Lucian
"Magdahan-dahan ka nga! Para kang isang taon na hindi nakatikim ng pagkain!"
Sa tuwing titignan ko si Aed ay naaalala ko ang oras na iyon na kumain ito na parang hindi siya nakakain ng matagal. Naramdaman ko ang pag-aalala para sa kaniya dahil sa gawi nito. Inis ako sa kaniya. Galit at namumuhi ngunit sa kabilang banda ay nakikita ko ang aking sarili sa kaniya.
Isa pang ikinainis ko sa kaniya ay nang magtangka siyang magpakamatay. Naaalala ko ang mga sinabi ko sa kaniya sa ilog noon.
"Tatakas ka pa ha? Akala mo ba hindi kita mahuhuli?"
"Hindi ka ba nag-iisip? Hindi mo manlang inisip ang mangyayari sa iyong supling sa ginawa mong katangahan?!"
Naalala ko ang paghingi niya ng tawad. Ang kaniyang pag-iyak. Ang hinagpis at pighati sa kaniyang puso. Naaawa ako sa kaniya dahil alam ko ang ganoong pakiramdam. Ang masaktan. Ang lumuha. Buong magdamag ay pinanuod ko siya sa kaniyang paglilinis. Binabantayan ang kaniyang bawat galaw. Sinisiguro na hindi na nito muling susubukang kitlin ang kaniyang buhay. Nagagalit ako dahil sa kahinaan niya. Naiinis kung bakit hindi ko pa siya kinagat at hinayaang mamatay noong araw na iyon. Pinahirapan ko siya at ibinigay sa kaniya ang mabibigat na gawain na madalas kunin ni Ila dito. Madalas kaming mag-away ni Ila dahil sa pakeke-elam nito. Ilang beses siyang tumakas, bagay na ikinagalit ko kaya binantaan ko siya na kikitlin ko ang buhay ng kaniyang supling. Ayokong umalis siya at mapahamak dahil magiging kargo ko ang kunsensya sa mangyayari sa kaniya.
Sa gitna ng aming paglalakbay upang hanapin ang tirahan ng mga kitsune ay bigla na lamang sumakit ang tiyan ni Pika. Purong pag-aalala ang aking naramdaman para sa kaniya. Ilang sandali pa ay nakaramdam kami ng panganib. Malalakas na kapangyarihan ang dumadami at pumapalibot sa amin. Ilang sandali pa ay nakapalibot na sa amin ang mga puting nilalang. May mabalahibong tenga sa ulo at mabalahibong bubtot. Mga gintong mata at ang iba ay may siyam na buntot.
Ang mga Kitsune.
Binuhat ni Ila si Pika. Sa pagkakataon na iyon ay napagtanto ko na kahit anong gawin ko, hindi mapasasa-akin si Pika. Nanginig ang buong katawan ni Aedrien at labis akong nag-alala. Binuhat ko siya at mabilis kaming tumakbo patungo sa lugar kung saan dadalahin si Pika ngunit bago pa man kami makarating sa lagusan ay hinarang kami ng lima sa mga ito. Dahil isa akong bampira ay hindi ako maaring pumasok sa sagradong lugar ng mga kitsune ng walang pahintulot ng kanilang pinuno.
"Kailangan niya ng tulong! Kahit siya na lang ang tulungan n'yo!" Nakapasok na noon si Ila kasama si Pika at hindi na nila napansin ang aming pagkaiwan.
"Pasensya na pero siya ay alipin mo. Nakikita namin ang kapangyarihan mo na nagmarka sa kaniyang aura."
Wala akong nagawa kundi ang sumang-ayon ngunit bago pa kami maka-alis ay tinawag kami ng pinuno ng kanilang hukbo.
"Dito kayo manatili sa aming tirahan, ako ang bahala sa inyo." Wika ng kanilang pinuno. Nakaramdam naman ako ng saya dahil kahit papaano ay maayos ang lagay ng aming titigilan.
"Pero..." Pilit na tutol ng isa.
"Hindi mo ba naaamoy? Ang bampira ay nagmula sa lahi ni Transil na kaibigan ng ating ninuno at pinakamakapangyarihang kitsune na derektang pinanggalingan nang nagdadalantao, at ang batang ito. Humihiling ang kalikasan na patuluyin sila at gamutin."
Doon kami nanatili at binilinan na huwag tutungo sa bahagi kung nasaan si Pika dahil doon namamalagi ang mga Ninetails. Mahiwaga at sagrado iyon at bawal ang mga hindi kadugo o hindi nakatakdang magsilbi sa mga Fox Spirit.
Isang gabing kumakain ay nagtaka ako sa lagay ni Aed. Ilang araw na ito ngunit ngayon ko lamang naisipang itanong.
"Dragă, Hindi ba at nagdadalantao ka? Bakit hindi yata lumalaki ang iyon sinapupunan?" Tanong ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
RandomChromia Series A pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Adamant sasuke21uzumaki BookSwaggin eiramslove FrustratedAtheist gingerbreadmans ...