PROLOGO
Prologue
"Mahal na hari parating na po ang mga guardian!" Sigaw ng isa sa mga aming kawal.
"Isarado ang trangkahan at tirahin sila ng pana mula sa itaas, ngayon din!" Utos ng aking asawa sa mga kawal na nag hihintay ng kautusan mula sa kanilang hari.
"Masusunod po mahal na hari." Tugon ng heneral at lumabas na sila ng himpilan ng hari.
"Mahal ko umalis na kayo rito sa kaharian, itakas mo ang anak natin, siya ang magiging huling lahi ng Corth." Utos ng asawa ko.
"Paano ka naman aking mahal?" Tanong ko ng may mabigat na pagaalala.
"Lalabanan ko sila mahal upang makita nila na ako ang isang uri ng hari na hindi umaatras sa laban. " Matigas at may paninindigan na tugon ng aking asawa.
"Mag iingat ka mahal, sisiguraduhin kong maililigtas ko si Earth." Wika ko saka linisan na ang himpilan ng hari bit-bit ang anak naming si Earth.
"Mag-iingat kayo ng anak ko aking mahal." Hinalikan niya ako sa noo tanda ng pag-ibig na kahit kailan ay hindi matatapos.
Mabilis kaming lumabas ng kaharian suot ang itim na tela upang maitago ang pagkakakilanlan namin ng anak ko. Tumakbo ako nang tumakbo palayo sa lugar kung saan nag umpisa ang lahat.
Nanigas ang buo kong katawan nang biglang lumitaw sa aking harapan ang imahe ng hari ng Chromia.
"Balak mo bang tumakas reyna Elenor?" Wika ng demonyong hari ng Chromia. Ikinainis ko ang pag hagod ng kanyang palad sa'king pisngi.
"Bakit mo ba ginagawa ito sa lahi namin?" Tanong ko sa lalakeng nasa harap ko.
"Reyna Elenor... wala naman talaga akong balak sakupin ang inyong kaharian dahil walang kwenta ang sinasabi niyong lahi, ilang beses nang tumanggi ang bobo niyong hari na ipakasal sa'kin ang nagiisa niyong anak kapalit ng isang pribilehiyo. Pribilehiyo na malaya nang makakapunta ang mga taga Corth sa punong lungsod ngunit pinagtitigasan ng walang kwenta mong asawa ang kanyang desisyon kaya wala akong nagawa kundi sakupin ang walang kwenta niyong kaharian."
"Ngunit napaka bata pa ng aming anak."
"Wala akong pakialam reyna Elenor. Akin na yang anak mo!" Pilit niyang kinukuha ang bitbit kong sanggol pero nagmamatigas ako na wag ibigay sa kanya.
"Hindi mo siya pwedeng makuha!" Tumakbo ako palayo sa kanya nang makabitaw siya sa amin at kinuha ko ang gintong tela mula sa aking bulsa gamit ang kabila kong kamay saka mabilis ko iyong binalot kay Earth. Lumipad na siya sa taas at hindi ko na alam kung saan na siya dadalhin ng tela sana mapunta siya sa mga mabubuting kamay at palakihin siya na may mabuting puso.
"Hayop ka Elenor! Sa'kin lang dapat ang anak mo!" Sigaw niya saka niya sinaksak ako sa tiyan gamit ang kanyang punyal. Paalam na sa mundong malupit.
=♡==♥==♡==♥=
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
RandomChromia Series A pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Adamant sasuke21uzumaki BookSwaggin eiramslove FrustratedAtheist gingerbreadmans ...