The Secret of the Dawn 2

57 4 0
                                    

¤♡♥♡¤

"Sino ka? Bakit mo alam ang tungkol sa amin?" Nagtatakang tanong ng nilalang sa babae.
Gumalaw ang babae at kumuha siya ng mauupuan. Hinarap niya ang nilalang na nakaupo na sa kama.

"Ok na ba itong sugat mo? Wala na bang masakit sayo?"Imbes na sagutin ang tanong ng nilalang ay pinagtuonan na lamang ng pansin ng babae ang sugat nito. Dahan dahan niyang tinanggal ang mga bendang nasa katawan nito. Hindi na siya nagulat ng makita niyang wala ng sugat ang nilalang. Maayos na at kitang kita na ang maganda nitong katawan.

"Sagutin mo ang aking katanungan!"Napiiling na lamang ang babae. Napabuntong hininga siya at humarap sa nilalang.

"Ang aking asawa ay katulad mo. Isa siyang Fianna."Maikling sagot ng babae. Lumaki ang mga mata ng nilalang sa mga narinig niya. Hindi siya makapaniwala na may nakalabas na palang Fianna mula sa Isla.

"Paano nangyari yang sinabi mo? Ang pagkakaalam ko ay wala pang nakakalabas sa Chromia."Nagtatakang tanong ng nilalang sa kanya.

"Tulad din itong nangyari sayo. Sa palagay ko ay napadpad ka dito sa aming mundo dahil sa isang Renkin na ginagawa ng inyong lahi." Naisip ng nilalang na ito tungkol sa sinabi ng babae. Tama nga siya dahil ang nilalang na ito ay ginamit ang Renkin ng Teleportasyon para makatakas sa mga Ukterang nanghahabol sa kanya.

"Ngayon, gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa inyong lahi. Ayon sa aking asawa, may natanggap siyang isang mensahe na may matinding epidemya na kumalat sa inyo. Bilang isang dating Sayantipiko ng inyong lahi, agad siyang nagtungo sa Chromia upang tumulong sa paglutas ng suliraning ito."Tanong at pahayag ng babae sa kanya.
Napatingin ang dalawang nag-uusap ng may pumasok sa kwarto ang anak ng babae na may dalang isang tray ng pagkain at tubig.

"Pinaghanda ko rin siya ng pagkain,ma. Baka nagugutom kasi siya eh."Pahayag ng binatang lalaki ng makapasok siya. Dinala ng binate ang kanyang hawak sa lalaking sugatan. Sa paglapit niya, nakita niya ang katawan ng nilalang.
Hindi niya mawari kung ano ang kanyang nararamdaman. Nang makita niya ang kanyang katawan na wala ng sugat o kahit na galos man lang ay nagtaka siya. Paano nangyari yun dahil noong makita niya ang nilalang ay puno ito ng sugat.

Nang mailapag niya ang tray sa harap ng nilalang ay naapatingin siya sa kanyang ina na may pagtataka sa kanyang mga mata.Inutasan ng babae ang kanyang anak na lumabas na muna dahil may pag-uusapan pa sila pero tumanggi ito sa gusto ng kanyang ina.

"Bakit ko kailangang lumabas,ma? Hindi pa pwedeng marinig ko yang pinag-uusapan niyo?"Mga tanong ng binata sa kanyang ina.

"Huwag matigas ang ulo, anak. Lumabas ka na muna at may importante kaming pag-uusapan."Wala ng nagawa pa ang binata kundi ang sundin ang kanyang ina pero imbes na lumayo siya para hindi marinig ang kanilang pag-uusap, inilapit ng binate ang kanyang tainga sa pinto para marinig niya ang pag-uusap ng dalawa.

"Bago tayo magsimula,papasukin mo na ang iyong anak. Kawawa siyang nakikinig mula sa labas."Sambit ng nilalang. Nagulat naman ang babae sa kanyang sinabi kaya tumayo siya at nagtungo sa pinto upang buksan ito.

Hindi nga nagkamali ang nilalang. Pagkabukas niya ng pinto ay nandoon ang kanyang anak na nakayuko pa. Napabuntong na lamang ang babae at pinapasok na ang anak sa loob pero bago sila mag-umpisa, nagsalita ang babae.

"Kung ano man ang maririnig mo at malalaman mo ay sana hindi magbago ang tingin mo sa papa mo,anak." Tumango na lamang ang binata sa sinabi ng kanyang ina.
Bago magsimula ang lahat, uminom muna ng tubig ang nilalang. Inayos ang kanyang sarili at tumingin sa mag-ina.
Ikwenento niya ang lahat ng alam niyang nangyari sa Chromia. Sinabi rin niya sa pag-iikot niya sa kanilang teretpryo ay wala na siyang nakita pa kahit isang kalahi nila. Habang nagkwekwento ang nilalang na ito ay hindi maiwasan ng babae na mag-alala.

CHROMIA SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon