Nagising ako sa ingay ng mga tao. Nakasara pa ang mga mata ko pero buhay na ang diwa ko. Hanggang sa napagdesisyunan ko ng tumayo.
Nasa loob ako ng Classroom.
Naglalabasan ang mga kaklase ko, marahil ay break time.
Bumilis ang tibok ng aking puso. Agad akong tumayo at pumunta ng labas para hanpin siya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, para bang may kung anong sakit sa puso ko dahil sa mga nangyari.
Hindi siya pwedeng mawala. Hindi pwede.
Napatingin ako sa dalawang babaeng masayang kumakain sa mga batong upuan ng school. Agad akong lumapit.
"Joyce, Ezel. Tama?" Pagpukaw ko sa atensyon nila.
Agad na tumango ang dalawa, nakangiti pa ang isa na wari'y kinikilig. "N-nakita niyo ba si Jc?"
Agad akong kinabahan sa ekspresyon ng mukha nila, nakakunot ito at nagtatanong sa isa't-isa, sa huli umiling ang dalawa.
"'Yung lalaking lumapit sa inyo? 'Yung magkukwento daw pero hindi niyo pinakinggan? Si J-jc."
"JP, wala namang Jc sa room na'tin e. Kung meron man, teacher na'tin 'yun." Sabi ni Ezel.
"Si Sir Joseph Curitana." Pagpapatuloy ni Joyce.
Napaigting ako ng panga. Sinasabi ko na e. Hindi ito maaari.
Agad akong tumakbo papuntang bahay, ngunit hindi ako pinalabas ng Guard. Class hour pa nga lang at bawal lumabas ang mga estudyante.
Sumasakit ulo ko sa nangyayari, nasan na si Jc? Totoo naman siya hindi ba? Naguguluhan na ako.
Pumasok akong muli ng Classroom para hintayin siyang tumabi sa upuan ko. Pero ni kahit ang bag niya wala sa tabi ko.
Hindi ko alam kung bakit, pero ang sakit ng puso ko sa nangyayari.
Panaginip? Hindi naman siguro panaginip ang lahat 'di ba? K-kasi kung oo. Hindi ko kaya.
Makalipas ang dalawanpung minuto, panibagong guro na naman ang nasa harapan, nagsipasukan ang mga kaklase ko at hindi ko magawang ialis ang aking atensyon sa pintuan. Hinihintay parin ang kanyang pagdating.
Napayuko ako. Hindi ko alam kung bakit hinihintay ko pa siya, pero kasi... Alam kong totoo siya. Bwisit! Mababaliw na ako!
Habang nakayuko ako, bigla kong nakita ang supot ng tinapay, agad ko 'tong dinampot at napatingin sa paligid, may isang Janitor ang naglilinis sa labas ng Clasroom, saka ako kininditan at ngitian.
Hindi ko maiexplain ang nararamdaman ko. Hawak ko parin ang supot ng plastik, isang plastik ng tinapay na binigay ko sa kanya bago siya magsimulang magkwento. Tama nga ako, sabi ko na e. Totoo. Sobrang totoo siya. Pero hindi ko parin maiwasang kabahan dahil hindi ko maipaliwanag kung paano nangyari ang lahat ng 'to.
--
"Anak, masaya ako sa Nanay mo. Sino bang Aries 'yang sinasabi mo?" Tanong ni Papa sa'kin. Hindi ko na talaga maintindihan ang nangyayari.
"Pa, tumingin ka sa mata ko."
"Anak, ano bang nang—"
"Dali na pa."
Tumingin siya sa mata ko at inulit ko ang tanong. "Sino si Aries?"
Nakailang lunok siya bago magsalita, ramdam ang mata niyang nagluluha at maging ang pagtibok ng kanyang dibdib ay naririnig ko. Konti pa, alam kong totoo 'to. Alam kong totoo siya.
"Anak." Hinawakan niya ang dalawang braso ko. "Hindi ko kilala si Aries. Walang Aries sa buhay ko. Hindi na tama 'to ah? Binabastos mo na Tatay mo."
Napabuntong hininga ako. "Sorry, Pa."
Sobrang nadismaya ako sa sinabi ni Papa, walang Aries? Walang Jc? Walang Larynx? Sino ang mga 'yun? Akala ko si Larynx lang ang panaginip, akala ko si Larynx lang. Lahat pala sila.
Lumipas ang mga araw ay hindi ko na rin pinagaksayahan ng panahon ang paghahanap ko sa kanila. Ngunit hindi gano'n kadali ang paghihiwalay nila sa utak ko. Nakatatak sila sa aking puso maging sa aking isipan. Hindi na sila mawawala.
Habang lumalaki ako, naiintindihan ko na ang lahat. Marahil binibigyan tayo ng isang malaking panaginip para makaalis tayo sa magulong mundo. May mga bagay o tao talagang hanggang sa panaginip mo na lang makikita, hanggabg panaginip lang.
People are always come and go, aalis rin pagkatapos dumating. Gano'n siguro ang buhay, weird. Pero sa weird na panaginip na 'yun ang daming kong nalaman.
Na hindi lang ang kwento ng babae't lalaki ang nag-eexist, maging ang dalawang lalaki o kahit dalawang babae. Love is always not about the gender, at kahit saang lupalop ka pa o kahit engkanto ka pa, o kahit namaligno ka pa, kapag dumating na ang 'love' na sinasabi ng iba, it conquers all.
Dumating ang mga araw at buwan, may isang tao akong hindi kalalimutan. Itong si JC, ang kasama ko sa paglalakbay patungo ng ibang mundo, ng ibang mukha ng pag-ibig at ibang mukha ng pagkamtan nito.
Si Jc at ang kanyang kwentong kahit kailan walang sino man ang nakakaalam.
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
RandomChromia Series A pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Adamant sasuke21uzumaki BookSwaggin eiramslove FrustratedAtheist gingerbreadmans ...