The Prince's Paramour 9

55 5 1
                                    

REMUS

Magwawalong buwan nang wala si Aedrien sa palasyo. Magwawalong buwan na rin simula nang ako ay magkaganito. Walang kinakausap. Walang direksyon ang buhay. Walang ibang ginagawa kundi ang magparusa, manakit at pumatay. Kaunting pagkakamali lang ng aking mga nasasakupan ay kagyat nang nag-iinit ang ulo ko. Hindi na kailangan pang magsalita. Agad ko nang ilalabas ang latigo at sisimulan ang pananakit ko. Wala akong pakialam kung babae man o lalaki ang pinaparusahan ko. Ang importante sa akin ay mailabas ko ang init ng ulo ko.

Ilang beses na akong kinausap ng aking ama. Ipinayo nyang maghanap na daw ako ng prinsesang papawi sa aking kalungkutan. Ngunit hindi ko sya sinasagot o pinakikinggan man lang. Bakit ako makikinig sa kanya kung hanggang ngayon, isa sya sa sinisisi ko sa pagkawala ni Aedrien? Kung prinotektahan lamang nya ito, narito pa rin si Aedrien sa piling ko. Ni hindi ko nga makita ang anumang pag-aalala sa kanya sa pagkawala ni Aedrien.

I started doubting my father. Ngunit wala pa akong makuhang sapat na ebidensya para patunayan na may kinalaman sya sa pagkawala ng aking si Aedrien. I also suspect na lahat ng naganap noong araw na mawala si Aedrien ay isang palabas lang. Ngunit tuwing iniisip ko ang mga nasaktan at namatay na mga kawal ng kaharian, nababawasan ang mga pagdududang iyon.

I pour out my frustrations to the men who are until now, doubt on my capacity as the next king of Helca. Kung noon ay kontento na akong mapatay ko sila agad, ngayon pinapahirapan ko muna sila. I make sure na mauubos muna ang dugo nila bago sila lubusang malagutan ng hininga.

Hindi rin ako tumigil sa paghahanap kung nasaan ang mga bandidong kumuha kay Aedrien. At uubusin ko ang lahat ng kayamanan ko maibalik lang sya dito sa palasyo.

Ang mga yan ang aking pinagkakaabalahan kapag sumikat na ang araw hanggang sa lumubog ito. At sa gabi, wala na akong ibang ginawa kundi ang alalahanin ang bawat gabi na magkasama kami ni Aedrien sa aking silid. Paulit-ulit kong pinaglalaro sa aking isipan ang araw na una ko syang makita, ang sandali noong una ko syang angkinin, ang araw na napagtanto ko na mahal ko na sya. Hinding-hindi ko makakalimutan ang kanyang pag-iyak, ang kanyang pagngiti at pagtawa, ang kanyang ungol sa tuwing inaangkin ko sya, ang pagsigaw nya sa aking pangalan tuwing nararating nya ang sukdulan ng aming pagniniig. Kumusta na kaya sya? Sana nakatakas sya sa mga taong nagtatago sa kanya. Sana hindi sya tuluyang napahamak. Sana ligtas sya at buhay pa.

Aedrien... nasaan ka na? Bumalik ka na sa piling ko. Sobra na akong nananabik sayo. Gusto kong maramdaman ang mga yakap mo at halik. Gusto kong muling masilayan ang iyong mga ngiti. Gusto kong muling marinig ang iyong pagtawa.

Pangako, hahanapin kita. Hindi ako titigil hanggang hindi kita naibabalik dito. At sa pagbabalik mo, mahal ipinapangako ko na magpapakasal na tayo dito sa palasyo. Gagawin na kitang kabiyak ng aking puso.

Dahil sa hindi ako dalawin ng antok ay lumabas ako ng aking silid upang pumunta sa aking opisina. Naglalakad na ako patungo doon nang may makita akong anino na naglalakad patungo sa silid ng aking ama.

Sino iyon? Sa mga oras na ito ay natitiyak ko na tulog na ang lahat ng nasa loob ng palasyo maliban sa akin. Maingat at walang ingay kong sinundan ang anino na nakilala kong si Ibami, ang kanang kamay ng aking ama.

Gabing-gabi na. Ano ang kailangan nya sa hari sa ganitong oras. Nang makita kong pumasok na sya ay mabilis akong nagkubli sa pintuan na bahagyang bukas. At mula doon ay narinig ko ang kanilang pag-uusap.

"Ibami, nakausap mo na ba ang hari ng Eskat para sa pagbakasyon ng kanilang prinsesa dito sa kaharian?" Tanong ng hari.

"Oo, mahal na hari. Sisimulan na nila ang paglalakbay papunta dito sa kaharian bukas ayon sa mensahero ng kanilang palasyo." Nagdikit ang mga kilay ko sa naging kasagutan ni Ibami. Iyon pala ang dahilan kumbakit isang buwan mula nang mawala si Aedrien ay may mga dumadalaw ng mga prinsesa dito sa palasyo mula sa iba't ibang kaharian. Akmang papasok na ako upang sumali sa kanilang pag-uusap nang magpanting ang tenga ko sa sumunod na sinabi ni Ibami.

"Hanggang ngayon, dinaramdam pa rin ng prinsipe ang pagkawala ni Aedrien. Kumusta na kaya ang batang iyon? Wala na akong naging balita mula nang ipatapon natin sya pabalik sa Chromia." Nanlaki ang mga mata ko. Sila ang dahilan ng pagkawala ni Aedrien?

"Wag mo nang abalahin pa ang isip mo tungkol sa nilalang na yun. Dapat lang na mawala na sya nang tuluyan sa buhay nating lahat dahil hanggang naririto sya, hindi magiging hari ang aking anak. Halika..." Hindi ko na pinakinggan pa ang mga sumunod na sinabi ng aking ama. Nakumpirma na ng mga narinig ko ang aking hinala na may kinalaman nga sya sa pagkawala ni Aedrien. Pasugod akong pumasok sa silid upang matigilan sa eksenang aking naabutan. Magkayap at naghahalikan ang aking ama at si Ibami!

"Ano ang ibig sabihin nito?!" Dumagundong sa silid ang malakas kong boses.

"May relasyon kayo?!" Muli kong sigaw nang wala ni isa sa kanila ang sumagot sa una kong katanungan.

"Remus, anak, magpapaliwanag ako." Hinila ng aking ama si Ibami upang itago sa kanyang likuran.

"Sapat na ang aking nakita para sagutin ang aking tanong, ama. Mas interesado akong malaman kung ano ang naisip nyo at ginawa nyo iyon kay Aedrien." Humihingal sa galit na angil ko sa aking ama.

"Hadlang sya sa pagiging hari mo, Remus!"

"Ikaw ang hadlang sa pagiging hari ko, ama!" Nanunumbat kong singhal sa kanya.

"Wag mong pagsalitaan ang hari ng kabastusan!" Galit na pakikialam ni Ibami. Hindi nag-iisip na sumugod ako sa kanya. Itinulak ko ang aking ama bago nagpakawala ng suntok patungo kay Ibami. Naglaban ang aming lakas. Mas bata ako, mas malakas at mas galit. Ilang sandali pa ay tuluyan ko na sya nagapi.

"Remus!" Sigaw ng aking ama. Napalingon ako sa kanya at nakita kong isasaksak nya sa akin ang kanyang espada. Gumulong ako palayo. Huli na para mapigilan ng aking ama ang kanyang sariling katawan. Dumiretso ang espada sa dibdib ng nasa lapag na si Ibami.

"Hindi!!! Ibami!" Sigaw ng aking ama. Puno ng sindak at pagdadalamhati ang kanyang pag-iyak. Hindi naman ako makapaniwala na magagawang pagtangkaan ng aking ama ang aking buhay para iligtas ang kanyang karelasyon.

Tumayo ako at hinugot ang espada na nasa dibdib pa rin ni Ibami.

"Alam mo ang kaparusahan sa pagtataksil sa akin at sa palasyo, ama." Ihinagis ko ang espada sa kanyang tabi.

"Patawarin mo ako, anak." Lumuluhang sambit nya.

"Pinapatawad na kita, ama. At sana'y patawarin ka rin ni Aedrien, ng aking ina at ng Diyos sa lahat ng iyong pagkakasala." Sagot ko sa kanya.

Nang makita kong hinawakan nya na ang espada at itinutok sa kanyang katawan ay tumalikod na ako.

"Argh!" Narinig ko ang huling tunog na kanyang ginawa. At kasabay ng paglagabog ng kanyang walang buhay na katawan sa sahig ay ang pagtulo ng aking mga luha.

...

Nang maipalibing na sina Ibami at ang aking ama ay itinanghal na akong hari ng kaharian. Pagkatapos ng paghahanda para sa aking iiwanang kaharian ay nagsimula na ang aking paglalakbay patungo sa isla ng Chromia kasama ang ilang kawal.

Hintayin mo ako, aking minamahal na Aedrien. Ilang sandali na lang mararating ko na ang isla. Ilang sandali na lang ay muli na tayong magkakasama, aking mahal.

CHROMIA SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon