The Missing Heir 8

60 5 0
                                    


Chapter 8 - Langit, Lupa, Impyerno

Quinn

Winasiwas ko ang armas na aking hawak hawak sa ere at sinentro sa manika sa aking harapan. Binigkas ko ang kakailanganing spell upang naaayon sa kalikasan ang aking gagawin. May ilaw na suminag mula sa dulo ng aking armas at diretsong tinira ang manika sa mukha. Marahas itong lumipad papatalikod at nagsimulang magliyab. Malaking apoy ang aking nagawa ng dahil lamang sa kakarampot na kapangyarihan na aking isinambit.

Nanlalaki ang mata nang ako'y napatunganga sa aking nakikita, kagulatgulat dahil ito ang unang beses mula noong nakaraang araw ng magawa kong matiwasay ang pagkontrol sa aking kapangyarihan. Napatingin ako sa aking mga palad at pinagmasdan ito ng maigi.

Ako ba talaga ang gumawa niyon?

Tinignan kong muli ang manika at unti unti na itong naging abo at tuluyang naglaho. Natatanging usok lamang mula dito at masangsang na amoy ang aking nadama. Napasingkit ako sa aking napansin at napuna.

Napakalakas ng pwersa na ito. Maaari na akong makakitil ng buhay kung sakali mang gawin ko iyon kahit na sino.

Nakaramdam ako ng hina at napadausdos ako sa lapag, napahawak sa aking dib-dib at tuluyang napahiga.

Ako ba talaga?

Ako ba?

"Oo," pagsagot ng maliit na boses sa aking katanungan, nilingat ko ang aking paningin kung saan ito nagmumula at doon ko nakita si Dende na nakatayo sa aking uluhan. "Napakahusay mo na Quinn." dagdag niya.

Napa-isip ako bigla. Kung gayunman, katakot-takot na pwersa pala ang maaari kong magawa. Katakot-takot na maaari ngang makasira sa buong lugar ng Chromia. Kaya siguro natatakot ang mga salamangkero na magkaroon ng ganitong uri ng nilalang na kagaya ko. Natatakot sila para sa kalagayan ng Chromia.

Biglang nagbalik sa akin ang araw na bigla akong nilapitan ng isa sa mga council na tahimik lamang akong pinagmamasdan noong nasa hearing kami at pinag-uusapan ang pataw na parusa sa akin.

Nakaupo lamang ako sa malaking bato sa dalampasigan. Matatanaw mo rito ng lubusan ang isla kung saan nabubuhay ang mga mortal, kung saan ako lumaki. Kung saan ako nagka-isip. Kung saan ko nakilala si Matteo. At nakasama si Lola Alfonsa.

Palubog na ang araw noon kaya ramdam ko and preskong hatid ng hangin. Naririnig ko ang malakas na hampas ng alon sa dalampasigan. Nilalanghap ang amoy ng dagat na nanatili sa aking ilong. Gayundin ang pagsabay ng lakas ng hangin sa kapaligiran. Maaninagan mo rin rito ang mist na nagkukubli sa aming mundo, sa aming hindi kapani-paniwalang mundo.

Inaalala ko noon ang masasayang araw kung saan kasama ko ang dalawang mahalang tao sa buhay ko, kung kasama ko lamang sila ngayon ay natitiyak kong matutuwa sila dahil kilala ko na kung sino ang mga magulang ko. Mga magulang kong sinakripisyo ang lahat para lamang maligtas ang buhay ko.

Namuo ang mga luha sa aking mata kaya naman mabilis akong kumurap upang magtigil ang pagtulo ng mga ito.

"Narito pala ang bunga ng pagmamahalan." rinig kong sabi ng hindi pamilyar na boses mula sa kalapitan. Napatingin ako doon at nakita kong nakatingin din siya sa akin. "Ano ang ginagawa mo rito bata?" dagdag niyang tanong. Naalala ko ang kanyang mukha, isa siya sa mga council.

"Nagmumuni-muni lang ho, pabalik na rin po ako." unos ko. Napatingin akong muli sa tubig na rumaragasa at tumayo. Inayos ko ang aking damit at muling tumingin sa kanya. Mabilis siyang lumapit sa akin at inangat ang kamay nag-aakmang pagtigil sa akin.

"Wag ka munang umalis, mag usap muna tayo." wika niya. Nakalapit na siya sa aking tabi at umupo.

"Tungkol saan po?" nagtataka kong tanong, hindi na siya nakatingin sa akin bagkus nakatingin na siya mula sa kalayuann.

CHROMIA SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon