Sa kaharian
Sinabi ko pa rin kay ama na mas mahal ko ang lalakeng iyon ngunit nakatanggap ako ng isang malakas na sampal. Mahal na mahal ko talaga siya kahit sa mahika lang nang isa sa mga heneral ni ama ko siya nakita. Nararamdaman kong isa siyang mabuting tao at alam kong mamahalin niya ako habambuhay, ganun din gagawin ko kung sakiling maging asawa ko siya. Kumapit bigla ang takot sa aking puso dahil naramdaman kong may taong nakapasok sa aking kulungan, kasing bilis rin ng pagtakbo ng kabayo ang pag-tibok ng puso ko. Ano ba ang pakiramdam na ito?
"S-sino ka?" Nangangatal kong wika... nararamdaman kong malapit na siya sa akin. "Natatakot na ako..."
"Wag ka nang matakot prinsipe..." Isa siyang lalake. Napaka ganda ng kanyang boses, lalakeng-lalake.
Nagulat ako dahil nakita ko ang mata niya mula sa kapirangot na liwanag na nanggagaling sa bintana ng kulungan. Tumibok ang puso ko nang abnormal dahil ang matang iyon ay pagmamayari ng taong mahal ko.
"I-ikaw?"
"Kilala mo na ako?" Untag niya "paano?"
"Nakita namin ang pinakawalan mong kapangyarihan kanina kaya ipinahanap ni ama ang mukha mo sa isang heneral kaya nakita ko ang mukha mo..." Napatigil ako sa pagpapaliwanag dahil naisip ko yung mga panahon na tumubok ang puso ko nung nakita ko ang imahen niya.
"Bakit ka napatigil prinsipe?" Pilyo niyang tanong.
"W-wala" Tanggi ko para hindi na niya ito ungkatin pa.
"Nakakatuwang isipin dahil may tangka rin palang lusubin ng kaharian ang District Zero..."
"Anong ibig sabihin mo ginoo?"
"May balak din lusubin ng District Zero ang kaharian bilang isang paghihimagsik laban sa lideratura ni haring Efraim."
"Ano!? ayaw ko pang mamatay ginoo... iligtas mo ako." Pagmamakaawa ko sa kanya.
"Ililigtas kita... mahal."
"Totoo ba ang narinig ko?" Nagulat ako dahil tinawag niya akong mahal.
"Oo prinsipe Henna, oo nga pala ako si Earth Sebastian..." napatigil siya sa pagsasalita at tumawa siya ng malakas. "Hahahaha!"
"B-bakit ka natatawa Earth?" Aking tanong.
"Dahil napaka ganda mo..."
Lumabas na siya mula sa dilim at mas lalong nadagdagan ang kabog sa aking dib dib.
"At napaka gwapo mo... Earth"
Ibinaba niya ang damit ko panitaas ng dahan dahan at unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
"H-hindi pa ako handa Earth..." Nagaalala kong wika. Hindi pa ako handa para sa ganitong bagay.
"Magtiwala ka sa'kin prinsipe... hinding-hindi kita sasaktan. Pangako." Wika niya nang may mabanayad na boses at talaga namang nakakaanghina ng sistema.
Hinalikan niya ako sa labi na mas lalong nagpa bilis ng tibok ng aking puso. Napaka sarap sa pakiramdam na kasama mo ang taong mahal mo sa iisang silid...
"Mahal na mahal kita Earth." Sambit ko sa kanya na ikinangiti niya.
"Mas mahal kita prinsipe Henna." Saka niya ako hinalikan ng mariin muli sa labi.
Dahan-dahan akong ihiniga ni Earth sa sahig kaso napa tigil siya sa ginagawa niya...
"Bakit ka napa tigil Earth?" "Ituloy mo lang" Nginitian ko siya.
Pumatong siya sa akin saka hinalikan ako sa labi pababa at natapos ang aming gabi nang masaya kaso kinakailangan na niyang umalis dahil bukas na kami maghaharap.
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
RandomChromia Series A pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Adamant sasuke21uzumaki BookSwaggin eiramslove FrustratedAtheist gingerbreadmans ...