Chapter 5:
Lyden's Point of View:
"Happy birthday ulit anak!" Pagbati sa akin ni mama kasabay ng isang halik sa pisngi.
Labing-walong taong gulang na ako ngayong araw na ito. Ito ang unang pagkakataon na wala si papa sa kaarawan ko. Malungkot man na wala siya dito, naiintindihan ko naman kung bakit.
"Salamat mama." Pagpapasalamat ko kay mama at ginantihan din ng halik sa pisngi.
Simpleng selebrasyon lamang ang naging birthday ko. Kaming tatlo lang nina mama at Laxius ang nagsalo-salo sa niluto ni mama. Wala naman kasi kaming masyadong kilala dito sa lugar na ito eh kaya kami na lang.
"Sige na, matulog na kayo dahil alam kong malayo pa lalakbayin niyo bukas." Utos ni mama sa amin.
Napag-usapan kasi namin na babalik si Laxius kasama ako sa Chromia pagkatapos ng aking Birthday. Sa una ay tumutol na naman si mama noon pero napilit din namin siya. Wala naman siyang magagawa eh. Kung hindi niya ako papayagan, sasama pa rin ako kay Laxius dahil..dahil yun ang gusto ko.
"Maligayang kaarawan sayo." Biglang bulong sa akin ni Laxius na siyang nagpatindig sa aking balahibo.
"Salamat." Sagot ko na lang sa kanya.
"Matulog na tayo dahil maaga pa tayo bukas." Sabi niya sabay tanggal sa kanyang mga damit.
"Dito ka na naman matutulog?" Tanong ko sa kanya.
Simula noong may mangyari sa aming kababalaghan sa may talon ay gabi gabi na siyang tumatabi sa akin. Ewan ko ba kung bakit pero ang sabi niya noon sa akin ay ayaw daw niyang mapalayo ako sa kanya. Sa totoo lang, noong sinabi niya sa akin yun ay nagdeliryo ang katawan ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko noong mga sandaling yun. Yun bang pakiramdam na parang may naglalarong mga paro-paro sa tiyan? Tapos dinagdagan pa ng nagtatakbuhan sa dibdib? Ang gulo pero gustong gusto ko yung pakiramdam na yun.
"Wala kang magagawa dahil ito ang gusto ko." Sabi niya sa akin.
Napailing na lamang ako sa kanya dahil wala din naman akong magagawa.
Naglakad na siyang papunta sa aking kama habang ako ay nakatayo pa rin. Pinagmasdan ko lang ang kanyang magandang katawan habang nag-aayos sa paghiga. Napangiti na lamang ako dahil sa aking nakikita.
"Bakit ka pa ngumingiti diyan? Hindi ka pa ba matutulog?" Mga tanong niya sa akin.
Napabuntong-hininga na lamang ako at nag-ayos na ako ng aking sarili. Gaya niya ay tinanggal ko na rin ang aking mga damit at ang itinira ko na lang ay ang aking brief. Mainit kasi ngayon dito sa probinsya at sinabayan pa ng isang mainit na katawan na tatabi sa akin.
Pagkahiga ko, agad niyang dinantay ang kanyang mga kamay sa aking dibdib. Ganyan yan kapag magkatabi kami. Pakiramdam ko nga ay para kaming mag-asawa kung titignan.
"Lyden.."Pagtawag niya sa akin. Tumagilid ako at hinarap ko siya.
"Masakit pa ba yang tiyan mo?" Tanong niya sa akin.
Nung isang araw kasi eh kumain kami ng talaba at dahil dun ay sumakit ang aking tiyan.
"Hindi na naman. Bakit?" Sagot ko sa kanya.
Nakita ko ang kanyang pagngiti sa akin. Naramdaman kong hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin para mas mapalapit pa ako sa kanyang gubad na katawan.
"Gusto kita muling angkinin." Mahina niyang sambit sa akin.
Nagreact ako dahil sa kanyang sinabi. Gusto ko sanang kumawala sa pagkakayakap niya pero hindi ko magawa.
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
RandomChromia Series A pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Adamant sasuke21uzumaki BookSwaggin eiramslove FrustratedAtheist gingerbreadmans ...