapalagay.

Narito ako sa labas ng banyo. Tinatawag ko ang pangalan ni Kairo ngunit hindi siya sumasagot sa mga pagtawag ko sa kanya.

Nitong mga nakaraang araw kasi, simula nung nakarating siya dito, parang hindi stable ang kanyang mga aksyon. Minsan masayang masaya siya tapos bigla na lang siyang tatakbo palayo dahil sa takot. Wariy isa siyang takot na takot na tuta na hinahabol ng isang halimaw.

Hindi ko na kayang dalhin pa ang sumisidhing damdamin kong ito. Kaya kahit magalit man siya sa akin sa pabigla-bigla kong pagpasok sa banyo, gagawin ko.

Isang malakas na pagbagsak ng pintuan ang maririnig mong tunog sa aking silid. Hindi agad rumehistro sa utak ko ang nakita ko.

Nakahilata si Kairo sa sahig at naliligo sa kanyang dugo. Isang patalim ang kanyang hawak sa kanyang kanang kamay. Isang napakalakas na alulong ang pinakawalan ni Aliya na dahilan upang sumagot ng mahihinang alulong ang buong lupon namin.

Dali-daling umakyat si Alexius sa silid naming dalawa ni Kairo at tinulungan kami ng iba pang mga kasamahan namin at sinalubong sila ng aming doktor na agad namang ginamot ang sugat ni Kairo.

Pinipigilan ako ni Alexius na lumapit kay Kairo sa kundisyon ko na ito. Hindi daw ako stable sa ngayon. May posibilidad daw na aatakihin ko ang doktor namin na nangangalaga kay Kairo sa oras na ito.

Andito ako ngayon sa kabilang silid malapit kinaroroonan ni Kairo. Paulit-ulit na naglalakad ng pakaliwa at pakanan si Aliya sa aking utak.

"Maayos na ang kalagayan niya. Maari na siyang magising ilang minute mula ngayon." sabi ng aming doktor nang pumasok siya sa silid na kinaroroonan ko.

"Salamat. Mabuti naman kung ganun."

"Pero, Alpha, isang malalim na sugat ang natamo niya mula sa pagsaksak niya sa kanyang sarili. Maari kop o bang malaman kung bakit niya iyon nagawa?" Maiging tanong ni doktora sa akin. Wala akong maisagot. Hindi kasi masyadong nakikipagsalamuha si Kairo sa iba maliban sa akin.

Ang halik na natamasa naming dalawa noong pag gising niya was the last intimate moment we shared. Lagi man siyang nasa tabi ko, hindi ko siya mahawakan ulit ng hindi siya inaatake ng kanyang takot.

"Hindi ko rin po alam doktora, mukhang may masamang nangyari sa kanya bago siya nakarating dito sa ating isla." Iyon rin ang hinala naming lahat mula nung biglaan siyang nagpalit ng mood sa harap namin.

"Hindi ko pa po alam kung ano ang maari kng magagawa para sa kanya, pero ang gusto kong gawin mo Amiel, bilang kanyang Mate ay bantayan mo siya sa lahat ng oras at samahan mo siya palagi. Do not let him out of your sight! Kuha mo?" matinik na sabi ni Doktora sa akin. Napatango na lang ako sa sinabi niya. Kahit na ako ang Alpha dito, natatakot pa rin ako sa kanya.

____________________________________________________________________

Ang mga mahihinang tunog ng mga makinarya ang maririnig mo sa loob ng kwarto ko. Oo, dinala ko na si kairo sa kwarto ko upang madali ko siyang ma-obserbahan. Hawak-hawak ko ngayon ang kanang kamay niya. Mahimbing ang tulog niya ngayon.

"A-Amiel." Tawag niya sa pangalan ko nang ako ay malapit ng makatulog.

"Nasaan ako?" Pagtatanong niya sa akin at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya.

"Andito ka sa kwarto.Pinapahinga ka ni Doktora matapos kang magtangka sa sarili mong buhay." Bigla na lang siyang umiyak nang sabihin ko na nagtangka siya.

CHROMIA SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon