The Prince's Paramour 5

63 7 0
                                    

CHAPTER 5

Aedrien

Masakit ang mga kalamnan ko dahil sa ilang oras naming pagniniig ni Remus sa kanyang opisina kagabi. Ang ang mainit na tubig kung saan ako nakababad ang nagpapawala ng sakit ng katawan ko. Nakailang ulit ba kami kagabi? Hindi ko na matandaan. Ni hindi ko maalala kung may pagkakataon bang naglabas sya ng kanyang binhi sa aking puwerta dahil nawalan na ako nang malay sa aming ikahuli, habang gumagalaw pa sya sa aking likura.

Sampung taon na.

Sampung taon ko nang kasama si Remus. Sampung taon ko na syang kasama sa aking buhay. Mas matagal pa ang aming pinagsamahan kesa sa aking pamilya. Sampung taon ko na ring inililihim sa kanya ang aking tunay na pagkatao. Kung ano ang tunay na ako.

Ilang beses ko na ring sinubukang magsabi sa kanya ngunit sa tuwina ay nauunahan ako ng takot at pangamba. Ng mga posibilidad na baka hindi nya ako matanggap o kaya ay ipabalik nya ako sa Chromia. At kung sakali man na mangyari iyon, natitiyak ko na hindi na ako tatanggapin ng aking lahi maging ng aking pamilya. Maaari ngang itinuring na nila akong namayapa na.

Masaya naman ako dito sa piling ni Remus kahit na hindi ako pinapayagan ng mahal na prinsipe na mamasyal sa labas ng palasyo. Minsan lang nga ako makalabas sa silid. Iyon ay kung ipapatawag nya ako sa kanyang opisina o kaya ay sa aklatan ng palasyo. Mahilig akong magbasa dahil tinuruan ako ni Angelica sa utos na rin ni Remus. Mas gusto ko pa nga ang magbasa kesa sa manuod ng telebisyon dahil sa pagbabasa, nagkakaroon ako ng pagkakataong makakilala pa ng ibang nilalang o kaya ay makapasyal pa sa ibang lugar kahit na sa totoong buhay ay sina Remus at Angelica lang ang aking nakakasalamuha. Paminsan-minsan din kapag wala akong ginagawa ay kinakausap ko ang mga halamang yumayabong na sa balkonahe ng aming silid. Nakiusap ako kay Remus na wag silang putulin at napakasaya ko nang pagbigyan nya ako.

Habang lumalaki ako ay unti-unti na ring lumalakas ang aking kapangyarihan. Ginagamit ko ang mga ito upang itago kina Angelica at Remus ang aking tunay na anyo. Ayokong matakot sila sa talas ng aking mga tenga. Mayroon din akong kapangyarihang lumipad ngunit dahil sa kawalan ng pagkakataong makapag-ensayo, wala rin itong naging silbi. At sa paglipas ng mga taon, lalo pang nadepina ang aking itsura at katawan. Lalo pang pumuti ang aking balat, kuminis ang aking kutis, tumingkad ang pagkabughaw at pagkatsokolate ng mga kulay ng aking mga mata. Tumangos pa ang aking ilong at pumula pa ang aking mga labi. Madalas ngang matulala sa akin si Remus. Madalas nyang sabihin kung gaano ako kaperpekto, kung gaano sya kasuwerte na natagpuan nya ako at naging pag-aari. Naging madalas din ang pagbibigay nya ng mga bagay na labis kong ikasasaya katulad ng mga damit at alahas. Masasarap at masusustansyang pagkain ang lagi naming pinagsasaluhan upang lumaki daw akong malakas at malusog.

Ngunit kaakibat ng paglakas ng aking katawan at kapangyarihan ay ang pagkadepina rin ng obaryo at bahay-bata sa loob ng aking katawan. Nagkaroon ako ng sinapupunan at maaari na akong magdalang-tao. At iyon ang pinakakinatatakutan ko. Ang magkaroon ng supling sa aking katawan dahil iyon ang magbubukas ng aking lihim. Iyon ang magpapatunay na hindi ako ordinaryong tao. Magagalit sa akin ng lubusan si Remus kapag nalaman nya ang totoo.

Oo nga at mahal nya ako, mabait sya sa akin. Ngunit sa loob ng sampung taon, alam ko na kung gaano sya kalupit. Alam kong maraming buhay na rin ang kanyang sinupil sa pamamagitan ng kanyang mga kamay. At yun ang lalo pang nagpatindi ng takot ko.

"Mahal na Aedrien, maaari ko na bang alisin ang maruming tubig at ibuhos ang gatas na lalo pang lilinis sa iyong balat?" Napalingon ako kay Angelica na kapapasok lang sa banyo. Tumango ako sa kanya at ngumiti. Pinanuod ko ang ginagawang pagpihit ni Angelica ng ilang seradura. Unti-unti nawala ang tubig. Pagkatapos ay ibinuhos nya nang dahan-dahan ang ilang balde ng gatas na pumuno sa paliguan na aking kinahihigaan.

CHROMIA SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon