Chapter 8
Sa kulungan ng mga traydor
Pinagmamasdan ko ang kalangitan habang naka higa sa matipuno niyang dibdib. Sana ganito na lang kami palagi ni Earth. Parang walang problema na pilit pinaghihiwalay kami. Ngunit hindi ko maisip na bukas ay maglalaban kami at iisa sa amin ang mamatay.
"Anong iniisip mo mahal na prinsipe?" Untag niya. Naramdaman ko ang braso niya na pumulupot sa bewang ko.
"Wala..." Pagsisinungaling ko.
"Ipagpatawad mo pero hindi ako naniniwala sa'yo mahal na prinsipe." Matalino pala ang lalaking ito. Nung una ko siyang nakita ay nagustuhan ko agad siya dahil napaka perpekto niya sa mga mata ko.
"Hahaha" Tumawa ako ng mahina. "Natatakot lang ako mahal kong Earth sa nalalapit nating paghaharap bukas." Aking wika na puno ng pangamba.
"Handa akong mamatay prinsipe Henna... wag ka lang masaktan." Ramdam ko ang sinseridad sa kanyang mga salita na tumagos sa aking puso.
"Handa rin akong mamatay Earth... wag ka lang masaktan nino man." Tugon ko sa kanya.
"Hindi pwede Henna... kailangan ka ng mga mamamayan ng Chromia." Sagot niya na ramdam ko ang pagaalala sa kanyang pagsasalita.
"Ngunit..." Naputol na ang sasabihin ko nang mag-salita si Earth.
"Wala nang pero-pero mahal ko" Tumayo na kami mula sa pagkakahiga. "Paghandaan na lang natin bukas ang paghaharap... may plano ako."
"Ano iyon?" Untag ko na ikinangiti niya.
"Basta. Matulog ka na mahal ko." Nag-iwan siya ng ngiti bago siya lumabas ng kulungan.
Sa bulwagan ng kaharian
Kailangang labanan ni Henna ang Dark Eyed Person na 'yon at kailangan siya ang manalo. Hindi maaring magkatuluyan ang hampaslupang 'yon sa anak ko saka isa siyang salot lipunan. Maari niyang ubusin ang populasyon sa aking bansa. Ang Chromia.
"Mahal na hari, nandito na po ang mga mangkukulam at mambabarang na kilangan niyo para bukas." Wika nang aking tauhan na inutusan kong mag hanap ng mga mambabarang.
"Maraming salamat Hermes. Ipakita sila sa'kin ngayon." Utos ko sa kanya. Binuksan ng mga kawal ko ang pinto ng bulwagan at nagsi pasok ang mga inaasahan kong tao.
"Mga mambabarang at mangkukulam patayin niyo ang lalakeng may itim na mata sa District Zero! isa siyang salot sa lipunan!" Matigas kong utos sa mga taong nasa harap ko.
"Masusunod po pinuno." Sabay-sabay nilang tugon.
"Magaling. Gusto ko na talagang mamatay ang lalakeng iyon para hindi na siya kahumalingan ng anak ko." Aking wika.
"Mahal na hari... kung pagsasamahin niyo ang kapangyarihan ng iyong mamamayan na kayang kumontrol ng elemeto ng lupa at ng aming kapangyarihan. Sigurado po akong mapapabagsak ang dark na yon."Suhestion ng pinuno ng mga mangkukulam.
"Hindi mo na kailangang sabihin pa 'yan dahil iyan na nga ang balak kong gawin." Aking tugon sa mangkukulam.
"Mabuhay si haring Efraim!" Sigaw nung isang kawal.
"Mabuhay!" Tugon nang lahat ng nandito.
Sisiguraduhin kong mapapatay ko ang lalaking 'yon at bukas na ang huli nilang pagkikita. Siya ang mamatay... anak ko ang mabubuhay. Si prinsipe Henna. Alam ko namang patakas na bumisita yung lalakeng iyon at may nangyari sa kanila ng anak ko. Hinayaan ko lang sila dahil pag nakipagtalik ang anak ko sa kanya, ang kalahati ng kapangyarihan niya ay mapupunta sa anak ko at pag nangyari iyon... kukunin iyon kay Henna at ako na ang pinaka makapangyarihang hari sa lahat.
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
RandomChromia Series A pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Adamant sasuke21uzumaki BookSwaggin eiramslove FrustratedAtheist gingerbreadmans ...