Lucian Vergilius P.O.V
Naguguluhan ako at hindi maintindihan kung bakit ilang araw nang aligaga at hindi mapakali ang aking Frate. Oo, tinawag ko siyang Frate upang hindi siya maghinala na may iba pa ako'ng plano para sa kanila. Ang ikinatataranta nito ay ang pag-balik ng aking Dragā sa umampon dito upang magpaalam sa binabalak nitong pag-lalakbay. Nais sana nito na samahan si Pika ngunit ang pupuntahan nito ay ang mga Lobo. Hindi bukas ang mga ito sa mga nilalang na tagalabas at hindi kasama sa mga nilalang na sa tema ng mga Lobo ay ampon nila. Hindi rin aki maaari dahil ang mga Lobo o Wolf Pack sa tema ng mga mortal ay hindi kasundo ng mga bampira na tulad ko. Vampire.
Nagsisimula na akong mairita sa totoo lang dahil masyadong malalim ang mga salita ni Pika at napipilitan akong magsalita din ng ganoon kahit pa napakahirap. Oo, hundred years na akong nabubuhay pero anong magagawa ko? Nabuhay ako sa labas ng isla at sumabay sa pagbabago ng sibilisasyon. Sa point of view ng ibang mga bampira ay bata pa ako, pero sa edad ng mga mortal ay napakatanda ko na. Kahit pa! Sanay na ako sa modernong pamumuhay at nakakabaliw ang mga salitang makaluma. Sinubukan ko rin naman gamitan ng makabago si Pika ngunit hindi niya naintindihan ang sinabi ko.
"Naiirita ka na?" Kunot man ang noo ay halata at mababasa parin sa mukha ni Ila ang pag-aalala para kay Pika nang sabihin niya iyon. Dahil sa pagkainis ay sinabi ko na dito ang totoo.
"Ikaw? Hindi ka ba sanay sa modernong pananalita? Gaya ng mga salita ng mga mortal sa labas ng isla? Mababaliw na ko kay Pika!" Pagmamarakulyo ko dito. Alam ko na hindi maipinta ang mukha ko dahil sa inis. Bumuntong hininga naman siya at saka umiling-iling habang nakapameywang.
"Namuhay na nakatago sa sibilisasyon si Pika kaya ganiyan siya. Ang buong tribo nila ay ikinulong ang sarili nila sa pinakamasukal na gubat nitong isla upang hindi sila matagpuan nino man. May kinalaman 'yon sa nakaraan ng lahi nila. Pero ako, marunong ako ng lengwahe sa labas dahil nakikisalamuha rin kami sa tuwing kailangan namin ng mga produkto, katunayan marunong ako'ng gumamit ng mga gadget nila kaso hindi pwede dito ang mga yon." Pagkatapos niyang magsalaysay ay malakas siyang tumawa matapos titigan ang aking mukha. Bakit? Dahil nakanganga ako at nanlalaki ang mga mata sa aking nadinig.
"Bunătate! (Goodness!) Bakit hindi mo sinabi agad? Pinahirapan mo pa 'ko!" Iritadong bulyaw ko sa kaniya. Nasaan na ba ang walang silbing Rozător(rodent) ko?
Teka...
"Saan ka pupunta? Dragoste!(love!)"
"Wag mo 'kong tawaging dragoste, babalik ako bukas ng gabi dahil kukuha ako ng mga dadalahin natin sa paglalakbay. Hintayin mo dito si Pika at huwag ka'ng aalis dito." Sagot at utos narin niya. Ako naman ang napabuntong hininga.
Kasalukuyan na tumutuloy kami sa isang maliit na kubo na aming natagpuan di kalayuan sa puno ni Horus. Muli ay bumuntong hininga ako nang parang bula na nawala na lamang siya sa aking harapan. Kasing bilis ng kidlat. Paano kaya kung magharap kami? Ako gamit ang aking itinatagong abilidad at siya gamit ang bilis at lakas niya at kung ano man iyong kapangyarihan na itinatago niya. Sumimangot na lamang ako at balak na sanang magpahinga nang bigla ko na lamang maramdaman ang panunuyo ng lalamunan. Binalaan na ako ng aking Ama na kapag aking sinimulan ang pag-inom ng dugo ng tao ay mahihirapan na ako. Magsisimula na ako'ng hanap-hanapin ang dugo na iyon at kahit dugo ng hayop ay hindi magagawang pawiin ang aking uhaw. Hindi rin ako makalalakad sa gitna ng init ng araw at totoo iyon. Ngunit dahil sa galit at pagnanais na makapagrebelde sa aking tată(father) ay ginawa ko. Uminom ako at tumapos ng buhay ng mortal. At simula noon ay nahihirapan na akong pigilian ang aking gutom. Hindi ko na rin magawang lumabas kapag umaga, maliban dito sa isla.
Ipinagtataka ko kung bakit hindi ako nasasaktan sa sikat ng araw dito. Marahil ay sa taglay na kapangyarihan ng mismong isla na pumoprotekta at nagbabantay sa lahat ng uri ng mahiwagang nilalang dito sa loob. At ako bilang bampira ay kasama sa proteksyon na iyon.
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
RandomChromia Series A pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Adamant sasuke21uzumaki BookSwaggin eiramslove FrustratedAtheist gingerbreadmans ...