CHAPTER V: Blood Moon
Nang bumalik na sa kanilang sarili sila Hathos ay marahan silang pumasok sa loob ng silid ng pagpupulong, pansamantala na ibinaba at marahan niyang isinandal sa pader ng silid si Xeneon upang kanyang malapitan ang amang hari na si haring Henix na wala nang buhay. Hindi na napigilan ni Lorelei ang managhoy para sa kanyang amang hari na si haring Triton, habang si Wicker ay pilit na pinipigilang ang pagbagsak ng kanyang luha habang yakap niya ang katawan ng kanyang amang hari na si haring Fhospor. Si Nimbus naman ay tila napako na lamang sa kanyang pagkakaupo sa labas ng silid, habang nakatingin sa kanyang amang hari na si haring Hok. Sila Ravi at Garette naman ay walang kibo lamang na pinagmasdan ang kanilang mga ama, mayamaya pa ay napasuntok si Hathos sa sahig ng silig at napatingin ang lahat sa kanya.
"Isinusumpa ko ama, isinusumpa ko sa mga hari na nasa aking harapan, ipaghihiganti ko ang inyong pagkawala, hahanapin kahit saang lupalop man magtungo ang gumawa nito sa inyo." Ang sabi ni Hathos na nagngingit-ngit sa galit. Nang madinig iyon ni Lorelei ay pinunas niya ang kanyang mga luha at tumayo na tila nabuhayan at nagkalakas ng loob.
"Kung ganoon Hathos ay hayaan mo na sumama ako sa iyo, gagawin ko ang lahat ng aking maitutulong, isinusumpa ko na ipaghihiganti ko ang aking ama." Ang sabi ni Lorelei, at tumayo si Wicker at nag-alab ang kanyang buong katawan at may ilang kaliskis na tila sa isang reptilya ang makikita sa paligid ng kanyang mga mata.
"Kung sasama si Lorelei ay sasama din ako, hindi ako papaya na hindi ko maipaghiganti ang aking ama." Ang sabi naman ni Wicker na binabalot pa din ng apoy.
"Ako din sasama ako." ang sabi ni Nimbus na bahagyang nakakabawi na ng lakas at pinipilit na makatayo, "hindi ko mapapatawad ang sino mang gumawa nito sa aking ama, hinding hindi." Ang sabi ni Nimbus nang makatayo na siya ng tuluyan, at tumingin silang lahat kila Garette at Ravi na tahimik pa din noong mga sandaling iyon, at nabatid naman nila Garette at Ravi ang ibig sabihin ng mga tingin nila Hathos na iyon sa kanila, at isang tango ang sabay na itinugon nila Garette at Ravi na siyang nangangahulugan na sasama din sila sa paghanap sa gumawa ng pagpaslang na iyon sa kanilang mga ama.
"Kung ganoon ay dapat na maghanda na tayo sa paglalakbay, malaki ang mundong ito at maraming lugar ang maaari na pagtaguan ng gumawa nito sa ating mga amang hari, kaya dapat ay ngayon pa lamang ay maghanda na tayo." Ang sabi ni Hathos.
"Hindi niyo na kailangan pang libutin ang mundong ito para lang mahanap siya, dahil nasa isang lugar lamang siya." Ang sabi ni Xeneon bilang pagsabad na hindi nila napansing nagkamalay na pala, at pilit itong tumayo na tila nanghihina pa pero magkagayon man ay nagawa pa din niyang tumayo, at tumingin siya kay Hathos.
"Anong ibig mong sabihin Xeneon, alam mo ba kung saan siya matatagpuan?" ang tanong ni Hathos kay Xeneon, at tumango si Xeneon bilang tugon dito.
"Kung ganoon sabihin mo kung saan siya makikita Xeneon, pakiusap." Ang sabi ni Lorelei, at naglakad si Xeneon papalapit sa mga katawan ng hari, kanyang itinutok ang kanyang kamay sa mga ito at bumulong ng enkanatsiyon, nagliwanag ang mga katawan ng mga napaslang na hari, ang mga sugat nito ay unti-unting naghilom hanggang sa tuluyang maglaho.
"Xeneon, sagutin mo kami, nasaan ang gumawa nito sa mga hari?" ang tanong ni Wicker na tila di na makapaghintay na sagutin siya ni Xeneon, tumingin si Xeneon kay Hathos at muling ibinaling ang tingin sa mga hari.
"Ang pumaslang sa kanila ay nasa islang iyon, ang isla ng Chromia." Ang sabi ni Xeneon bilang sagot, "tulad ng sabi ko ay wala na ang harang sa isla kaya sino man o ano man ay malaya nang makakalabas at makakapasok sa isla. At patawadin niyo ako dahil pakiramdam ko ay ako ang dahilan ng mga ito." Ang dagdag na sabi ni Xeneon.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo." Ang sabi ni Hathos at hinawakan niya si Xeneon sa balikat nito, napatingin si Xeneon kay Hathos at binigyan lamang ito ng isang matipid na ngiti, "maging ikaw ay naging biktima na nitong halimaw na ito kaya ipaghihiganti din namin ang lahat ng mga kasama mo na pinaslang ng halimaw na iyon, pangako yan." Ang dagdag na sabi ni Hathos.
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
RandomChromia Series A pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Adamant sasuke21uzumaki BookSwaggin eiramslove FrustratedAtheist gingerbreadmans ...