CHAPTER IV: Death of the Kings
Nang makarating sa loob ng palasyo sila haring Henix at ang mga kasama nitong hari na kasama din ang mga anak nito ay agad silang dumiretso sa silid kung saan madalas ginagawa ang mga pagpupulong, di pa man din sila nagtatagal na nakapasok sa loob ng silid na iyon ay siya namang agad na pagdating ni Hathos kasama si Xeneon na di niya pa rin binibitiwan ang pagkakahawak sa kamay nito.
"Ama kong hari!" ang buong siglang bati at pagtawag ni Hathos sa kanyang amang hari na si Henix.
"Hathos! Ikaw na ba yan?" ang tanong ng isang magandang babae na ang mga mata ay bughaw na bughaw tulad ng dagat, nakaupo ito sa tabi ni haring Triton na hari ng Neptuna, hari ng lahi ng mga nilalang na kawangis ng tao na naninirahan sa ilalim ng dagat na iba sa mga sireno at sirena, mas kilala bilang merpeople.
"Lorelei?" ang tanging nasabi ni Hathos nang makita niya ang magandang binibini sa silid na iyon.
"Teka bakit para namang gulat na gulat ka yata na makita mo si Lorelei?" ang tanong naman ng isang binate na nakasuot ng itim na kasuotan, na nakaupo sa tabi ni haring Gregory na hari ng Albasia, hari ng lahi ng mga sorsero at sorsera na ang ginagamit ay ang itim na salamangka.
"Hindi lang siguro talaga siya natutuwa na makita tayo na narito, grabe di ko akalain na ganyan ka pala sa amin Hathos." Ang pabiro namang sabi ng isa pang binibini na ang mga mata ay tulad ng sa ahas ngunit sa halip na magdulot ng kilabot ay nakadagdag ito sa kanyang kagandahan, nakaupo ito sa tabi ni haring Fhospor na hari ng Candelus, hari ng lahi ng Salamandras, lahi na may kakayahang mag anyong salamander na nabibilang sa mga banal na espiritu ng apoy.
"Ravi, Wicker, kayo din narito?" ang sabi ni Hathos na parang nagulat pa na makita ang mga kaibigan.
"Narito din ako, baka sakaling hindi mo ako napapansin." Ang sabi ng isang lalaki na may puti at may pagkakulot na buhok at makisig na mukha, na nakaupo sa tabi ni haring Hok na hari ng Avesara, hari ng lahi ng Clotona, mga nilalang na kayang manipulahin ang ulap at naninirahan sa isang lumulutang na isla sa kalangitan kasama ng mga Silpa na espiritu ng hangin.
"Nimbus!" ang sabi ni Hathos na di na maiwasang mangiti, at inilibot niya ang kanyang mata sa silid at di mapigilang matuwa ni Hathosnang makita niya ang isang matipunong binatang Centaurion na nakatayo sa tabi ni haring Legos na hari ng Sagitta, hari ng lahi ng mga Centaurion, mga nilalang na may ulo, katawan, at mga braso ng tao na nakadugtong sa katawan at mga binti ng isang kabayo, kilala sila bilang centaur, at kilala din bilang mga dakilang tagapangalag ng kagubatan.
Napatakbo si Hathos patungo sa kinaroroonan ng binatang Centaurion at niyakap niya ito sa labis na pagkagalak, "Garette! Ang pinakamatalik kong kaibigan! Akala ko di na tayo magkikita pa." ang sabi ni Hathos habang nakayakap pa din sa Centaurion na tinawag niya sa pangalang Garette.
"Ha-ha-ha, pwede ba namang hindi tayo magkita, kaya nga kami narito para makita ka namin muli, sa ating magkakaibigan ikaw lang ang hindi namin madalas nang makasama." Ang sabi ni Garette na nakangiti nang makabitiw na sila sa pagyakap sa isa't isa ni Hathos.
"Sa tingin ko alam ko na ang sagot sa tanong mong iyan Garette." Ang nakangising sabi ni Wicker na nakatingin kay Xeneon, at lahat ng atensiyon ay napunta kay Xeneon.
"Sandali lamang, ikaw sino ka? Ang iyong mga mata..." ang sabi ni haring Henix na siyang napansin agad ang magkaibang kulay na mata ni Xeneon.
"Ah ama kong hari, pasensiya na kung di ko siya agad napakilala sa inyo mga kamahalan." Ang paghingi ng paumanhin ni Hathos sa lahat ng naroon, at lumakad siya ng mahinahon pabalik sa tabi ni Xeneon, "ama siya si Xeneon, isa sa mga Elpa na nakatira sa isla ng Chromia." Ang sabi ni Hathos bilang pagpapakilala kay Xeneon, nabigla naman ang lahat sa nadinig nilang iyon.
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
RandomChromia Series A pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Adamant sasuke21uzumaki BookSwaggin eiramslove FrustratedAtheist gingerbreadmans ...