Larynx, the Somnium

34 3 0
                                    


KABANATA DALAWA:

Larynx

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na siyang tinitingnan, hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na naglapat ang aming labi. Hindi ko rin alam kung ilang beses na kaming nagnaig, ang mga kamay niyang nasa aking likuran habang ang aking paa ay nakapulupot sa kanyang baywang.

Ilang beses na na'min 'to ginawa, ilang beses na namin pinamukha sa tao na ito kami at wang sino man ang maaring makapipigil pa. Bagama't gano'n, hindi ko na rin mabilang kung ilang beses ko siyang minahal, hindi ako nagsasawa at ito'y nagpapatuloy. 'Tila isang gaserang kahit anong hipan ay hindi mamamatay, parang isang kandila na kahit may sindi ay hindi matutunaw, ito 'yun. 'Yung pagmamahalan na kahit kailan ay hindi mabibigo.

Dalawang araw matapos ang isang taon, kay bilis ng araw sa kanila, tila isang minuto ang pagpapalit ng liwanag at dilim. Nakatingin siya sa malawak na kalangitan habang ako ay hindi magsasawang titigan siya. Ang kanyang mukha na tila isang anghel na kung saan man lang bumagsak, bumagsak mula sa aking puso.

Kapag nararamdaman ko ang pagtibok ng aking puso sa kanya, nagsasabi ito na wala akong pake kung ano ang mangyayari, hindi ko na iniisip ang bukas, ang mahalaga sa'kin kung ano ang tumatakbo sa ngayon at alam kong talaga namang maapektuhan ang kinabukasan.

Natatakot? Oo, sino ba naman ang hindi matatakot kung nakita ka ng isang normal na tao na natutulog sa isang puno, naaalala ko na naman kung paano kami nagkakilala. Tatlong dekada na rin ang nakalilipas.

"Hoy!" Nagulat ako ng biglang may sumigaw, agad akong napapitlag at napatalon sa sangang tinutulugan ko.

"Putang ina! Maligno nga!" Nanlaki ang mata ko ng makita ko siyang may hawak na malakinh kahoy patungo sa'kin, aktong papaluin ako,

Sa sobrang bilis ng patakbo niya, hindi niya napansin 'yung harang na malaking ugat sa puno, nahulog siya papunta sa'kin at nagpadaus-dos kami pababa ng puno.

Ang ingay-ingay niya that time, para siyang batang mukhang napadpad sa lugar na kung saan nakita na niya ang isang fairytale land na ikinukwento ng kanyang ina.

Pinipilit niya akong iuwi sa kanila, ang gago ko daw, tang ina ko, king ina ko dahil dinala ko daw siya sa lugar ko. E, siya nga ang napadpad sa lugar ko e. Dinala niya ang sarili niya sa'kin, at hindi ko 'yun kasalanan.
Hindi ko siya binalik sa kanila kaagad, at hindi ko rin alam kung papaano that time, ang hirap-hirap hagilapin ang daan papalabas patungong mundo nila, ng normal na mga tao.

Kakaiba siya, para siyang baliw dahil madalas niyang kinakausap ang sarili niya. Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa kaingayan niya o matutuwa na lang dahil sa sobrang pag-aalala sa libre daw ng kanyang kaibigan. Minsan, matatawa na lang ako kahit na gustong-gusto ko ng mainis.

"B-bakit mo ko tinitingnan?" Tanong niya sa'kin, naibaling na pala niya sa'kin ang kanyang atensyon. "Wala lang irog ko, dalawang araw na lang mawawala ka nasa'king muli.."

"'Wag ka ng malungkot, maraming araw mo na akong nakasama, isang araw lang naman ang katumbas ng isang taon rito e, kaya na'tin 'yan.."

Napatayo ako, nag-isip ako habang nakatingin sa kalangiyan, iba ang ayos ng mg bitwin ngunit sobra itong maganda at bagay-bagay sa kulay lila na kalangitan. Napabuntong hininga ako.

"Irog ko, may gusto akong sabihin.." Tiningnan niya lang ako habang nakahiga siya, kuno't ang kanyang noo. "A-ano?"

Muli akong bumuntong hininga, sana pumayag siya sa aking nais,

"Gusto kong makapunta sa inyong mundo.."

~*~

"Alam ko na 'yan." Sabi ko sa kanya, nandito kami sa canteen kung saan kanina niya pa pinagpapatuloy ang pagkukwento niya, tama ang kutob ko. Alam ko na ang kwentong 'yon.

"P-paanong?"

"Isa 'yang kwento ng pagpapakatanga.."

"H-hindi lang 'to basta tungkol sa pagpapakatanga, tungkol rin 'to s-sa.. Sa.."

Tumaas ang sulok ng aking labi. "Tungkol saan? Sa bakla 'di ba?" Napayuko siya kaya napangisi ako.

"Bakla ka ba?-" nahuli ko na lang ang sarili kong nakayukong nakatagilid ang ulo ko.

"Fuck you!" Sigaw niya sa'kin matapos niya akong suntukin sa mukha. Putang ina, ano bang problema nito? Totoo naman ang sinasabi ko ah?

"B-bakit? Totoo naman ah? Tungkol 'yun sa kabaklaan ng dalawang tao. Hindi 'yan totoo! Kaya sigurong walang naniniwala sa'yo kasi magaling kang imbentor!"

Kita ko ang panlilisik ng kanyang mata, kitang-kita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao, bigla akong natauhan ng makita siya sa gano'ng posisyon. Unti-unti niyang pinakawalan ang yukom niyang kamao. Unti-unti niya rinh inaalis ang pagkakatali ng kanyang kilay, aaminin ko. Kinakabahan ako sa susunod na mangyayari.

Biglang umarko ang kanyang kilay at tumaas ang sulok na bahagi ng kanyang labi.

"Wala kang alam.." Sabi niya sa'kin at dumiretso na sa paglalakad patungong classroom. Saka lang bumalik ang tapang ko ng mawala siya sa paningin ko.

Napatingin ako sa maraming tao, kanina pa pala sila nakatingin sa'ming dalawa. Bumuntong hininga na lang ako at naglakad patungong classroom. Hindi ko mawari kung bakit gano'n na lamang ang kuryusidad ng aking isipan sa ikukwento niya gayong alam ko naman na ang tunay na kwento. Bwisit.

~*~

"Irog ko ano ba 'yang sinasabi mo?" Takang tanong niya sa'kin. Sinasabi ko na nga ba at hindi niya ako maiintindihan. Bumuntong hininga ako.

"Wala, Irog ko. Tara na umuwi na tayo, kailangan na tayo si Anang.."

Hindi ko maintindihan pero nakaramdam ako ng lungkot, pakiramdam ko pinagkakait niya sa'kin ang kanyang mundo, para bang ang laki kong katakot-takot para hindi niya ako payagan na pumunta sa kanyang mundo.

Sinabayan niya ako sa paglalakad at maya-maya ang pagbubuntong hininga.

"Irog, napag-usapan na na'tin hindi ba?" Sabi niya sa'kin habang mabilis akong naglalakad.

Hindi ko siya pinansin habang patuloy ako sa paglalakad, kahit isang araw lang naman e. Gusto ko lang maranasan ang ibang mundo. Nasasawa na lang ako palagi silang nakikita.

"Irog.." Hindi ko parin siya pinansin.

Tanaw ko na ang bahay na'min mula sa nilalakarin na'min, naglakad ako ng mabilis para hindi na niya ako maabutan.

Nagulat ako ng bigla niya akong harangan at halika sa noo. Nginitian niya ako at ginulo ang aking buhok.

"Oo na, pupunta na tayo.."

Sumilay ang ngiti sa aking labi, ng marinig kong sabihin niya 'yun sa'kin. Ngunit isa pa ang pinaka nakakainis sa lahat, halikan niya lamang ako ay mawawala na agad ang tampo at galit ko sa kanya, ito siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit patuloy ko siyang minamahal araw-araw.

Niyakap niya ako. "Sorry na.."

Hinalikan ko siya ng marahan sa kanyang labi at paulit-ulit na binabanggit ang saltang mahal na mahal kita.

-+-+-+-+-

CHROMIA SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon