Chapter 2 : The Rare White Wolf
Amiel POV
Tatlong araw na mula nang matagpuan namin ang binatilyo sa dalampasigan. Ayaw umalis ni Aliya sa tabi ng binatilyo. Halos oras-oras niyang inaamoy ito at sa gabi naman ay tinatabihan niya ito sa pagtulog. Hindi pa nagigising ang binatilyo . Pero sa kanyang pagkapit sa aking tuwing gabi habang kami ay natutulog, malalaman mo na malambing siyang nilalang.
Suminghap ng hangin si Aliya at inamoy niya ng maayos ang lalake.
Isa siyang werewolf .
Pagpapahiwatig niya sa akin.
May konti akong nalalaman ukol sa mga werewolf na nasa labas ng isla. Hindi mahaba ang kanilang mga buhay, parang kasing-haba lang ng buhay ng isang tao, kahit na katulad lang lahat ng aming pwedeng gawin, ang haba ng buhay lang ang pinagkaiba namin sa kanila. At hindi magkaiba ang kulay ng kanilang mga mata.
Hindi na ako sumama sa paglalayag nila Aedrian palabas ng isla. Namutawi sa aking kalooban na alagaan ang taga labas na binatilyo na ito.
Alam ko na nalungkot si Aedrian kasi hindi ako makakasama sa kanila, pero sinabi ko na naman sa kanya na pagdating ng panahon ay magkakasama kami na lalabas ng isla. Natuwa naman ang bata sa kanyang nalaman.
Kaya masaya siyang sumama sa kanyang ama sa palalayag palabas ng isla. Hindi ako nag aalala kasi alam ko naman na aalagaan siya ng mabuti ng kanyang ama.
Kairo POV
"Sa wakas nakuha na rin natin ang puting lobo ."
"Ngayon , matutupad na ang pangarap ng ating angkan."
"Magkakaroon na tayo ng mahabang buhay, isang imortal na buhay."
Kailangan kong tumakas mula dito.
Hindi maaaring makulong ako dito.
Yan ang mga katagang naglalaro sa isipan ko.
Agad ako na naghanap ng pinakamalapit na lagusan.Sa awa naman ng Dyosa ng Buwan, nakakita ako ng isang maliit na butas at kasya lang ako.
..................
"Alam mo bata, delikado ang palaboy dito sa lugar na ito, gusto mo bang sumama sa akin , pwede kitang mabigyan ng matutuluyan." sabi ng isang lalake sa akin nung natagpuan niya ako na palaboy-laboy sa isang parke.
Nadatnan ko na lang ang sarili ko na nakatali sa isang kulungan.
Unti-unti silamg lumapit sa akin at kanilang nilapastangan ang pagkatao ko.
"Huwag po." yan ang mga katagang paulit-ulit ko na sinasabi sa kanila. Ngunit parang hindi nila naririnig ang mga daing ko.
"Huwag po!"
...................
"Huwag po!"
Nagising ako sa isang di pamilyar na lugar, nakataas ang kanang kamay ko.
Di ko maigalaw ang buong katawan ko at parang may nakadagan sa akin.
At parang isang aso na napaamo, si Akia ay mahimbing na natutulog. Napansin ko na nakakulong pala ako sa bisig ng isang di kilalang lalake. Ang laki ng katawan niya, parang dalawang beses sa laki ng katawan ko.
Gusto ko man na tumakas mula sa kanya kasi nakakatakot siya, 'di ko magawa, kasi ang katawan ko ay parang nanghihina pa. Pero kahit 'di na ako nanghihina , 'di ko kakayanin umalis sa bisig ng di-kilalang lalaki na ito. Parang siya ang puprotekta at mag aalaga sa akin.
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
RandomChromia Series A pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Adamant sasuke21uzumaki BookSwaggin eiramslove FrustratedAtheist gingerbreadmans ...