Bakit nga ba tayo nagmamahal?
Para lang ba mahalin din tayo ng taong gusto natin?
Para lang ba may maipagmamalaki tayo sa ibang tao?
Para lang ba sumaya tayo?
Para sa akin, ang pagmamahal ay isang matinding damdamin ng tao para sa isang bagay o tao. Ang TUNAY na PAGMAMAHAL ay hindi humihingi ng kapalit o umaasa ng pagmamahal sa taong gusto mo.
Hindi naman natin kailangang mag madali na magkaroon ng kapareha sa buhay dahil naniniwala ako na darating din iyan sa TAMANG PANAHON, TAMANG LUGAR AT PAGKAKATAON. So... may forever!
Pero naiingit na ako sa ibang tao na merong jowa...
Tang ina, paulit-ulit. Kung nangangati ka na talaga. PWES! kamutin mo lang yan!
Pero pwede rin mo namang i-divert ang atensyon mo sa mga bagay na mag e-enjoy ka. Yung magiging busy ka.
So... move on na tayo diyan...
Magbibigay ako ng iilang bagay para maka iwas na masaktan at maka sakit sa pag-ibig.
UNA, wag ka masyadong mag bigay ng kulay sa mga galaw niya. Yung akala mong may gusto siya sa'yo pero para sa kanya pala fwendship lang kayo.
PANGALAWA, wag mo naman paglaruan yung taong trip mo. Wag mo naman siyang paniwalain na may gusto ka sa kanya. ANSAKET kaya mag mukhang tanga!
SERYOSO... may iba diyan na ikinukuwento sa mga kaibigan niya yung mga pa-kilig kuno ng mga nagpapapaasa sa kanya. So please... paki tandaan na lang yung mga bilin sa inyo ng nanay niyo na WAG MANAKIT NG TAO.
PANGATLO, kung sinabi naman sa'yo ng tao na hindi ka niya gusto. PLEASE. Tigilan mo na kung ayaw mo pang maka tikim ng mga salitang ikakadurog ng puso mo.
LASTLY, Kung pareho na kayong nag sabihan ng "Mahal kita" o "I love you". Paki double check lang kung totoo ba yung nararamdaman mo para sa kanya. Tanungin mo ang sarili mo nang "mahal ko pa ba siya?" kung hindi ang sagot mo parang awa mo na... tigilan mo na yan. Malamang. May masasaktan sa inyong dalawa.
Katulad na lang nila Earth at Prinsipe Henna...
Nag lapit ang aming mga mukha. Dumampi ang labi niya sa labi ko. Pero wala akong nararamdamang pag-ibig. Bakit ganoon?
Kumalas agad siya. "Hindi na kita mahal prinsipe Henna. Hindi pala pag-ibig ang nararamdaman ko para sa'yo."
Parang madudurog ang puso ko nang ma-sambit niya ang mga katagang iyon.
"P-pero bakit natin ginawa ang lahat ng ito?" Untag ko sa kanya. Umiwas siya ng tingin sa akin.
"Akala ko kasi mahal kita. Hinahangaan lang pala kita prinsipe Henna." Sa bawat salita niya ay parang katumbas na ito ng isang saksak ng punyal.
Nag umpisa nang magsi tulo ang mga luha ko sa lupa. Pinaasa lang niya ako.
"Hayop ka! sabi mo sa'kin mahal mo ako!" Sigaw ko sa kanya kasabay ng pag tulak ko sa dibdib niya.
"Patawad pero hindi talaga kita mahal Henna." Wika niya at tumalikod na sa akin. Nawala na siya sa lugar na ito.
Nagsisisi na ako ngayon na nagpa uto ako sa kanya. Hindi pala talaga niya ako gusto.
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
De TodoChromia Series A pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Adamant sasuke21uzumaki BookSwaggin eiramslove FrustratedAtheist gingerbreadmans ...